CHAPTER 31

274 0 0
                                    

Chapter One.

Bagong Yugto... Bagong Simula... Bagong Janice Behosano. Gustong ibalik ni Janice ang dati, yung wala siyang ibang iniisip kundi trabaho lamang. Iyong walang ibang minamahal kundi ang lola't pinapaaral na pinsan lamang... yung masayang babae na nakatutulong sa ibang tao sa pamamagitan ng makatotohanang pagbabalita at pananaliksik... yung taong matatag at matapang sa pagharap sa mga hamon sa buhay. Ngunit unti-unting naramdaman ni Janice na Oo! Hindi nga siya perpekto. Minsan ay nagiging bulag sa pag-ibig... minsan ay nagiging manhid sa sasabihin ng iba... minsan ay nagmamahal ng buong puso at kaluluwa. Nagpalit ang taon sa kalendaryo na ang isip ni Janice ay sa anghel na nagpatibok ng kanyang puso at ugat sa paligid nito. Naroroon pa rin ang kirot at pasakit... ang panghihinayang na kung nagkaroon lamang sila ni Julius ng mahaba-haba pang komunikasyon ay sana naayos nila ang kanilang namumukadkad na relasyon. Ang panghihinayang na kung iniwan niya na lamang ang kanyang pagiging journalist sa Pilipinas ay masaya na sana siya sa piling ng binata sampu ng mga magiging supling nila. Hindi na rin nakapagsimula ng kanyang 'Summary Report' sa trabaho ito dahil sa mabigat na nararamdaman. Hanggang sa dumating sa puntong gusto na niyang tapusin ang lahat-lahat...

ANAK!!! HUWAAAAAG!!!

Nakakabulahaw ang sigaw ng matanda sa loob ng kanilang bahay matapos makita sa kusina ang apo na nagtatali ng lubid sa bakal ng kisame at nirorolyo sa ibaba ng pabilog.

"Janice... Nagmamakaawa ako, huwag mong gawin ito...", umiiyak na banggit ng lola sa malayo habang nakatingin sa nakatuntong sa upuan ng nakasandong si Janice

"Ate...", nangangambang sambit ni Leo na nanggaling sa labas ng bakuran at aalalayan ang naka-wheel chair na lola

"Janice... Mahal na mahal ka namin ni Leo... Ho! Hu! Hu!", habang patuloy sa pag-iyak ang lola ay makikita nila ang nakatalikod na si Janice na bababa sa upuan at haharap sa kanila na bagsak ang mata at nakahawak ang isang kamay sa likod ng leeg

"Ate... huwag!", pagpigil ni Leo

"Anak... huwag mong gagawin yan!", sigaw muli ng matanda na hindi papansinin ang nakalatag sa lamesa

"Lola... kailangan ko itong gawin!!! Dahil kung hindi...", matamlay na wika ni Janice na lalo pang magpapaluha sa dalawang kausap. Mabilis na kukunin ni Janice ang dalawang kumpol na hinog na saging na saba sa malapit na lagayan, "... lalanggamin lang po ang mga prutas na ito sa lamesa hanggang sa mabulok! Sayang naman kung hindi rin natin makakain ng maayos kaya isasabit ko na lang po"

"Ah... eh... Ganun ba? Sige lang anak!", nakangiting banggit ng matanda at titigil sa pag-iyak. Tatalikod ito sa abalang babae at makikipagbulungan kay Leo

"Sabi ko sa'yo 'La hindi yun magagawa ni Ate eh!"

"Anong sabi? Eh, wala ka namang sinasabi sa akin... napanuod ko kasi yan sa teleserye kagabi eh... Haaaay...", banggit ng matanda na marerelaks

Habang tinatapos ni Janice ang pagsabit sa mga saging ay may maririnig siyang tinig ng lalaki mula sa labas.

TAO PO!!! LVC PADALA PO!!!

Patakbong halos madapa ang ginawa ni Janice papunta sa kanilang gate at sabik na bubuksan ito. Magugulat siya sa makikita.

"Oh! Galing ba ito sa asawa ko?", tanong ng matabang babae sa tapat nila Janice pagkabukas ng kanilang gate

"Yes Ma'am! Manigong Bagong Taon ho!", magiliw na sambit ni Lawrence sa babae pagkatapos ibigay ang box.

"Salamat Ulit, pogi!", dagdag ng babae pagkatapos pumirma sa papel at maglalakad si Lawrence papunta sa van na nakaparadang malapit kina Janice. Sasalubungin ito ni Janice bago pa man pumasok sa loob ng sasakyan.

If we fall in-luvWhere stories live. Discover now