CHAPTER 18

430 1 0
                                    

Broadsheet Area.

Naghahalughog ng gamit si Janice sa kanyang shoulder bag at waring may hinahanap. Inilatag niya ang lahat ng laman nito sa lamesang malapit sa monitor ng kanyang computer. Lumantad ang maliit na plastik ng tissue pads, isang pirasong napkin 'yung with wings, hand sanitizer, face powder, lip gloss, sipilyo, maliit na toothpaste, panyong may pulbos sa nakatuping parte, tiyani, Efficascent Oil para sa sakit ng kalamnan, suklay, charger ng cellphone, magnifying glass, screwdriver, glue gel, kutsara, baso, mga tinidor, platito, kutsarita, mangkok, abrilata, limang babasaging plato, isang pirasong gamit na toothpick, placemat, tasa, maliit na basong pang-shot sa alak, lighter at takure na kapag mainit na ang tubig ay siyang sisipol ng malakas. Gulung-gulo na hinahanap at inisa-isa ang mga gamit hanggang sa dumating si Rubie sa kanyang kinauupuang cubicle.

"Ah!!! no 'yan?!", gulat na sambit ni Rubie

"Hinahanap ko Sis ang Flash Drive na nilagay ko rito sa bag, nakalimutan ko na kung saan ko iyon naisuksok! Naku! nandun pa naman yung draft ko sa Investigative Report", banggit ni Janice

"Ba...baka naiwan mo lang na nakasaksak sa CPU ng computer niyo sa bahay...", dagdag ni Rubie

"Hindi ko na nga matandaan kasi ang dami kong ginawa kagabi! Alas tres na nga ako nakatulog kaya nga na-late ako sa pagpasok kanina", banggit ni Janice

"Pa... Pansin ko nga eh!", sambit ni Rubie na mapapansin din ang mga nakakalat na kitchen paraphernalia sa mesa ni Janice, "Eh... ang mga ito? Bakit dala mo sa bag mo ang mga ito?", tanong ni Rubie habang hawak ang takure

"Ah... sinuksok ko nga 'yan sa bag kagabi kasi isasauli ko na sa kitchen ng opisina natin... Hindi ba hiniram ko 'yan nung huli tayong nagparty sa bahay? Isiniksik ko na sa bag ko para isang dalahan nalang"

"O... Okay!", sambit ni Rubie na tinutulungan sa pag-aayos ang kaibigan. Ilang saglit pa'y darating na may dalang isang rim ng A4 Size Couponband si Rhyna.

"Here are the papers!", wika ni Rhyna pagkalapag ng couponband sa desk ni Janice. Magugulat ito sa mga nakakalat. "Wow! Hindi ka man lang nagpa-abiso sa amin Sis na ililipat na pala ni Manager ang kitchen area sa cubicle mo ah!"

"Tangiks! Magsasauli lang daw siya ng mga hiniram niya noong nag-party sa house nila", sambit ni Rubie sa kabilang gilid

"Ow! My apology!", banggit ni Rhyna at titingin kay Janice, "Akala ko ba Sis... magpi-print ka na ng draft mo?"

"Ayun na nga eh! parang nakalimutan ko naman dalhin 'yung USB! Nakakainis naman... ahhh! Kapag minalas ka nga naman talaga oh!", galit na banggit ni Janice

"Hay naku Sis! lalo kang papangit niyan kapag pinroblema mo ng pinroblema ang bagay na 'yan! Bukas mo nalang ipasa at I'm sure maiintindihan naman ni Sir iyon kasi marami ka ngang ginagawa 'di ba?", sambit ni Rubie

"Oo nga naman Sis... bakit hindi na lang natin pagkuwentuhan 'yung 'Guy Next Door' na na-meet mo kaninang umaga... Ayeeh!", kinikilig na sinabi ni Rhyna

"Ano ba kayo! Mayaman 'yung tao... as if magkagusto 'yun sa akin nuh! Tsaka iba ang gusto ko...", wika ni Janice na may nararamdamang kakaiba, "Gusto ko ng...", maririnig ng dalawa pa niyang kaibigan ang pagrereklamo ng kanyang tiyan

"Teka Sis... nag-breakfast ka ba bago umalis ng bahay?", tanong ni Rubie at iiling si Janice, "Tara! may bagong bukas na resto sa baba... I'm sure mai-inlove ka sa lasa nun!"

"Yes! Dahil gusto mo nang kumain, kakain na rin kami! Anyway..", banggit ni Rhyna na titingin sa kanyang relos, "Magbe-break time na rin naman eh! Tara!"

If we fall in-luvWhere stories live. Discover now