CHAPTER 59

261 1 0
                                    

Maganda ang umaga na sumalubong sa buong barangay.






Damang dama sa paligid ang pag-ibig. Walang sakitan... walang nakawan... walang bangayan at walang gulo. Ang ilang mga block leaders ay abala sa pagpapa-spray ng mga kanal para makaiwas sa dengue. Inaasikaso rin ng ibang mga opisyales ang papunta ditong 'Sugod Bahay Gang' ng sikat na noontime show sa darating na Ash Wednesday. Habang nagdidilig ng ilang halaman ang matanda ay matatanaw sa tuktok ng isang matayog at matabang puno ng niyog ang maliit na kubu-kubuhan na gawa sa pinagtagpi-tagping matitibay pang kahoy at tuyong palapa ng niyog. Tanging ang mahahabang lubid pabagsak sa lupa ang pinaka-hagdan nito na inayos pakuwadrado mga dalawampung talampakan din ang taas. Ang laman ng loob ng kubo ay isang manipis na kutson, nakakalat na hinubad na saplot at dalawang nilalang na nahimbing sa pagkakakumot. Mula sa labas ay makakarinig ng pito ng daliri ang lalaki at babangon ito. Unti-unti niyang bubuksan ang bintana na kahoy lang ang pantulak at kakausapin sa ibaba ng puno ang isang kaibigan.



"Tol! Salo!", sambit ni Trumpet at ihahagis na parang basketbol ang plastik na may laman. Sasaluhin sana ito ng lalaki sa loob ng kubo ngunit tatama sa tuktok ng ulo.

"Aray! Aw!", wika ni Lawrence at papahirin ang bunbunan na natamaan

"Naku! Foul! Hayaan mo Tol! Nakapag-slam dunk ka naman kagabi eh... Ha ha!", dagdag ni Trumpet na iiwan ang kausap at didiretso sa loob ng bakuran

"Ha ha! Ayos... Salamat na rin Tol!", ngiting wika ni Lawrence na underwear lamang ang suot. Maya-maya ay bubuksan niya ang plastik at mapapansin ang nakataob na kasama sa kubo at unti-unti ring babangon na mapapansin ang liwanag mula sa bintana.

"Ahhh...", banggit ng kasamang babae na mag-iinat-inat na ang isang kamay ay nakahawak sa kumot na tumatakip sa kanyang lantarang dibdib. Magsisimulang kumanta ng akapela ang kanyang asawa ng paborito nilang kanta:







"There will be no ordinary days for you...

If there is someone who cares like I do...

You have no reason to be sad anymore...

I'm always ready with a smile...

With just one glimpse of you...

You don't have to search no more!"


Lalapit si Lawrence sa asawa bitbit sa kamay ang laman ng balot at sasabayan ng asawa sa kanta, "Cause I am someone who will love you for sure..."

"Ha ha ha! Ang galing mo pala kumanta ah!", sabi ni Janice sa katabing lalaki

"Oo naman! Kapag wala akong magawa sa bahay, dati song hits ang lagi kong hawak para makapagpraktis minsan!", wika ni Lawrence na aakbay sa asawa

"Edi Wow! Kaya pala laging lyrics note mo sa akin nun!"

"Well... Miss Behosano este! Mrs. Guanzon na pala eh aminin mo at sa hindi, tinamaan ka rin naman sa mga style ko na iyon 'di ba?!"

"He he! I guess... Yes! excluding Julius Yap ah!"

"Sus! Yung lalaking kuripot na iyon! Mas guwapo pa rin naman ako dun sa ex mo no!"

"At least, maypoint ka diyan... Kaya nga ikaw pinakasalan ko eh!", sabi ni Janice at yayakap sa katabi at titingin sa hawak ni Lawrence, "Ano ba iyan?!"

"Ay! Siya nga pala!", ibibigay ni Lawrence ang isang damit kay Janice at ipasusuot ito, "Happy Birthday Mahal ko!"

"Wow... kahit late na sige at tatanggapin ko!", banggit ni Janice at isusuot ang damit na sandong puti. Ang isa pang sando ay fit na pinagawa naman para kay Lawrence at kanya rin namang susuutin. Mapapansin ni Janice ang naka-print in colored sa harap ng shirt:


 IN-LUV AKO KAY LAWRENCE!




~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

ITUTULOY

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~


Feel Free to add comments, votes and suggestions!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 04, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

If we fall in-luvWhere stories live. Discover now