∆ 61 ∆

2K 83 2
                                    

Hei gais, sad or happy to say.

Na 8 chapters nalang then epilogue na.

Yep mag eend na ang Worst Section! oMg

Please vote ang comment hihi.

Lovelots.
__

Allexandria's POV

"Fuck."mura ni Zeus.

tahimik ang classroom at naka upo lahat sa mga upuan nila, lahat sila ay pareparehong malalim ang iniisip habang ako... Naguguluhan ako.

"Sino yun?"tanong ko, may ibang napa tingin sakin at ang iba naman ay nanatiling nag iisip ng kung ano. "Yung babae dun sa dati nyong class picture, sino sya?"

hindi nya makita ng maayos ang mukha ng babae dahik may ekis na nakalagay

nanatili silang tahimik, hanggang sa mag salita si Louisa.

"Ashline Ramirez."yun palang ang sinasabi nya pero para na akong hinampas ng cactus sa ulo.

Ash..

"Kilala ko sya."mahinang sabi ko, mahina pero narinig ng lahat kaya nag tinginan sila saken.. "Lumipat sya sa XA.... Bakit?" Tanong ko.

tinignan ko silang lahat.

"Anong bakit?" Tanong ni Allen.

"bakit sya lumipat?" Pag linaw ko sa tanong ko.

Im curious.

kaibigan ko si Ashline, pero never syang nag kwento sakin tungkol sa dahilan ng pag lipat nya dun sa XA.

it's been 2 years.

Dalawang taon na syang wala.

Wala as in patay.

Matalik na kaibigan ko si Ashline sa XA, sya ang palaging pumipigil sakin na makipag away sa mga hayop dun sa XA.. Lalo na yung mga nambubully sakanya na lagi syang pinapahiya.

"Nabully sya dito sa school."naka yukong sabi ni Zelaria. "Grabe ang pang bubully dito noon, yung tipong nag la-locker sya lang dun sa gym, biglang tutumba yung locker na pinag tulungan ng mga bully na patumbahin sakanya."

"hindi nyo tinulungan?" Nag tatakang tanong ko, imposible na hindi sila tumulong.

"Tinulungan namin sya, pero nung mga kahulihulihan nya dito, hindi na."sabi ni Dwight.

Para kaming nag ko-confession dito sa classroom, wala parin ang prof namin at sobrang tahimik ng classroom.

"Muntik na syang ma-rape ng ibang schoolmates naming lalake."pag kwento pa ni Lyra, kumuyom ang kamao ko, sino sino yon lumapit sila saken duduraan ko sila.
"Hindi namin sya natulungan dahil busy kami sa pag salba ng building na to."

kumunot ang noo ko, ano daw?

"Ipapasira na kasi dapat tong building naten kase wala naman daw tayong kwenta at puro daw basura dito... Sa sobrang busy namin sa pag salba neto, naka limutan namin na may pinoprotektahan kami."sabi ni Kipper. "Buti nalang may nakakita sakanila kaya natulungan sya." Bumuntong hininga pa sya.

Pare pareho pala kami ng kasalanan.. Kasalanan na hindi namin sya naprotektahan.

"nabugbog sya nung araw na yun, kaya hindi sya naka laban dun sa mga muntik nang maka rape sakanya.. Dinala sa hospital. Dinalaw namin, masaya kami, nag tatawanan."bumuntong hininga si Thea bago ngumuso, senyales na gusto nya nang umiyak at nahihirapan syang itago yon. "Hindi namin alam na yung ang huling beses na makakasama namin sya."

"Nung lumipat sya sa XA, hindi na namin sya nakita."sabi ni Matthew.. "kaya nga sobra sobra nalang ang pag protekta ng mga to sayo eh... Ayaw nilang maiwan ulit."

nakagat ko ang labi ko at napa yuko..

1st year sila nang mangyari lahat yon, at second year ko nakilala si Ashline.

"Allexandria.. Sabi mo kilala ko sya."sabi bigla ni Isabella. "Saan sya pwedeng makita? I mean, gusto ko sana syang makita eh."

napa singhap ako.

Hindi nila alam? oh my god.

"Wala na sya."mahina pa ang pag kakasabi ko non kaya medyo napa lapit sila sakin.

"Ano?" Tanong ni Josiah.

"Wala na sya."deretsong sabi ko, tama ang lakas ng boses para marinig nilang lahat.

nag bagsakan ang mga balikat nila.

"Oh my god."dinig ko pang sabi ni Isabella.

at naka rinig ako ng iyakan.

putangina.

parepareho kami ng kasalanan.

..

"kumain nga kayo ng maayos." suway ni Kipper sa mga kaklase naming babae na mga naka busangot at namumugto ang mata.

Napag alaman kong sobrang close nila si Ashline (kaso hindi daw kasing close nung bond nila saken), kaya ganun nalang sila mag iyakan.

"Shut up."singhal ni Zelaria. "Okay sorry, kakain na." Bawi nya nang makita na masama ang tingin sakanya ni Kipper.

"Nakakapagod din palang umiyak ng sobra."sabi ni Thea. "Kagutom." Tapos nakipag agawan na sya ng pagkain.

sabay sabay kaming natigilan nang lumapit sila Nathaniel at Zero, kasama si Mauriel at Areeya.

"Oh. Bat ngayon lang kayo?" Tanong ni Matthew.

"Pwede makiupo?" Tanong ni Nathaniel.

"Tanga ka ba, lamesa nyo din to eh bat ka nag papaalam."sabi ni Dwight bago tumawa.

"kayo tong hihiwalay hiwalay eh."sabi naman ni Zeus. "siraulo amp."

"Akala kasi namin ayaw nyo kaminh kasama eh."sumingit si Mauriel.

"Hindi ah, okay lang."sabi agad ni Denise, siniko naman sya ni Lyra. "aray ah, bakit baAaa--oh." Bawi nya nang inguso ako ni Lyra.

"okay lang talaga?" Tanong ni Areeya. "Baka ayaw kaming kasama ni Yannie at Allexandria eh."

"Hindi ah!" Agad na tanggi ko. "Okay lang hehe, upo kayo."

"Mm."lang ang sinabi ni Yannie na hindi manlang tumitingin sa gawi nila Zero.

Nag umupo ang apat sa mga bakante ay nag ingay na ulit, kanya kanyang kwentuhan.

Habang nananahimik kami ni Yannie.

"Allexandria pahingi naman."

"Ayoko!" singhal ko kay Matthew na sinubukang kunin ang burger sa tray ko. "Meron ka naman eh!"

"Titikman ko nga para sayo! Malay mo may lason!" Sabi nya at sinubukan ulit kunin ang burger pero hinampas ko ang kamay nya kaya binawi nya yun at si Louisa ang ginulo.

"Ang kalat mo kumain."Dinig kong sabi ni Zero, napa tingin kami sakanya.. as in lahat kami.

Naka tingin sya kay Mauriel na may dumi sa gilid ng labi, at pinunasan nya yun gamit ang thumb nya.

______________________________________________________
VOTE
VOTE
VOTE


Worst Section [Fire #3]Where stories live. Discover now