CHAPTER 36

540 1 0
                                    

Hatinggabi.

Sa kahimbingan ng mga residente sa squatter's area ay madarama ang panatag na paligid.

Mga nagsipaghilikang lasenggero't lasengga sa mga kanto, mga ipinahingang bibig ng mga tsismosa, mga binabaeng kasiping na sa kanilang higaan ang mga katropa, mga batang napagod sa kakalaro ng piko at habulan sa kalye, mga nahilong rugby boys, mga dayo na nagpalipas ng gabi sa kani-kanilang pinuntahan pagkatapos magbabad sa videoke, mga magsisipagbangon sa maagang umaga upang magluto nang pang-turu-turo, mga ordinaryong residente at kung sinu-sino pang tao. Sa kabila ng madilim na kalye at pundidong mga street light, ito na ang tipikal na oras ng pagdedeliver ng mga produktong gatas sa mga piling probinsiya, liblib na lugar at ilang tindahan.

"Leader! mukhang milyon na naman ang halaga ng mga ito ah!", banggit ng pandak na panot na alalay habang naglilipat ng mga nirepak na gatas sa kanilang truck na nakaparada sa dulong labasan

"Shhh... Wak ka na lang ingay diyan... baka may makarinik! Sige... pasok lang!", wika ng lider na natatakpan ng anino ng bubong sa kapitbahay ang mukha sa labasan

"Ah! Leader... mauubos na po stock natin sa loob, kailan ba ulit ang ating package galing China?", medyo malakas na tinig ng isa pang alalay

"Shhh... Basta, lapit na rin! Hintay ko lang go signal ni Milky Man..."

"Ayos! Tsaka sana ay makabalik na rin si Milky Man dito nuh! Excited na ako sa pasalubong niyang Jordan Shoes sa akin na size 9!", banggit ng payat na alalay

"Hala... gaya-gaya ka rin nuh! yun din pala ang sinabi mo kay Milky Man? Jordan Shoes din gusto ko eh!", sambit ng panot

"Hoy...", dagdag ng payat habang buhat sa balikat ang isang kahong gatas, "Ako kaya ang unang tinanong nung pogi na yun! Ikaw kaya ang gaya-gaya! paglaki buwaya..."

"Wehhh? utot nito... Hindi pa dumadalaw sa atin si Milky Man nun, nasabi ko na yun sa kanya! Palibhasa kasi mas kyut ako kaysa sa'yo kaya ganyan ka kung mainggit sa akin!", galit na sambit ng panot pagkatapos ilapag ang ilang paraphernalia sa loob ng truck

Nang maulinigan ng isa pang alalay ay mabilis na ibinagsak nito ang mga bitbit na plastik sa kalsada at naghamon, "Eh Tarantado ka pala! Suntukan na lang oh nang magkaalaman na kung sino ang 'Cutest Fighter of the Year' oh... oh..."

"Oh siya! Kung yan ang gusto mo...", sambit ng isa at mag-aastang UFC Fighter

Magpapagitna ang misteryosong lider at sisigaw... "Ting!!!"

Magugulat ang dalawang alalay at hihinto.
"Bakit Leader? ano po bang naiisip niyo?", banggit ng payat at babatukan ang dalawa ng lider

"Mga gunggong!!! 'Ting' Chinese yun... ibig sabihin, tigil! stop! hinto! wak na tuloy away niyo kasi baka abutan tayo ng araw dito at mahuli pa ang pagdeliver ng mga produkto! Hala! Sige at tapusin na iyan nang makapagpahinga na rin ako opisina ko! Haaaay!", inis na wika ng lider sabay alis sa dalawa para pumasok sa bodega

"Ikaw kasi eh!", pabulong na sambit ng panot sa kasama at tinatambakan na rin ng mga basket-basket ng prutas ang ibabaw ng mga kahon upang hindi mahalata kapag may checkpoint

"Alam mo namang hindi ko kayang gawin yun sa'yo partner kasi loves na loves kita... Chup! Chup!", malambot na banggit ng payat sa kasama at magyayakapan with 'tears of joy' ang dalawa.

Maghuhugas ng kamay ang payat na alalay sa gilid ng kalye na may tubo ng tubig na tumatagas. Pinahid niya ang nabasang kamay sa likod ng kanyang pantalon at umakyat sa silyahan ng truck katabi ng drayber na panot na kinadena na rin ang likurang bahagi.

If we fall in-luvWhere stories live. Discover now