∆ 9 ∆

3.4K 127 7
                                    

Allexandria Faira's POV

"Alin ba kase?!"

"Yung ano ba?!"

"Bobo yung itlog!"

"Maka bobo ka! Ikaw yun eh! Pagkatapos mong pagulungin kanina! Kutusan kita dyan eh!"

Natatawa nalang ako sa sigawan nila Mame.

Ahh. Pakilala ko ulit.

Zylphire Fernandez, and prinsesa ng class 3F slash 4F.. Dati! Syempre. Lola ko sya PUAHAHAHAHHAHAHAHA kaso hindi pa daw sya matanda kaya Mame nalang daw.



"Asan sila Zeya?" Tanong ni Mame kay Papi Jeris.

Si Mame Zeya at Papi Jeris ay mag asawa, anak nila si tito Zeris na bestfriend ni Mami.

Achunanga, di ko na ikekwento kung sino sino sila hehe. Madami eh.



Sinagot sya nila Mami.


Tumayo ako at lumapit kela Dadi na mag uumpisa nang mag laro ng bugtungan.




"Nakita ko si Santa clause." Inumpisahan ni Papi Jandrei, tumingin sya kay Dadi.

Tinitigan nila si Dadi na tahimik na naka yuko, hanggang sa mapa aray nalang sya sa isang batok na natanggap.



"Ikaw na bobo." Sabi ni Papi Austin.



"Ay. Ulit ulit." Sabi ni Dadi.


"Nakita ko si santa clause." Inulit ni Papi Jandrei bago tumingin kay Papi Clein.



"Sa ibabaw ng kama?" Patanong nyang sabi.


Nag kantyawan ang lahat.


"Wild!" Sigaw ni Papi Jayden kahit wala pa namang nangyayare.


"Ako na ako na!"singit ni Tito Kurt.. "Sa ibabaw ng kama, na may kasamang babae!"


Lumakas ang kantyawan!


"ako na!" Sigaw ni Tito Adam. "Nag titigan ang babae at lalake!"



"Na itatago natin sa pangalang, James at Rhea!" Nag kantyawan sila nang marinig ang pangalan ng ex ni Papi James AHAHAHHAHAHAHA.


"Anak nang. "Reklamo ni Papi James. "Sinakal ni James ang Babae."



"At gumanti si Rhea!" dugtong ni tito Jade.


"Sinabunutan ni Rhea si James." Bored na sabi ni Papi Calix.



"At nahulog sila sa kama at nabagok ang ulo ni James kaya namatay sya!" Masayang sabi ni Mame Zylphire na pumalakpak pa!


"Aba't!" Sigaw ni Papi James at hinagis ang isang unan kay Mame.

"Teka! Nabuhay ulit si James at pumatong kay Rhea para gumanti!" Sigaw ni tito Javier.


"Ay ay! Iba na yan!" Sigaw nila at nag tawanan.


"Kaso inuntog ni Rhea ang ulo nya sa ulo ni James." Sabi ni Tito Nathan.


"At namatay ulit si James!" Sigaw ulit ni Mame at nag tawanan nanaman kami.


"Ako nanaman!" Sigaw ni Papi James.


"At nabuhay ulit!" Singit ko.


"Anaknang. Buhay nanaman yang hayop na yan?" Reklamo ni Dade Calix.

Worst Section [Fire #3]Where stories live. Discover now