CHAPTER 53

365 0 0
                                    


Demolisyon.






Samu't sari ang mga plakards na makikita sa looban ng sitio. Nasa higit kalahati na ang nailikas dito at kusa na ring sumama sa otoridad upang magkaroon ng panibagong buhay malayo sa lungsod. Ang ilang mga takas din sa kulungan ay naroroon at suot ang binoculars para sakaling magkaroon ng malawakang paglusob ay maaabisuhan nila ang mga katropa. Nakahanda rin ang mga boteng sinuksukan ng gas at tela sa butas para sindihan na lamang kung sakaling magkagulo. May mga babae at bata pa rin na nagpaiwan sa loob ng bahay-bahay, may matatanda, mga disabled, pero lamang ang mga nakapaligid na tambay na lalaki na may mga patalim ding itinago sa gilid ng kanilang mga suot pang-ibaba at ilan-ilang hindi rehistradong baril. Sa kabila ng ganitong sitwasyon, sinikap pa rin ng kapulisan ang maingat at masusingpagbabaklas ng mga bahay sa bahaging iskwater nito. Naroroon din angmga reporters na abalang nag-uulat at naglilista ng mga pangyayari saoras na magsimula na ang demolisyon.

"Mel... Go ahead Mel!", sigaw ng isang live reporter sa tapat ng kamera na nakapokus sa mga nagpupumilit na residente. Hindi kalayuan dito ay ang babaeng nakaputing tsaleko at kumukuha ng mga litrato para sa broadsheet.

"Kuya Estong!",kalmadong wika ng babaeng si Rhyna, "Paki-tanong naman po yung police action force kung anong oras mula ngayon magsisimula yung demolition... mukhang magdidilim na eh oh!" CLICK!

"Ah... Rhyna,actually sasadyain daw ng demolition team na gabi ang pagbaklas para makapag-camouflage ang mga pulis sa dilim! Nakaitim kasi sila at pawang bulletproof vest pa ang suot", banggit ng kasamang staff na inihahanda ang selfie stick para sa videocam

"Oh... Ganun ba?Naku! Sana wala namang ibang madamay na inosente sa loob!"

"Rhyna... inosente man o hindi, nagbigay na ng palugit ang gobyerno sa mga illegal settlers na ito at sa katunayan ay nakailang pakiusap na nga ang ginawa sa kanila eh!"

"Balon... balon..balon...", dagdag ni Rhyna na ipagtataka ng kasama

"Ano daw?!?",banggit ni Estong

"Ano ka ba Kuya...sa english, well... well... well! Sana hindi magkabatuhan ng...",putol na wika ni Rhyna na makakakita ng malaking batong gawa sa pirasong semento na biga

"Batoooooo!",pasigaw na banggit ni Estong sa nakitang bagay sa sahig na inihagis sa kanila galing sa mga taga- Bartolome

"Ahhhhhh! Eto na nga!!!! Kuya Estong... Tara at magtago!!!!!"

"Ayun! Doon tayo sa may bakanteng lote na may bubong...", banggit ng lalaki

"Ahhhhhh! Tara!!!", wika ni Rhyna hanggang makarinig ito ng putok ng baril at pagsirit ng tubig para sa dambuhalang water hose

"Ahhhhhh! Kunan na yan ng picture... cover me! cover me!", wika ni Rhyna sa kasama

BOOM BOOM POW!








Kapag hinamak ng kahit sino ang pagbubukas ng kanilang telebisyon ay makikita at mapapanuod nito ang mga makapigil-hininga at nag-uumapaw na eksenang kung aakalain ay pelikula sa iskwater. Nakapaligid ang mga pulis at may mga hawak na maso para sa pagtibag ng kahoy at ilang sementadong kabahayan. Pansin din ang isang trak na nakahinto at pawang nakaparada malapit sa arko. May ilang mga lalaki ang dinakip ng pulis at sugatan sa sagupaan. Nang buksan ng pulis ang kahina-hinalang trak ay magugulantang ang lahat. AHH!

"Ahahahahahah! Natagpuan din pala nila! Ahahahaha!", sambit ng lider habang nanonood ng live streaming ng balita sa kanyang computer gamit ang pocket wifi na may 3 minutes load balance na lang

"Wow... Leader,nakakatawa naman ang mga parak na yan! May mga makikita nga silang epektus pero wala naman silang mahuhuling promotor! Sarap pektusan!",sabat ng payat na alalay na nakikinuod sa likod ng nakaupong lider at minamasahe ang braso ng lider

If we fall in-luvOn viuen les histories. Descobreix ara