CHAPTER 41

377 0 0
                                    

Lunes ng umaga.







Nabalot ng iba-ibang kulay ang buong unibersidad. Maraming nagkalat na lobo, mga confetti na ginawa sa gupit na papel de hapon, mga sumbrerong karton, iba-ibang maskarang may glitters, clowns, jogglers, acrobatics! Pati ang ilang mga bata na may dalang torotot at palobong mula sa tinunaw na JOY dishwashing liquid ay aliw na aliw sa natatanging selebrasyon sa lugar. Ang mga estudyanteng sasali sa Choir Competition ay nagkaroon ng huling pag-eensayo sa kani-kanilang classroom.

 Ang mga kalahok naman sa Sayawan at Aktingan ay magiliw na inihahanda ang kanilang mga gagamiting props at damit. Mayroon ding booth ang 'Student Government' na nagbibigay ng mga papel para sa mga kandidato sa halalan na magaganap ilang araw pagkatapos ng kasiyahan. Ang mga guro naman ay puro abala rin bukod sa kanilang gagawing 'Teachers Party' ay may mga dadalong bisita mula sa labas ng unibersidad kung kaya't mabilis nilang nilalagyan ng disenyo katulong ang mga piling mag-aaral ang bawat College Booth. 

Maraming nakapark na sasakyan... mga nagpapasa ng mga assignments o projects... mga nagpupulong na organisasyon... mga nagkalat na guwardiya at medic... mga magkakasintahan... at samu't saring media na nagcocover ng 'University Week' ng isa sa mga kinikilalang pamantasan sa buong Asya.

Siyempre, kasabay ng anibersaryo ng naturang unibersidad ay ang palakasan na itinatanghal ang pinakamahuhusay sa kani-kanilang larangan. Ang 'Sports Fest' na sisimulan isang araw pagkatapos ng 'Opening Ceremony' ay ang pinaka-highlight ng selebrasyon. Binubuo ito ng dalawampung events mula sa iba't ibang kolehiyo at ilang ekshibisyon mula naman sa mga alumnus nito. Kabilang sa kinatawan ng 'College of Science, Research and Studies' ang pinsan ni Janice sa TABLE TENNIS DOUBLES na nag-eensayo sa isang P.E. Room na hindi kalayuan sa punong simbahan ng eskuwelahan.


"Pre! Huwag kang masyadong kabahan... Nandito naman ako eh!", banggit ni Alvin na ka-partner ni Leo sa laro

"Oo naman... ikaw pa!", sabi ni Leo na takagtak na ang pawis habang hawak ang raketa at pumapalo ng pingpong sa katapat na kaibigan, "Tiwala naman ako sa'yo na ngayong taon eh sa College na natin mapupunta ang gintong tropeo!"

"Haha! Sinabi mo pa!", banggit ni Alvin sabay ng malakas na hampas ng bola na didiretso sa gilid ng tenga ni Leo na hindi matatamaan ng hawak na raketa

"Out!!!", sigaw ni Leo na mapapatingin din ang iba pang mga kalahok na nag-eensayo sa kani-kanilang lamesa, "Pre naman eh! Nawala ka na naman sa control... Last na iyan ah!"

"Sorry Pre!", hingal na banggit ni Alvin, "Masyado kasing malambot itong hawak ko... palit nga tayo!"


Ibibigay ni Leo ang hawak na paddle at pupunta sa water area para uminom ng isang basong malamig na malamig na tubig. Pagkatapos maubos ang isang baso ay pupunuin niya muli ito nang biglang magri-ring ang dalang cellphone at didiretso sa lamesa nila ng ka-partner.

"Oh! Tubig... pahinga muna tayo!", sabi ni Leo na ibibigay ang baso kay Alvin

"Wow! Salamat...", banggit ni Alvin sabay lapag ng raketa sa mesa at pupuntahan sa gilid si Leo. Huhubarin ni Leo ang nabasang sando at ilalapag sa balikat habang nakaupo sa sahig malapit sa dingding. Kukunin nito ang nag-ring na cellphone sa kanang bulsa ng suot na short.

"Ay... nakakapagod!", sabi ni Leo

"Eh isa't kalahating oras ka ba namang pumalu-palo eh! Sino kayang hindi mapapagod doon!", komik na mukhang banggit ni Alvin na mapapansing seryoso sa pagbabasa ng text message ang kaibigan, "Teka... teka, textmate na kayo ni Karen nuh! Alam ba ito ni Virgo loves mo?!"

If we fall in-luvWhere stories live. Discover now