CHAPTER 40

266 0 0
                                    

Isang mahanging umaga ang sumalubong sa buong staff ng Broadcasting Company sa kanilang lugar. Marami tuloy ang nagbaon ng iba't ibang klase ng jacket na panlamig...

mayroong yung naka-hoody, naka maong-type, naka closed clothing at ang iba'y napili naman ang yakapsul ng kanilang mga partner pantawid sa maginaw na panahon. Ito rin ang oras upang mag-enjoy humigop ng mainit na sabaw at umorder ng siksik na lugaw sa restaurant ng Philippine Festivals inspired chef sa kanilang Ground Floor. Dito nagtungo si Janice bago pumasok sa kanilang department at pagkatapos tumikim ng goto, agad siyang lumabas ng kainan at dumighay ng napakalakas.
HOUUUUUUURH!

Ang lahat ng bagong dating sa may lobby ay nagulat sa narinig at hihinto. Tatakpan ni Janice ang bunganga sabay ng pagngiti at pagsenyas sa mga tao ng "Pasensiya".

"Oh! Dalhin mo na rin ito Sis, para may mangatngat tayo mamaya pagkatapos ng interview natin!", banggit ni Rhyna na bibigyan si Janice ng tatlong balot ng kutkuting pasencia at itatago ni Janice sa bag

"Pero Sis... pumasok na ba si Manager?", tanong ni Janice habang nasa kanyang cubicle

"Oo! Nakita ko na... ayun, babyface pa rin naman siya!", sagot ni Rhyna na nag-aayos na ng sarili para sa lakad nila ng kaibigan

"Ah... Saglit lang Sis ah!", wika ni Janice na may kinuhang CD mula sa drawer, "May ipapasa lang ako..."

"O... kay! Pero huwag ka na magtagal kasi naghihintay na yung pina-appointment kong dean sa UsTe! Sayang naman kung mahuhuli tayo sa biyahe"

"Ah... sa school pala tayo ni Leo pupunta, sige at bibilisan ko lang...", wika ni Janice at mabilis na tutunguhin ang kwarto ng Manager

"Ingat! Hintayin na lang kita sa lobby pagkatapos mo, Sis!", sunod ni Rhyna pagkatapos maglagay ng lipstick. Sesenyas ng okay si Janice at papasok sa opisina ng Manager.

"Yes, Miss Behosano!", bungad ni Mya sa upuan na tila hinihintay ang may kausap sa cellphone na Manager upang magpapirma ng mga papel

"Come in Please!", mahinang sagot ng Manager kay Janice na ipinagpatuloy ang pakikipag-usap sa cellphone at hinayaang umupo sa isa pang silya sa harap ng kanyang table

"So... How's your morning, future Mrs. Julius Yap?", taas-kilay na banggit ni Mya habang nakatingin kay Janice

"Huh?!", pagtataka ni Janice, "P...pano mo???"

"Okay Bye!", sambit ng Manager sa cellphone at ibubulsa, "Good day Miss Behosano! What's with you?!", may pagtingin kay Janice

"Ah... Magpapasa lang po ako ng Summary Report ko! Para po sa mga editors...", wika ni Janice na lilingunin ang Manager

"Oh! Really... Good! Just leave it to my desk and I have also a seminar to attend this hour! Thanks and More Power!", mabilis na sambit ng Manager na kukunin ang coat na nakasabit sa upuan at isusuot.

"Okay sir!", wika ni Janice na ilalapag ang CD sa mesang malapit sa folder na nilapag din ni Mya at mabilis na umalis. Iiwanan niya ng dudang tingin si Mya bago lumabas ng kuwarto.

"So... Miss Lopez here are the list of articles already published nuh?", sambit ng Manager habang pinipirmahan ang mga papel sa table at inaayos ang kurbata gamit ang isa pang kamay

"Yes Sir! to be followed na lang po yung other lists of articles pending to be published", kuwento ni Mya na pasimpleng kukunin ang CD na inilapag ni Janice malapit sa kanya

"Done!!!", sigaw ng Manager na ikagugulat ng babae, "Anymore?", usisa nito na tatalikod kay Mya at mabilis na itatago ng babae ang CD sa hawak nitong folder

If we fall in-luvWhere stories live. Discover now