CHAPTER 22

314 1 0
                                    

Isang bagong umaga at bagong simula sa buong staffs. Masaya rin ang lahat sa opisina habang nakikinig sa kanilang bagong install na speakers sa ceiling ng dramaserye sa radyo na 'True Love Conversations Interactive'. Ang iba ay umiiyak habang nakiki-relate sa mga sampalan at sigawan. Ang iba naman ay halu-halo ang mga komento ukol sa pangunahing karakter at sa kanyang pinagdaraanan. Pero hindi papatalo ang mga kasamahan na pagdating sa usaping pag-ibig ay panis ang ibang teleserye. Abala rin ang HR Officer sa kuwarto malapit sa kitchen area para sa mga bagong aplikante ng naturang lugar. Habang nagbe-break, naiwang kinakausap ng CIDG ang Manager sa loob ng kanyang sariling opisina at ang ilan ay kalmadong nagpapahinga sa kanilang Broadcasting Station.


"Eh... mali rin naman kasi yung babae, pinaasa-asa niya yung tao tapos hindi niya rin pala kayang mahalin! Masakit yun para sa lalaki nuh!", banggit ni Rubie habang humihigop ng sabaw ng mami sa cubicle ni Janice


"Tsaka kung nagtapat na yung lalaki sa kanya... dapat ipinagtapat na rin nung babae yung priority niya! I'm sure, maiintindihan naman siya ng lalaki kung kaya naman nitong maghintay ng tamang panahon", wika ni Rhyna na umupo sa silya ni Janice


"Ayan tuloy... kawawa naman yung lalaki, kung bakit pa kasi naimbento ang salitang LOVE... nagiging kumplikado tuloy ang mga buhay buhay natin ngayon", dagdag ni Rubie na patuloy sa pakikinig ng mga mabibigat na tagpo sa radyo. Matatahimik ang lahat.


Voiceover: (lalake) "... Dahil tinamaan na ang puso ko sa'yo! Mahal kita... at wala nang ibang nagpapaligaya sa'kin kundi ikaw..."


Habang nakikinig ay mapapabulong si Janice na may hawak na folder at waring may tinitignan sa malayo."Ma...hal din kit...ta..."

"Huy! Sis!", wika ni Rhyna na lumikha ng malakas na dabog sa desk ni Janice nang makitang nakatulala ang kaibigan, "Aba... aba... parang may nakikita akong kakaiba sa kapatid nating ito ah... Sis, may tinatago ka ba sa amin?"

"Oo nga!", banggit ni Rubie habang hinihimas ng kamay ang noo at leeg pati palad ni Janice, "Wala ka namang sakit, hindi ka naman siguro gutom nuh... pero bakit parang may something?"

"Hindi kaya...", patuloy ni Rhyna at titingin kay Rubie

"In love si Janice Behosano!!!", malakas na sigaw ng dalawa na nagpagulat sa buong opisina. Kasabay nito ang alarm na natapos na ang break at pwede nang magpatuloy sa iba pang trabaho.

"Sis... sabihin mo, anong nangyari sa inyo kagabi ni Cous? Nagtapat na ba siya sa iyo?", tanong ni Rhyna habang tumatayo mula sa kinauupuan

"Tsaka Sis, bakit madaling araw ka na nakauwi sa inyo??? Pumunta kayong...", dagdag ni Rubie na ilalapit ang mukha sa kausap, "Uh... nag-sex kayo?!"

Ihahampas ni Janice ang hawak na matigas na folder sa dalawa pang kaibigan, "Hoy! Huwag niyo nga akong pag-isipan ng ganyan! Walang nangyari sa amin ni Rhino!"

"Eh bakit may nabanggit ka kaninang 'Mahal din kita'? Sinabi mo ba 'yan kay Cous?", wika ni Rhyna

"Hindi sa kanya... kay Julius!", sagot ni Janice

"Oh my! Nag-sex kayo ni Papa Julius?!", tanong ni Rubie na natapos nang kainin ang mami. Kukunin ni Janice ang lapis at itututok sa gilid ng leeg ng kausap.

"Isa pa Rubie ah... agad-agad?", sambit ni Janice

"Sis... malalim yan!", kabadong banggit ni Rubie na nakatitig sa lapis at dahan-dahang ibababa ni Janice ang hawak

If we fall in-luvOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz