∆ 25 ∆

2.9K 122 0
                                    

3rd persons POV

Sa isang kwarto sa ospital ay nag kakagulo ang section E dahil wala lang, trip lang nila.

hindi parin nagigising si Zeus na medyo malala ang tama ng pag kakahampas sa ulo.

"ano ba!" singhal ni Zelaria nang itulak sya ni Allen dahilan para malaglag sya sa sofa na kinauupuan nya.. "kupal."bulong ni Zelaria nang makatayo at hinila ng isang beses ang buhok ni Allen.

"BOOOOOMMM!!" sigaw ni Nathaniel na nanalo nanaman sa uno..

"pota." bulong ni Kipper at inabotang pera kay Nathaniel. "DINADAYA MO NA ATA AKO EH!" sigaw ni Kipper at hinampas kay Nathaniel ang kahon ng Uno cards.

"HOY ANO BA! ANG INGAY!" sigaw ni Yannie na nag babasa ng Hide and Seek sa sulok ng kwarto.

"WEEE!! BORING!" sigaw ni Louisa at sinira ang house of cards ni Matthew na nainis naman at hinagis sa mukha ni Thea ang nasirang house of cards.

"ANO BA!" reklamo ni Thea.

"Bonak, ikaw kase pinaka malapit." Sabi ni Denise.

at nag sigawan pa sila.

Sa kabilang kwarto...

hindi gumigising si Allexandria na payapang natutulog, sa tabi nya nakaupo si Keith, ang tatay nya, na naka hawak sa kamay nya at naka titig lang sa mukha ng anak nya.

hindi nya maintindihan ang mararamdaman nya, nasasaktan syang makita ang anak nyang naka hilata sa ospital at puno ng sugat, idagdag pa ang away nila ni Zylix, at ang hindi pag lubay ni Chennel sakanya kahit anong tulak nya sa ito para lumayo sakanya.

totoong may nangyari kay Keith at Chennel, pero lasing sya nang mangyari yun, at nalaman lang kinaumagahan na makitang mag katabi sila ni Chennel at walang kahit na anong damit na suot.

hindi alam ni Zylix na nasa ospital si Allexandria.. Sinadya yun ni Yannie at Lyra dahil alam nilang buntis si Zylix at baka mapano ang baby sa loob pag nalaman ang nangyari kay Allexandria.. actually si Primrose ang tinawagan ni Lyra dahil may number sya nito.

"Fire..." mahinang tawag ni Keith sa anak nya.. "nak... Gising na.." Mahinang kausap nya dito at hinalikan ang likuran ng kamay nito.

wala syang nakuhang sagot kaya sinandal nya nalang ang noo nya sa likuran ng kamay nito na naka patong sa kama..

Sa kabilang dako...

Sa bahay ni Hazel.

"san ka pupunta?" habol ni Hazel kay Zylix na palabas ng bahay.

"Meeting ng client." Sagot ni Zylix, "mag papagawa ng gown." Habol nya pa.

"Di mo ba pupuntahan si Allexandria?" Tanong ni Hazel at natigilan sa pag lakad si Zylix.. "hindi mo ba namimiss ang anak mo?"

Humarap sya kay Hazel. "Miss na miss ko na sya." Nahihirapang sabi ni Zylix. "Pero ayokong makita nya ako ng ganito." dagdag nya.. Pareho lang sila ng nararamdaman ni Keith.

Pareho nilang mahal ang isa't isa pero natatakot silang kausapin ang isa't isa dahil baka mauwi nanaman sa away at lumala ang sitwasyon..

Hindi nila alam na pareho na nilang gustong maayos ang problema.

"I'll be back at 9."sabi ni Zylix bago sumakay sa kotse niya, "kuya sa Vine Cafe."sabi nya kay Koya Almond na kailangan syangbipag drive dahil delikado.

humawak sya sa tyan nya at pinakiramdaman ang nasa loob..

pinunasan nya ang luha na tumulo galing sa mata nya at umayos nalang ng upo.

Worst Section [Fire #3]Where stories live. Discover now