CHAPTER 5

419 1 0
                                    

Ilang araw bago ang pagtatapos ng unang semestre, abala na ang mga guro para sa mga pagsusulit at proyektong ilalaan sa mga estudyante ng unibersidad.

Laging napupuno na ang xerox copier center ng tao, ang mga nagkaklase ng Physical Education ay lagi nang nagsasanay sa malaking Open Field kasabay ng mga atletang lalaban sa UAAP.

Ang mga lupong tagapagbantay ng bansa ay may paminsan-minsan ding pagsusulit at demonstrasyon sa ROTC Field.

Iba-ibang halaman na makakain naman ang itinatanim ng mga Agriculture Students sa katabing grounds.

Sige rin sa pagsasaayos ng mga kalat sa daanan ng mga sasakyan ang mga mag-aaral na kumukuha ng CWTS para sa kanilang Finals.

Sa tabi ng gusali ng Education, ay ang mga pangkat ng estudyanteng nagkakaroon ng recitation sa pagluluto.

Kanya kanyang may bitbit na libro ang mga ito at imahe ng mga recipe na kanila ring gagamitin. Sa bilang na apat napu, laging nagmumukhang siksik ang isang katamtamang laki na Cooking Area para sa naturang klase.

Nasa dulong sulok nito ang isang lalaki at isang babaeng kapwa anak ng mga mayayaman sa lungsod at kapwa nasa legal na edad na.

Ang lalaki na sobrang nahuhumaling sa katabing babae na ang pamilya ay matagal nang kilala ng kanya ring pamilya kaya't sila ang gustong makapag-isang dibdib.

Bagong tanggap lamang ang lalaki bilang varsity sa Swimming ng buong unibersidad dahil sa angking husay nito na mapapansin sa napakakinis na kutis.

Pagkalabas sa klase ay susundan ng binata ang magandang dilag na mauupo sa shed sa ilalim ng punong mangga upang magpahinga.

Kakaway ang binata sa ibang kabarkadang lalaki at masosolo ang dalaga sa upuan. Idinikit niya ang kanyang labi sa ilalim ng tainga ng babae.

"Ano ba...", angal ni Virgo sa lalaking pilit na nakikipagharutan sa kanya

"Saglit lang ito...", banggit ni Lance na gustong papakin ng halik ang dalagang wala namang gusto sa kanya.

Nang maramdaman ni Virgo ang pagpahid ng bigote ni Lance malapit sa kanyang dibdib at paghipo sa kanyang puwitan ay hinampas niya ito ng kanyang bag.

Agad naman umiwas si Lance na humawak sa pangang nasaktan.

"Ano ba, Lance! Ilang ulit ko bang sasabihin sa'yo na may boyfriend na ako! Tigilan mo na ako please lang!", pasigaw na sabi ni Virgo

"Boyfriend? wala akong pakialam! Sa dulo, ako pa rin naman ang mapapangasawa mo hindi ba?", wika ni Lance na bantay salakay sa dalaga

"Pero...", banggit ni Virgo na hindi na nakapagsalita muli dahil sinugod ng labi ni Lance ang labi niya at pinaghahalikan

Mula sa kabilang hallway ay makikita ng mga naglalakad na sina Leo at Alvin ang tahasang pananamantala ni Lance sa pilit na umiiwas na si Virgo.

Tumakbong pumunta sa naturang shed si Leo, inangat sa kaliwang kamao ang balikat ni Lance at agad inundayan ng malakas na sapak ng kanang kamay sa mukha ang varsity player.

Natumba sa ugat ng puno ang nasuntok.

"Tarantado ka ha!", tumitig na sinabi ni Leo na niyakap ni Virgo

" Eto ba?", sambit ni Lance sabay tayo at turo kay Leo habang nakatingin sa dalaga

"Eto ba ang ipinagmamalaki mo? Hoy! Kung hindi dahil sa family ko, nagkanda letse-letse na ang pamilya mo! Tandaan mo ang araw na ito Virgo!"

Bitbit ang backpack ay aalis nang duguan ang pisngi si Lance at maiiwang umiiyak si Virgo. Yayakapin ito nang mahigpit ni Leo at hahalikan sa noo.

Pupuntahan sila ni Alvin upang magbigay ng moral support.

If we fall in-luvOù les histoires vivent. Découvrez maintenant