CHAPTER 14

485 1 0
                                    

"Rhino!!! Rhino!!! Rhino!!!",


paulit-ulit na sigaw ng isang babaeng umiiyak at nakokonsensiya sa nangyari. Puno ng kulay puting kurtina ang kuwarto na may iisang higaang may gulong. Air conditioned at sa itaas ng dingding ay may maliit na krus na gawa sa pinagdikit na pirasong kahoy. Makikita rin sa gilid ang isang lamesang may bulaklak at basket na puno ng mga prutas. Sa salungat nitong bahagi nakatayo ang isang dextrose at monitor para sa heartbeat. Nasa kabilang gilid din ang tatlong dalagang nagmamasid sa nakahigang pasyente.

"Rhino... huwaaaah!", sigaw ni Janice na todo sa pag-iyak at pagpadyak habang mahigpit na niyayakap ang kamumulat na si Rhino sa higaan, "Rhino, patawarin mo ako! kung hindi kita pinabayaan doon... kung hindi kita iniwan doon... kung... kung... huwaaaah!"

"Sis... tama na!", kalabit ni Rubie sa likuran

"Rhino! magsalita ka! magsalita ka!", dagdag ni Janice

"Sis... hindi kayang magsalita ni Cous!", banggit ni Rhyna

"Hindi... Magsalita ka Rhino! Kaya mo iyan!", dagdag ni Janice

"Sis... hindi niya nga kaya eh!", wika ni Rubie

"Ba... Bakit? Rhino!!!"

"Sis... hindi talaga 'yan makakapagsalita kasi nahihigpitan ang leeg niya sa akap mo!", banggit ni Rhyna habang nakatingin sa nahihirapang huminga na pinsan. Hihinto saglit si Janice at tatanggalin ang yakap sa binata na naka-bondage ang itaas na ulo.

"Ay! Sorry!", wika ni Janice at tumigil sa pagluha

"Eh Sis... wala ka namang kasalanan sa nangyari eh!", sabi ni Rhyna sa umiiyak, "Aksidente ang lahat! Aksidente na may kaunting katangahan..."

"Aksidente? Hindi... dahil talaga iyon sa akin!", sigaw ni Janice na tumingin kay Rhino na bumalik sa pagtulog.

"Sis... ang mahalaga, hindi grabe ang hemorrhage niya sa ulo. Pasalamat na lang tayo at himalang nakaligtas siya sa pagkabagok doon sa semento", sambit ni Rubie

"Pagkabagok? Hindi... dahil talaga iyon sa akin!", sigaw ni Janice na gulung-gulo pa rin

"Sis... mabuti pa, magsiuwi na lang kayo para makapagpahinga pa si Cous ng maayos dito", sabi ni Rhyna na lumapit kay Janice ay inalalayang lumabas pero nagpumilit pa rin ang nakokonsensiyang dalaga

"Rhyna... ikaw na lang makiusap kay Rhino na patawarin niya ako sa mga kasalanang ginawa ko kasi ako talaga ang pinakawalang-kuwentang tao...", habang tuluy-tuloy na nagsalita si Janice ay sige naman sa pagpigil si Rhyna sa kanya

"... hindi ko alam kung paano sasabihin ito, ayoko talagang mandamay ng ibang tao pero may kung anong sumpa ang nangyayari sa akin kapag nandoon sa puntong may nakikipagmabutihang...", patuloy ni Janice

"Sis... tama na!", bulong ni Rhyna

"... wala naman akong ibang inaasam sa mundo kundi maging masaya pero bakit ganito ang..."

"Sis... tama na!", mahinang sigaw ni Rhyna

"... hindi ba malas ako! gaya nung dating nakipagbirthday party kayo sa akin at si Rhino ang naaksidente na..."

"Sis... tama na!", sigaw ni Rhyna

"... hindi ko naman ito ginustong mangyari lahat kasi kasalanan ko na masyado akong naging..."

"Sis... tama na!", sigaw ni Rhyna

"... masayang masaya na nga kami doon na naghaharutan pa sa parke tapos enjoy nga rin si Rhino sa mga kuwentuhan naming..."

If we fall in-luvWhere stories live. Discover now