∆ 27 ∆

3K 120 3
                                    

Allexandria's POV

"Kayo nanaman?" Reklamo ko nang makita ko ang mga mukha nang mga kaklase ko.

"Grabe ka.. Tara lipat." Sabi ni Allen at tinulungan akong tumayo. "Wheelchair?"

"Ihampas ko yan sayo."banta ko at natawa sila.

Lumipat kami sa kabilang kwarto, sa kwarto ni Zeus.

"Bat andito kayo?" Masungit na sabi nya nang makita kami.

"Ayaw nya kaming kasama, ikaw naman." Sabi ni Yannie.

"Alis na kami ah." Paalam pa nila.

Papunta na kase sila sa school at nadaanan lang kami.

"Yieee quality time with crush."sabi ni Kipper at nag batukan sila ni Matthew.

"Halika na." Sabi ni Nathaniel.

Walang masungit kase wala si Zero.

"Walang jugjugan ah." Paalala pa nila.

"Tarantad--" hindi na natapos ni Zeus ang sasabihin nang mag takbuhan na palabas ang mga kaibigan namin.

"Uhh." Lang ang nasabi ko nang maiwan kami ni Zeus.

Tumingin sya sakin pero agad ding nag iwas ng tingin at sumenyas na lumapit ako sakanya.

Para akong aso na sumunod at tumayo sa gilid ng kama nya.

"Kamusta pakiramdam mo?" Tanong nya sakin habang may hawak na libro. Hawak lang naman, di naman sya nag babasa.

"A-ayos lang." Sabi ko.

"Umupo ka kaya." Natatawang sabi nya at uumurong nang konti.. "Alam mo bang.." Tumigil sya at tumikhim. "Iniwan ko ang section E sa sobrang takot at galit nang makita na sinaktan ka nila."

"H-ha?" Utal na sabi ko.

Ngumiti sya at hinawakan ang kamay ko na nakapatong sa kumot nya. "Wala."

***

"ahhh! Uuwi na akooo!" Masayang sabi ko nang ma discharge sya sa hospital.

Halos one week din ako sa hospital no! Si Zeus naman ay hindi pa pwedeng ma discharge dahil sumasakit pa ang ulo dahil sa pag kakahampas duon.

"Susunduin ka ba?" Tanong ni Nathaniel sakin. Umupo muna ako sa sofa bago ako sumagot.

"Hindi ko alam, may meeting si mami, si dadi uhh sinamahan ata si mami." Sabi ko at nag kibit balikat.

"Ihahatid ka nalang namin." Suhestiyon ni Matthew.

o-oo na sana ako nang bumukas ang pinto at pumasok si Zero na hindi ako binisita nang one week.

"H-hindi na." Sabi ko nang mag iwas ako nang tingin kay Zero. "Mag papasundo nalang ako kay Jadh."

"at sino naman si Jadh?" Singit ni Zero, napa tingin kami sakanya, at naka ngisi si Matthew.

"Kaibigan ko." Simpleng sagot ko.

"Bat hindi ka nalang mag pahatid samin?" Masungit na sabi ni Zero at naupo sa single couch, kaharap nang kinauupuan ko.

Napa lunok ako at hindi naka pag salita dahil may bumara ata sa lalamunan ko.

"Ayaw sumagot." Sabi ni Matthew. "hahatid ka nalang." Sabi ni Matthew kaya hindi na ako naka angal. "Ahh! Naalala ko! ayaw pala mag paiwan ni Zeus sa kabilang kwarto!" Singhal ni Matthew kay Nathaniel.

mukhang nag taka pa si Nathaniel. "Ha? hin--"Hindi na natapos ni Nat ang sasabihin nya nang hatakin sya ni Matt palapit sa pinto

"sige bye na! Zero ikaw na mag hatid dyan!" Sabi ni Matt at tuluyan nang lumabas..

tumawa lang ng mahina si Zero habang sobrang bilis nang tibok ng puso ko, hindi ako kinikilig! Nabibwiset ako! Bakit ba andito sya.

hindi ako pwedeng ihatid ng iba naming kaklase dahil sila Nat, Matt at Zero lang ang hindi pumasok sa school.

"Lika na." Yaya ni Zero sakin at kinuha ang bag ko na nasa kama. hindi ko sya pinansin at pinanood lang sya. Nang mapansin na hindi pa ako kumikilos ay tumigil sya at tumingin sakin. "Ano? hindi ka na makalakad? Gusto mo buhatin kita?"

umiling ako at tumayo. "Ayus ayusin mo." Banta ko sakanya nang madaanan ko sya.

Hindi na ako natutuwa sa inaasta nya at gusto ko na syang paliparin. Naguguluhan na ako! Inaamin ko nang may gusto ako kay Zeus!

Pero sa ginagawa ni Zero ay naguguluhan lang ako!

nauna akong mag lakad palabas ng hospital pero pag dating sa parking ay nauna na sya.

Pag kasakay sa kotse nya ay tahimik lang kaming dalawa.. naka yuko lang ako at tinatap ang mga daliri ko sa tuhod ko para may magawa lang.

Nang makarating sa labas ng bahay ay akmang bubuksan ko na ang pinton nang hawakan ni Zero ang braso ko at iharap ako sakanya.

"Anong problema, Allexandria?" Kunot ang noo na sabi nya.

"Wala." Sabi ko at tatalikod na sana nang hatakin nya nanaman ang braso ko kaya inis akong lumingon sakanya. "Ano ba!"

"bat ka sumisigaw? Galit ka? may ginawa ba akong masama?" Tanong nya.. "Allexandria ano? May nagaw--"

Hindi ko na sya pinatapos at sumabog na ako.

"Ginugulo mo ako!" Sigaw ko at natahimik sya. "Ginugulo mo ang naratamdaman ko! Kung kailan inaamin ko na sa sarili ko na may gusto ako kay Zeus, tsaka mo naman guguluhin! pwede ba, Pwede ba!" Tumigil ako sandali at huminga nang malalim. "Tigilan mo ang mga ginagawa mo! Tigilan mo ang mga pinag sasabi mo sakin! Naguguluhan ako!"

"Wala akong ginagawang masama." Seryosong sabi ni Zero na naka tingin lang sakin. "Ikaw lang ang nag iisip nyan."

Natahimik ako, hindi ako sumagot at binuksan ang pinto para lumabas. Naramdaman ko syang sumunod at lumabas din.

"Wala akong sinasabi sayo. Walang nakakagulo sa mga ginagawa at sinasabi ko. say--" hindi ko sya pinatapos.

Lumapit ako sakanya at hinatak ang collar nya palapit sakin, nanlaki ang mata nya nang mag dikit ang labi namin. Hihiwalay na sana ako nang hawakan nya ako sa bewang at nilapit lalo sakanya.Napa pikit ako nang mariin nang laliman nya ang pag halik sakin..nang bumitaw sya ay sinamaan ko sya ng tingin.

"Ngayon mo sabihin na walang masama sa ginagawa mo." Sabi ko, dahil alam kong nararamdaman nya ang lakas ng tibok ng puso ko dahil sa pag kakayakap nya sakin.

_________________________________________________________

;)

Worst Section [Fire #3]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن