∆ 46 ∆

2.1K 97 0
                                    

Hei gaiisss since ngayon ang release ng new album ng BTS at labs ko sila pati kayo, ay mag aapdeyt ako hihi

Paki stream ang mga music videos nila ha?

Map of the Soul:Persona hiuu labit.

5pm satin irerelease yon

At 4:49 na hihi.

April 12, 2019

Allexandria's POV

dirediretso ang pasok ni Yannie sa hotel room namin at pabagsak na sinara yon kaya kailangan ko pang iswipe ang card ko para makapasok.

Naabutan ko syang naka upo sa sofa habang naka yakap sa unan at dun umiiyak.

"Yannie." Tawag ko bago dahan dahang umupo sa tabi nya. "Anong nangyare?" Hinagod ko ang likuran nya at mas lalo syang naiyak.

"Nabibwiset ako kay Nathaniel." Mahinang sabi nya, suminghap sya. "Nag kagusto sya sayo."

napa ngiwi ako, alam ko yun. Halata naman eh.

"Tapos nung nawalan sya ng pag asa sayo, tsaka sya lumapit sakin at nag landi." Pag explain nya.

Oh so that explains kung bakit laging naka dikit sakanya si Nathaniel nung nakaraan.

Sinabi nya pa na kung sino sino daw ang kasama ni Nathaniel pag wala sya.

"Friendly kasi si Nat, normal naman ata yun." Sabi ko at inabutan sya ng tissue.
"Sa totoo lang hindi ko alam kung ano isasagot ko sayo." Pag amin ko.

"Okay lang, kahit makinig ka lang." Sabi nya bago ngumiti.

nag kwento pa sya tungkol kay Nat hanggang sa dumating si Lyra at sinabing pinapababa ako kaya sya naman daw dun.

syempre bumaba na ako..

"bobo ka kase."pag realtalk ni Louisa kay Nathaniel na naka upo at tulala.

"Hindi ko alam kung masasaktan ba ako sa sinabi mo o hindi, araw araw nyo akong sinasabihan nyan eh." Sabi ni Nathaniel kaya napa singhap ako.

"Bakit mo ba kasi ginawa yun." mahinahon kong sabi bago umupo sa tabi nya. "Pinaasa mo yung tao."

"Hindi ko sya pinaasa." Bumuntong hininga si Nathaniel. "hindi ako ang lumalapit sa mga babae, sila ang lumalapit at ang rude naman kung hindi ko sila papansinin."

"Oh sht rude daw, napa english." Sabi ni Allen na may pag hawak sa ilong..

"point taken." Pag amin ko. "Bakit hindi mo sinabi sakanya yan?"

"Sinabi ko na." Sabi nya naman..

"Kaso?" Pang uuto ko para nag salita pa sya.

"Ang iniisip nya ay pinag titripan ko lang sya."napa singhap kami sa sagot nya..

"Bakit hindi ba?" Hamon ni Zeus.

Ngumisi ako, ano kayang sagot neto.

"Hindi." Seryosong sagot ni Nathaniel. "Seryoso ako kay Yannie."

napa O ang mga bibig namin, literal.

Napa slow clap nalang kami.

"Akalain mong graduate ka na sa pagiging malandi!" Masayang sabi ni Dwight na naglagay ng sand sa ulo ni Nathaniel na hindi naman napansin.

"hmm." Nalang ang nasabi namin.

"Alam nyo, boy talk. Mag silayas kayo dito, dun kayo mag usap!" Pag bugaw ni Zelaria bago hinatak at pinag tututulak ang mga lalake palabas ng cottage, pati si Zero na ayaw umalis ay nahatak din ni Matthew.

Worst Section [Fire #3]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora