∆ 60 ∆

2.1K 87 4
                                    

3rd person's POV

"Yeah, naalala ko nung inaway ko sya sa labas ng classroom nyo." Naka ngiting sabi ni Areeya. "Nagulat ako bigla syang nag sorry na sinagot sagot nya ako."

Napa ngiti si Zero.

"My good girl."mahinang sabi nya, sya lang ang naka rinig.

"Hmm, pero nag away sila ni Reina. Napanood ko yun eh."naka ngiting sabi ni Mauriel.. "Bitch kase yung Reina na yun eh, tinawag ba naman na malandi si tita Zylix, aba malamang nagalit si Allexandria. Tapos tinawag pa syang malandi. Sumabog bigla eh, tinawag na judgemental si Reina." Natawa sya.

"Napanood ko din yun, susugod na sana ako nung sasampalin nya sana si Allexandria eh, kaso sinanggi sya ni Allexandria."sabi ni Areeya. "Kaya pala naging reyna sa XA yun eh, nakikipag away nalang may class pa, nakikipag away tapos biglang mag sosorry."

natawa sila.

"Hindi ko pa nasosolo si Yannie eh, gusto kong subukan ang magiging reaksyo nya."sabi ni Areeya ulit. Napa tingin naman sakanya si Nathaniel. "What? I wont hurt her naman eh!"

Nginitian lang sya ni Nathaniel, hindi sya pwedeng umirap dahil may nanunuod sakanila.

"Nakipag break ka na no?" Tanong ni Mauriel at natahimik silang apat, naka tingin sila kay Zero, namugto din ang mata ni Zero kakaiyak kahapon, nilagyan lang ni Mauriel ng concealer.

"Oo."sabi ni Zero. "Akala nya pinag laruan ko lang sya."

Walang nag salita.

"Tangina sabi nya pa pinag sisihan nya daw na ako ang pinili nya imbis na si Zeus."yumuko si Zero at napa hilamos sa mukha.

"Ouch."react ni Areeya. "Normal lang yun, nasaktan sya eh."

Walang umimik.

"Balik na tayo sa classroom." Yaya ni Nathaniel, tumayo sya. "Tagal naman Areeya." reklamo nya dahil ang bagal kumilos ni Areeya.

"Tara." Mahinang yaya ni Zero bago humawak sa kamay ni Mauriel, tumingin pa sya kay Allexandria na naka tingin sa kamay nila na mag kahawak, gusto nyang bitawan ang kamay ni Mauriel at hatakin palabas si Allexandria, pero hindi nya magawa.

umiwas ng tingin si Allexandria bago tumawa sa joke ni Matthew na korni iw.

lumabas na silang apat dun at hinatid ang dalawa sa section A.

"Patayin nalang kaya natin silang lahat?" Suggest ni Mauriel nang tumigil sila sa labas ng section A. "Ang tagal tagal netong ginagawa naten."reklamo nya.

Dalawang araw palang nilang ginagawa yun pero boring na boring na silang apat, feeling nila sampung taon na silang nag kukunwareng nag jowa.

Sabay sabay silang napa tingib sa dalawang lalaki na papasok sa section A, parehong naka tingin sakanilang apat kaya ngumiti si Areeya.

"bye babe!" Naka ngiting sabi ni Areeya bago humalik sa pisngi ni Nathaniel. "Yuck."bulong nya pa kay Nathaniel, napa nguso naman si Nat at pinisil sa pisngi si Areeya bago tinulak papasok sa section A.

"Bye."si Zero ang bumati kay Mauriel at ginulo ang buhok nito.

Hinintay pa nilang maka pasok si Mauriel bago sila umalis.

diring diri sila kapag may ganun na pang yayare.

bumalik na sila sa classroom, andun na si Zeus na kanina pa sila hinihintay.

"Mugtong mugto yung mata ni Allexandria."kwento ni Zeus. "Pinipilit na nga lang syang patawanin ni Matthew eh. Nag kukunwareng okay lang sya."

"Sino bang hinihintay natin? Para matapos tong ginagawa natin?" Tanong ni Nathaniel, nilapag nya ang ballpen sa arm chair nya.

Worst Section [Fire #3]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora