CHAPTER 27

339 0 0
                                    


Matamlay na naglakad papunta sa entrance ng lobby si Janice. Mula sa glass door ay titingin siya sa mga guwardiya at pawang may hinihintay mangyari...

Janice's POV

"Ate Lady Guard, Hi! May regalo ba ako diyan? o kahit note sa maliit na papel lang!"



Tititigan mula ulo hanggang paa at haharangin si Janice ng babaeng guwardiya. "Ma'am Janice! Magandang Umaga po!", sambit nito

"Ba... bakit?", tanong ni Janice na bumilis ang tibok ng puso

"Saglit lang po!", dagdag ng guwardiya at may kinuha mula sa kanyang locker. SUKLAY

"Pa... para saan ito?", tanong muli ni Janice pagkatanggap ng regalo

"Kitang kita po kasi ang mga split ends sa buhok niyo! Mahangin po ba sa labas?", sambit ng guwardiya na hinayaang gamitin ni Janice ang ibinigay at sumaludo paalis. Habang nasa loob naman ng elevator, biglang tumunog ang cellphone nito at hinanap sa loob ng bag.

Janice's POV

"Naku! Tumatawag siya! Siguro pang-67 na call na ito! Nasaan na ba yun..."

At biglang sinagot nito ang tawag, "Hello?!"

"Hello Sis! Nasaan ka na ba? Bilisan mo na!", boses ni Rhyna sa kabilang linya

"Oh... okay! Eto na... ", wika ni Janice nang magbukas ang pintuan ng elevator, "Papunta na ako sa office!"

Magugulat si Janice sa bubungad sa kanya sa sariling cubicle. Isang nakasimangot at namumulang Manager katabi ng poker face na si Mya. Naroroon din si Rhyna mula sa kanyang cubicle na sumesenyas ng "Patay...", at si Rubie na pawang nagdarasal para sa susunod na mangyayari.

"Miss Behosano... In my office! Now!!!", galit na banggit ng Manager at dumiretso sa sariling kuwarto na may pagdadabog sa pinto. Sasamahan si Janice ni Mya sa loob.

"Good morning Sir!", kinakabahang simula ni Janice pagkatapos isara ni Mya ang pinto

"What's good in this morning?! Holy Shit!", sambit ng Manager, "Bakit ngayon ka lang? It is passed nine!"

"Sir... pasensiya na po!", umiiyak na sagot ni Janice

"Pasensiya! What the heck! Pinahiya mo ako sa mga guests natin! Mga broadcasters galing Pakistan at Taipei! It's Malala's correspondents, Bakit hindi ka um-attend ng meeting!"

"Meeting?!?", pagtatakang tanong ni Janice sabay tingin kay Mya

"Ahuh! 'Di ba pinasabi ko kay Mya kahapon! 8:00 Sharp dapat makapag-start na kasi may appointment din sila with other Journalists' Organizations! Pero wala ka which was really related pa naman sa Investigative Report mo ang sinadya nila rito!", dagdag ng Manager

"Ka... Kahapon?!? Eh...", reklamo ni Janice

"Paano kasi Sir... they have other chit-chatting business with her friends in her cubicle... kaya hindi niya siguro naalala! So, unprofessional!", singit ni Mya na nakatayo sa gilid ng nakaupong si Janice

"Janice... Is this true?!?", tanong ng Manager na titingin sa kausap

"Sir... I... I don't...", sambit ni Janice

"Yes! You don't remember! Sana Janice kung may iba kang problemang pansarili, huwag mong idamay ang company na ito! Pathetic!", galit na banggit ng Manager

"Sir!", sambit ni Janice at sabay titig sa ngumingiti na si Mya

"I hoped we can re-sched the meeting but unfortunately, the other Broadcasting Company had the chance to meet them for their report... Ayoko nang maulit ito, understand?!", paliwanag ng Manager na unti-unting magiging kalmado

If we fall in-luvWhere stories live. Discover now