CHAPTER 35

241 0 0
                                    

May isang customer sa loob ng LVC Branch ang nakikipagpalitan ng sigawan at mura sa sekretarya dahil sa mga package na kulang-kulang ang laman at pinaghihinalaang nabuksan na bago ibigay sa kanila.

"Ma'am... sinabi ko na po ng paulit-ulit sa inyo na pagka-deliver po ng mga box na iyan sa amin ay naka-sealed na! Punung-puno na yan ng masking tape at may address na nakalagay para sa pagpapadalhan... Open naman po beynte kuwatro oras ang hotline number namin para sa ibang mga concern eh!", sambit ni Madam NJ habang nakaupo sa sariling desk at nag-aayos ng mga kapapelan

"Ah... basta! Ipapapulis ko kayo! Ipapakulong ko lahat ng tao niyo! Tapos ipapalagay ko kayo sa deathrow para matapos na ang mga buhay niyo... mga magnanakaw!", banggit ng nagngangalit na kulubot ang mukha na matandang babae

"Ma'am... kung may maipakukulong po kayo, tiyak ko pong wala po iyon sa amin dahil taga-deliver lang po kami! Doon po kayo sa warehouse namin magreklamo at sila po kasi ang nag-o-audit ng total weight at total sizes ng mga pinapadala galing sa ibang bansa. Mga local packages and letters lang po ang nirerekta sa amin pero hindi po namin gawain sa opisinang ito ang usisain ang mga laman ng box niyo...", sambit ni Madam NJ na nakatingin sa suot na lumang jacket ng matanda

"Parehas lang yun! Nagdedeliver at nag-o-audit! Ginagawa niyo pa akong bobo! Matanda lang ako... pero hindi ganun karupok ang utak ko katulad mo!!!", nakaturo sa mukha ni Madam NJ na banggit ng nagrereklamo

"Ay! Bastos 'to ah...", sambit ni Madam NJ na aambahan sana ng suntok ang customer nang biglang makita nina Lawrence at Trumpet mula sa labasan

"Saglit laaaaang!", taas-kamay na pagpigil ni Trumpet na kabadong sumugod pagbukas ng pintuan, "Ano po bang problema?!"

"Itong matandang huklubang ito na nakainom ng isang baldeng kapeng barako eh makapagsabi nang wala akong utak!", sumbong ni Madam NJ sa assistant na humarang sa magaganap na boksing

"Ows? Talaga ho?", pagkamanghang tanong ni Trumpet sa customer, "Masarap po ba yung kapeng barako? Saan niyo po yun nabili? Gusto ko rin pong makatikim!"

"Trumpeeeet!", mataray na sigaw ni Madam NJ habang nakatingin sa dalawa sa harap

"Ay! Este...", pag-iiba ni Trumpet na nakatitig pa rin sa mata ng matandang customer at malambing na magwiwika, "Bakit naman po ninyo nasabi yun? Miss..."

"Eh...", malanding banggit ng customer, "kashi yung package na natanggap ko...", may paghimas sa dibdib ng lalaki, "may kulang... hinala ko tuloy... hah... nabuksan na at nakuhaan pa ng... hah... ibang ga...hah... mit", tatapusin ito ng matanda ng may kagat-labi

Hahawiin ni Trumpet ang bangs ng kausap at nakangiting magsasalita, "Eh kung ganun po pala!", mabibigla si Trumpet na itataas ng matanda ang kanyang hita papunta sa singit ng binata, "Dapat itinawag niyo agad sa amin Miss Ganda, para maitanong namin sa warehouse at mai-check na rin sa Customs kung sila man ang may pagkukulang dito..."

"Ahh... Ganun ba Pogi?", mas maharot na sagot ng matanda, "Hindi bale... sa susunod na hah... lang!"

"Oh... okay!", nakangiting dagdag ni Trumpet habang nagtatakang nanunuod si Lawrence sa malayo at si Madam NJ ay tahimik na nakasimangot na nakikinig

"Wala na yun sa akin... babe! Tutal, mga 'Disposable diapers' ko lang naman ang nawala du...huh...n... eh!", pinaka maharot na sambit ng customer na nakahawak sa dalawang balikat ng binata

"Ayos! tsaka... mas gumaganda kayo kung hindi kayo nagagalit oh! Mukha kayong seventy!", banggit ni Trumpet na pagtatakhan ng babae sa narinig, "Ah... I mean seventeen!"

Hahampasin ng matanda sa balikat si Trumpet, "Ikaw talaga! ha ha! You're such!"

At hahalikan ni Trumpet ang ilalim ng labi ng matanda. Maya-maya ay may makakakita sa matanda na isang ale na pagud na pagod na naghahanap dito galing sa labas. Agad siyang papasok ng LVC Branch at tatawagin ang nanay.

If we fall in-luvWhere stories live. Discover now