CHAPTER 44

447 1 0
                                    

"Tol! Tol!",




hiyaw ng isang lalaki sa isa pang kasamahan sa trabaho na abala sa paglilipat-lipat ng pahina sa lumang edisyon ng kantahan.


Isang magaang umaga ang sumalubong sa Padala Branch. May mga tuyong dahon mula sa malapit na Waling-waling ang nilipad patungo sa labasan ng glass-typed wall habang ang bagong palit ng damit na Security Guard ay nagpapahinga sa kanyang upuan sa labasan. Kinuha nito ang diyaryong tabloid na nakaipit sa ilalim ng drawer niya kasabay ng pagsuot sa ulo ng itim na sumbrero. Sa loob ng binabantayang opisina ay may nagsusuklay na matandang babae sa kanyang bagong rebond na buhok. Ang mga silya rin sa loob ay nanatiling walang tao at malinis pa rin ang sahig na lalo pang pinapatuyo ng malamig na simoy mula sa aircon. 


Patuloy sa pagpupunas ng mga muwebles sa isang kuwarto ang isang lalaking nakauniporme habang tinatapik ng paulit-ulit ang kasamang nakatulala sa hawak na 'Song Hits'.

"Tol! Para namang napaka-seryoso mo diyan...", banggit ni Trumpet sa kasama

"Ah... Eh...", sagot ni Lawrence na naka-Indian seat sa sahig, "Ang hirap kasi makahanap ng magandang kanta rito... May alam ka bang iba?"

"Kanta?! Para saan? Eh di ba may videokehan naman dun sa may kanto! Tara... samahan mo ako mamaya at may dalawang limampiso naman ako rito, pinagtitiyagaan mo pa yang mga Song Hits na luma!"

"Eh... Dito kasi ako nakakakuha dati! Tsaka mahirap kopyahin sa papel kung susundan mo yung lyrics sa tv nuh...", dagdag ni Lawrence habang nakatingin sa kaibigan na makakapag-isip

"TV???", banggit ni Trumpet na makakakita ng maliit na TV sa gilid at isasaksak ang plug sa katabing outlet kasabay ng pag-aayos ng antenna. Pipindutin nito ang ON at ipapanuod sa kasama, "Oh! Ayan! Maglibang ka muna habang wala pang pinapalakad sa atin si Madam..."

"Hindi naman palabas sa tv pinag-uusapan natin dito eh... Yung pwede ko pang ibigay na clue..."

"Glue??? Pandikit?", usisa ni Trumpet habang nakahinto hawak ang isang basahan

"Hindi nga!!! tsk", sabi ni Lawrence na tatayo't kukunin ang basahan sa lalaki na palalapitin pa, "Makinig ka nga muna... Ito kasi ang naisip kong paraan para mapasaya ko naman yung babae... yung manumbalik yung ganda at ngiti sa kanya... yung ipadama sa kanyang may nagpapahalaga sa pagkatao niya... yung may nagmamahal sa kanya..."

"Ha? Hindi kita maintindihan Men! Ano bang nangyayari sa iyo? Anong clue? Anong ganda? Anong mahal? Sino? Bakit? Paano? Pa...", sunud-sunod na banggit ni Trumpet na biglang makakarinig ng tawag mula sa Madam sa kabila

"Tol... Ano kasi eh...", sabi ni Lawrence na naguguluhan

"Mamaya! Pag-usapan natin ng mas malinaw! 'Yung kasing linaw ng pagkakapunas ko sa babasaging elepante na muwebles ni Madam dito... Diyan ka muna...", banggit ni Trumpet na ipupunas ang narumihang kamay sa manggas ng kasama at aalis

"Huy! Makapahid naman ito... wagas!", sabi ni Lawrence na didiretso sa kaninang binabasa at ilalapag sa isang tabi ang basahang kinuha sa kasama. Mapapansin nito ang nakabukas na tv sa malayo at lalapitan. Dahil sa lumalabo ang signal, inayos niya at ginalaw- galaw ang antena hanggang makuha ang palabas ng isang 'Morning Show'. Medyo mahina ang volume hanggang sa ipatugtog ang theme song ay agad siyang napatulala at napa- AHH!

If we fall in-luvWhere stories live. Discover now