CHAPTER 7

323 1 0
                                    

Malapit nang maghatinggabi at ang mga kuliglig sa labas ng bakuran ay nagsisipag-talastasan sa isa't isa. Hindi makatulog ang lola dahil nakatulog na ito sa hapon nang saglit na nawalan ng kuryente dahil sa itinatayong poste ng Meralco na nagsipagbagsakan bunga ng banggaan ng dalawang dump truck.

Iniligpit ng lola ang kaninang mga natuyong damit na sinampay sa labasan at nilinis ang hihigaan. Sa pagwawalis ng sahig ay may nakita siyang kamay ng bata sa ilalim ng kama...

hindi na gumagalaw...

kahit paluin niya ng kabilang dulo ng walis tambo ay walang pagsigaw mula sa bata.

Natakot ang matanda. Maya-maya'y kinuha niya ng kanyang kamay ang palad na natuklasan at hinila. Sisigaw ang matanda sa nakita.

"Aaaaah!", bulalas ng lola, biglang bubukas ang pintuan ng kuwarto niya at tatambad si Janice na naka-gown at hawak ang award

"Aaaaah!", wika ni Janice na nagulat sa hiyaw ng lola.

Makikita ni Janice ang kanyang manika noong bata pa na marami nang alikabok na naisilid pala sa ilalim ng higaan ng matanda

"Oh! Si Leonora pala ito!", banggit ni Janice at agad kuha sa manika at inilipat sa kanyang sariling taguan

"Paano napunta ang manikang iyan sa kuwarto ko?", tanong ng lola na tinatapos ang paglilinis

"Lola... nakalimutan niyo na ba? Itong kuwarto ninyo ay dating taguan ko ng mga laruan ko noong bata pa ako... si Leonora, kasama dapat sa box na ipapadala ko sa Leyte last year pero dahil naiwan na siya eh diyan na lang muna"

"Ay! Oo nga nuh! nakalimutan ko na anak... Pasensiya na ulit!", sambit ng lola

"Okay lang po, 'La! Para sa inyo 'to! Kay mama tsaka kay Papa", banggit ni Janice habang binibigay ang kanyang award sa lola

"Wow!", sasabihin ng lola at uupo sa higaan. Hihimasin ang parangal na nakuha ni Janice at titingin sa mga litrato ng mga magulang ng apo.

Matapos makapagbihis ay tatabihan ni Janice ang lola sa pagtulog at ihihiga ang ulo sa mga hita ng nakaupong lola.

"Ang galing mo talaga anak... Kung buhay lang sana sila... Matutuwa 'yun sa'yo!", sambit ng lola habang sinusuklay ng kanyang mga palad ang buhok ni Janice at itinabi ang award sa may unan.

"Alam mo ba anak... Ganyan din ang mama mo, award giving body"

Tititig sa larawan ng ina ni Janice na nakakuwadrado sa maliit na lamesa ang lola habang may pagpahid ng noo sa apo.

Magkukuwento at tahimik na makikinig si Janice.

Flashback.
Sampung minuto pagkatapos kaming layasan ng babaero mong lolo, nagkakilala at naging magkaibigan ang mama at papa mo na nagkabanggaan sa maputik na kalsada. Dito na sa Maynila naganap 'yun nang kami ay palayasin ng alkalde sa probinsiya ng Rizal upang pagtayuan ng SM Marketmall ang lupa.

Wala kaming naidala mula sa luma naming kubo kundi kaunting barya, mga damit at panty lang. Mahirap lang kami ng mama mo Janice ngunit maraming maraming pangarap.

Isang gabi noon... ang lakas ng bagyo, na-stranded si John pauwi ng kanilang malaking bahay dahil sa baha. Kumatok siya sa aming sira-sirang pintuan at agad namang pinatuloy ni Nizz.

Basang-basa sa ulan ang papa mo kaya't naghubad siya ng damit na ipinunas ang handog na bimpo ng iyong ina sa kanyang masarap na katawan. Medyo nagkakailangan pa nga 'yung dalawa na KathNiel ang peg.

Noong kinurot ng papa mo ang mama mo sa kili-kili ay kinilig naman ang bruha na humaba talaga ang bangs habang hinaharot ng papa mo. Naroroon ako sa aming kusina nang mapansin ko. At nang pumunta na ako sa aking silid upang matulog ay niyaya na rin ng papa mo ang mama mo sa isa pang silid upang magpahinga na rin.

If we fall in-luvWhere stories live. Discover now