∆ 7 ∆

3.8K 145 2
                                    

Allexandria Faira's POV

2 weeks after.

"Faira! Hinihintay ka na ni lalaaaa! Mahirap ang mag isaaaaaaa!" Sigaw ng nanay kong baliw.

Napa irap ako at nag lakad pababa ng hagdan

"Ma. Wag kang maingay." Sabi ko sabay tawa.

"Bat ba!" Singhal nya. "Wag kang lalapit sakin pag nanganak na ako ah!"

Ngumiwi ako sakanya. "Di ka naman buntis eh!" Tapos tumawa ako.

Tinitigan nya lang ako at tinaasan ng kilay.

Napatigil ako sa pag tawa.

"LUH! DI NGA?! BUNTIS KA?" Gulat na sigaw ko.


"Oo nga!" Singhal nya pa.

"Ilang weeks na yan?" Tanong ko.

"Months na." Tapos tumawa sya.

Kaya pala ang taba nya! Akala ko matakaw lang talaga sya eh!

"Oh eh ilang months na nga mudra?" Tanong ko ulit.

"10 months." Sagot nya sabay tawa.

"Ano yan daynasor?" Sabi ko sabay tawa.

"2 months palang! Dupang. Alis na nga!" Sigaw nya at pinalayas na ako.

Lumabas na ako sa bahay at pumasok sa kotse ni Zeus the poker.

"San pupunta?" Tanong ko nang makabit ang seat belt.

"Mall." Maikling sagot nya.

Ngumuso ako. Panira to. Saya saya ko kanina nang malaman kong may kapatid na ako eh. Tas biglang! Tsk.

"Asan sila?" Tanong ko pa.

"They're not coming." Sagot nya.

"Ano yun? Tayo lang bibili? Waw ah!" Reklamo ko.

Hindi sya sumagot, tumaas lang ang isang gilid ng labi nya.

Nanahimik nalang ako hanggang sa makarating sa mall.

Pag baba ko ay bumaba na din sya. Nauna syang mag lakad sakin kaya naka sunod lang ako sakanya.

"Ano ba bibilhin?" Tanong ko pero di sya sumagot. "Allexandria kase talk to yourself wala kang kasama eh." Pag kausap ko pa sa kamay ko.

Hindi ako pinansin ng siraulo at nag patuloy sa pag lakad, pag pasok sa grocery ay kumuha sya ng cart at binigay sakin. Wao.

"Very nice set up." Bulong ko pa dahil ako taga pinag tulak nya ng cart.

Lagay sya ng lagay ng pagkain sa cart hanggang sa bumigat na yun.

Nabibwiset na ako sa lalakeng to. Lahat ng gusto kong pagkain na pinapalagay ko sakany, ayaw nya! di nya nilalagay! Pag nilagay ko, ihahagis pabalik sa kung saan!

"BAKA KASE MABIGAT NA TO! IKAW NAMAN MAG TULAK DIBA?" reklamo ko pero di nya ako nilingon. Inis kong tinitigan ang likod nya. Tumingin ako sa likuran ko kung may ibang tao at tumingin uliy kay Zeus nang mapag alamang kaming dalawa lang.

Nang tamaan sya ng limang balot ng mentos ay lumingon sya sakin at sinamaan ako ng tingin.. Inosente akong tumingin sakanya at tinuro ang cart.

Lumapit sya sakin at inagaw ang cart kaya napa yes ako.

"Salamat!" Masayang sabi ko at naunana sa counter.. "ako ba mag babayad?"

Worst Section [Fire #3]Where stories live. Discover now