CHAPTER 21

1.3K 2 0
                                    

Anibersaryo ng Maguindanao Massacre.


Ang kalangitan ay pawang kawalan... maitim... kakaunti ang mga nagniningning na bituin... na may iilang mga eroplanong animo'y bulalakaw kung gumuhit at dumaan. Sa kabila ng malamig na simoy ng hangin at ang pagkakaroon ng Maynilad Water interruptions ay hindi natinag ang pagtitipun-tipon ng mga pangunahing mamamahayag at mamamayang nananatili sa pagluluksa at panalangin para sa biktima ng malagim na masaker sa Mindanao. Ang krimen na tumatak sa isipan ng marami. Ang pangyayaring sumubok sa katatagan at kamalayan ng bawat madla sa pagboto at paghalal ng pinuno sa mga rehiyon.




Sariwa pa rin sa isipan ni Lakmudin Saliao, katiwala sa bahay ng mga Ampatuan ang Nobyembre 2009 kung kailan narinig niya ang masusing pagpaplano sa isang hapunan para sa malawakang pagpatay. Si Saliao at ilang mga kaanak ng mga 57 kataong pinatay... kasama ang mga journalist na walang habas na pinagbabaril at ibinaon sa burol sa munisipalidad ng Maguindanao, ang nanguna sa pagpapa-ilaw ng mga kandila sa tapat ng Department of Justice upang agarang mabigyan ng katarungan ang mga naulila ng mga namatay. Nakisama rin ang mga kamag-anak ng Mangudadatu na pinaslang sa paggunita. Ang ilang nagbabalita ay naroroon din kasama ng kanilang mga cameraman at staff maging sa iba't ibang panig ng mundo. Ang ilang raliyista ay pumunta ring EDSA Shrine at nanawagan sa pangulo na parusahan ang mga may pakana nito. May ilang journalist din na nagsusulat at nag-iinterview sa mga nakikiisa sa pagdiriwang na lalo pang nagpapasikip sa mga daanan at pasilyo. Bitbit ng ilan ang larawan ng mga namatay at sa tabihan nito ay mga banner na mensahe para sa mga humahawak sa kaso. Ang ibang mga katauhan ay pilit na isinusulong ang pagbalik ng Lethal Injection System sa bansa sa kabila ng mararahas na pagpaslang sa mga inosenteng nilalang. Isinabay na rin sa pag-alala ang marami pang journalist na hanggang sa kasalukuyan ay nawawala at hindi pa nakukuha ang hustisya sa patay. Gaya na lamang ng bagong insidente sa loob pa mismo ng Broadcasting Company nina Janice.





Araw ng paglibing sa mga labi ni Pamela Golingferia. Ang lahat ng malalapit sa puso ng pinatay na journalist ay naroroon. Mula sa amang nagtatrabaho bilang Chief Engineer sa isang industrial company sa Dubai, hanggang sa mga kamag-anak sa Sorsogon at Bacolod, mga kaibigan, mga naging katunggali sa pa-contest at ang ilang katrabaho na pinayagang lumiban muna ng Manager para sa prusisyon. Pansin din ang maputi, matangkad, matangos ang ilong at mamula-mulang lalaki na kauuwi lang galing sa bansang Brazil na patuloy sa pagdamdam at pagluha sa pagkawala ng kasintahan. 



Ang mga kawani ng St. Peter's Chapel sa Mandaluyong na malapit sa kinatitirikan ng Condo ni Pamela ang nag-asikaso ng buong interment. Sandali lamang ang talumpati ng mga malalapit sa puso ni Pamela hanggang sa tuluyan itong basbasan ng Pastor at ilagak sa itim na karo. Kasabay nito ang ilang traffic enforcers na naka-motorsiklo at mga kotse na may puting lobo sa paligid. Nang tuluyang lumubog ang araw, dumiretso ang lahat sa libingan na madaraanan ang ilang taong nagsisindi ng kandila para sa anibersaryo ng masaker sa Maguindanao. 


Nasa loob ng pangatlong sasakyan mula sa karo sina Janice at mga kaibigan.



"Ano mga Sis?!", tanong ni Rhyna habang nakamasid sa labas ng bintana, "Kailangan na ba talagang ibalik ang Death Penalty?"

If we fall in-luvWhere stories live. Discover now