CHAPTER 51

319 0 0
                                    


Bagong lipat na mga gamit... 

ang buddha display, ballpen, lapis, onion skin A4 paper, sunglass na black at ang bagong regalong kulay yellow green, calculator na pinangitlugan na ng ipis sa loob, monitor at CPU, pitsel, mouse, electric fan na puro agiw na rin ang elesi, nangalahating paketeng toothpick at isang kaha ng Marlboro Filter Plus na lahat ay 'Made In China'... ang makikita sa tabi ng mga magkakapatong na kahon. Tanging mga upuan at iba pang mabibigat ang iniwan ng mga sindikato sa kanilang lumang bodega. Habang wala pang pagsilip ng araw sa bagong umaga, maglalakad-lakad muna ang lider sa loob ng parking space na hindi kalayuan sa isang Volkswagen na pinupunasan ng dalawang alalay. Pinalitan na rin nito ng bagong battery ang isang wall clock.


"Sige... Linis kayo para gamit atin maya-maya...", banggit ng lider na sukbit sa baywang ang baril na .45 na kinargahan ng isang bala at may matinis na boses

"Eh Leader!",sabi ng panot na titingin sa plate number, "Coding po ito!"

"Ah... ganun ba?",banggit ng lider at ilalapag ang isang maliit na attache case sa gilid. Hahanapin niya ang itinagong isa pang plate number na pinagawa sa ilalim ng Bambang Station, "Eto! Palit niyo diyan! Dahan lang dahan-dahan lang..."

Kukunin ng panot ang plakang hawak ng lider at ikakabit ng panibago sa dalawang dulo.Magsisimula namang magbuhat ng mga narepak na mga gatas ang payat na alalay.

"Leader...Pupunuin ba natin yung likuran ng mga gatas na ide-deliver?",tanong ng payat

"Siyempre...pagkasyahin niyo lahat jan para wala na tira dito. Para bago flavored naman atin bigay...", banggit ng lider na aayusin ang computer at cpu sa isang maliit na lamesa na ang mukha ay tinatakpan pa rin ng dilim

"Ahhh... ayos yan! Para dami na naman atin pera! Ha ha!", masayang sambit ng payat

"Oo naman... para kuha na ren kayo asawang ganda gaya ni Mya..."

YOOOOOON! Mag-aapir ang dalawang alalay at may magriring sa cellphone ng lider at ito'y sasagutin.

"Sino kaya ito???", tanong ng lider pagkatapos makita ang cellphone at pinindot, "Eow"

"Hello Hon!",sa kabilang linya na wika ng isang maybahay na babae, "Hon...ibili mo nga ako ng napkin sa tindahan diyan sa labasan lang yung with wings ah... hindi ako makalabas ng room eh... please! Love you..."

"Ha? Ano sabi mo? Bakit?", pagtatakang banggit ng lider

"Eh kasi nga hindi ako makagalaw ng maayos gawa ng...", dagdag sa kabilang linya ng biglang may pagbukas ng pinto at darating ang isang asawang lalaki...HONEY! WAIT, NAKALIMUTAN KO PALA YUNG IHAHATID KONG UNIFORM NI JUNIOR, "Ha??? Nandito ka?", OO! AT BAKIT PARANG NAKASIMANGOT YANG MUKHA MO?, "Ganun ba? Eh sino itong..."

"Haha! Madam...Madam wrong number ata iyo tawag!", banggit ng lider satcellphone

"So... sorry! Akala ko asawa ko, Sige... Thanks for your understanding Sir! Haaaaay..."

"Xie Xie!",banggit ng lider at papatayin ang cellphone. Bubulong din siya sa sarili, "Sa sobrang taranta siguro"

Wala pang limang segundo ay magriring na naman ang cellphone ng Tsinoy. Hindi na niya titignan ang pangalan sa phone at mabilis itong sasagutin.

"Ano ba naman...Sabi ko naman sayo eh wrong numbers ka ma'am!"

Voiceover: (babae)"Wrong number??? Leader! Si Mya ito!"

"Oh Mya... ikaw pala! Ako akala iba babae ulit tawag eh, mustasa?"

Voiceover: (babae)"Eto... kakikita ko pa lang ng bagong isyu ng balita sa broadsheet at headlines na naka-Hightened Alert na ang pulisya sa buong siyudad!"

If we fall in-luvWhere stories live. Discover now