∆ 26 ∆

3K 119 5
                                    

3rd person's POV

Mag katabing naka upo si Zylix at Keith sa isang bench sa garden ng Cambridge hospital.

Walang nag sasalita sakanilang dalawa at parehong naka yuko.

Hindi nila malaman kung san mag uumpisa at nag hihintayan lang kung sino ang unang mag sasalita.

hanggang sa hindi na kinayanan ni Zylix at nag tanong

"May nabuo ba?" Mahinang tanong nya, napa lingon sakanya si Keith..

"ano?" Parang nabingi na sabi ni Keith. "W-wala." Agad na bawi nya nang maintindihan ang tanong.

napa ngiti si Zylix. "Dalawang beses nang nangyari to ah."

Umayos nang upo si Keith. "h-hindi ko sinasadya pareho." mahinang sabi nya.

"alam ko." Sabi ni Zylix tsaka tumingin kay Keith. "Alam ko." Ulit nya at nag iwas nang tingin nang lingunin sya ni Keith. Tuluyan nang humarap sakanya si Keith at humawak sa kamay nya ...

"Im sorry."
"Sorry."

sabay na sabi nila.

natigilan si Zylix nang ngumiti si Keith.

"Ehhh!! Bwisit ka!" Singhal ni Zylix nang tumulo ang luha nya at hinampas ang dibdib ni Keith nang paulit ulit. "nakakainis ka!" Paulit ulit nya ding sabi.

natawa si Keith at pinigilan ang pag hampas sakanya ni Zylix, yumakap sya kay Zylix na tinakpan ang mukha kakaiyak. "Baby.. sorry."

hindi sumagot si Zylix at umiyak lang. "nakakainis ka." bulong ni Zylix.

"I know.." Sabi din ni Keith. "I love you." bulong nya kay Zylix.

"Bwiset." yun nalang ang nasabi ni Zylix dahil umiiyak pa sya. Natawa nang mahina si Keith at hinalikan sa gilid ng ulo si Zylix.

nasa ganon silang sitwasyon at hindi alam na pinapanood sila ni Allexandria mula sa kwarto nito na dalawang palapag lang ang taas sa garden.

naka ngiti si Allexandria at naka hinga ng maluwag.

hirap syang nag lakad pabalik sa kama nya nang pumasok si Zero sa kwarto nya

"BWAAHH! GISING KA NA!" malakas na sigaw ni Zero na nagulat kay Allexandria at naka hawak pa sya sa dibdib nya para daw may efex ang pag kagulat.

"bwiset.. nagulat ako." mahinang sabi ni Allexandria na muntik nang matumba sa sobrang gulat. "tulungan mo nga ako!" Sigaw ni Allexandria kaya dali daling sinarado ni Zero ang pinto at lumapit kay Allexandria at hinawakan sya sa braso. "feeling ko gurang na ako, sakit sa likod huhu."

dahan dahan syang tinulungan ni Zero papunta sa kama nang sipain ni Matthew ang pinto pabukas na tuluyang nag pa gulat sa dalawa at parehong natumba sa sahig.

nanlaki naman ang mata ni Matthew sa nadatnan.

Naka higa si Zero sa sahig at naka patong sakanya si Allexandria, parehong gulat.

pero hindi yun ang nakakagulat.

mag kadikit ang labi nang dalawa.

pero ngumisi dun si Matt at nilabas ang cellphone at pumwesto para humanap nang magandang angulo nang pag picture sa golden moment.

"Matthew!" Narinig nila ang sigaw ni Zeus na naka tayo sa labas ng sarili nyang kwarto, napa lingon sakanya si Matthew at nanlaki ang mata sa gulat.

"OH SHIT!" sigaw ni Matthew at pumasok sa room ni Allexandria bago sinarado ang pinto at ni lock, lumapit sya sa dalawa at tinulungan tumayo si Allexandria na naka tulala.

Worst Section [Fire #3]Where stories live. Discover now