CHAPTER 10

442 1 0
                                    

Masayang umaga ang sumalubong sa buong barangay.

Ang mga tambay ay naghanda ng mesa sa tabi ng daanan ng sasakyan upang simulan ang mahaba-habang inuman. Ang mga binatilyong walang pasok ay nakakumpletong jersey at rubber shoes para makapag-tatlong rounds ng basketball sa open court.

Maingay din sa kabilang kanto dahil sa sapakan ng dalawang tricycle driver na nagka-asaran tungkol sa tunay na tatay ng nagdadalangtaong misis ng unang nanuntok. Ang mga babae ay may sariling gimik para magpuntang mall at ang iba'y magbabakasyon naman sa kani-kanilang mga destinasyon. May mga matatandang lalaking bitbit ang kani-kanilang alagang pan-sabong upang ipasagupa sa iba pang maaangas na tandang doon.

Nang tumawag ang kristo upang simulan ang palabas ay agad nagsipagtipon ang taong barangay na pawang sasali sa pag-aalsang magaganap sa EDSA-Ortigas. Siyempre, hindi mawawala riyan ang pustahan. Ang tilaok ng mga manok na nagsisipaghamon ng sabong ay dinig hanggang sa kalapit na ikalawang palapag na tinutulugan ni Janice.

May isang babaeng teenager na nagbukas ng pintuan at nagdala ng tray ng pagkain para sa natutulog na dalaga. Magigising si Janice sa ingay sa labas.

"Oh!", nagulat na pagdilat ng mata ni Janice

"Good morning ate! Heto po at pinaghandaan na kita", sambit ni Virgo na binigay ang food tray na may Tapsilog at kape na nilapag sa kama ni Janice, "Breakfast in bed!"

Makikita ni Janice ang ngiti sa mukha ni Virgo.

"Hay... salamat!", habang nagtatanggal ng muta si Janice ay tititigan niya ang babae, "Teka, ikaw ba si... Virgo? "

"Opo! naikuwento na po pala ako ni Leo sa inyo..."

"Oo nga, maganda ka pala ah..."

"Salamat po ate! Sige na po at baka ma-late pa kayo!", banggit ni Virgo na ngumiting umalis sa kuwarto ni Janice at isinara ang pinto.

Mabilis na naubos ni Janice ang inihandang pagkain ni Virgo sa kanya dahil sa masarap na pagkakaluto ng babae. Ang black coffee na wala nang halong asukal at gatas ay may kakaibang lasa rin na nanunuot sa lalamunan.

Pagkatapos maligo at makapagbihis, bumaba na si Janice sa hagdanan at saglit na nakipagkuwentuhan sa bagong tao sa bahay. Titingin siya sa kalendaryo at magmamasid na hindi nakauniporme ang dalawang estudyante sa kanilang bahay.

Ang lola naman ni Janice ay nakitang nagdidilig at kinakausap ang kanyang mga alagang bulaklak sa labas. Sasalubong sa kanya ang pinsan na naka-boxer at walang pang-itaas.

"Good morning Ate!", bati ni Leo

"Oh! Wala ba kayong pasok?", tanong ni Janice na tumingin din sa naghuhugas ng mga pinggan na si Virgo

"Ate naman... Sembreak na po namin!", may kamot sa ulo na binanggit ni Leo

"Ah... okay!", matutulala saglit si Janice, "Eh, ayan?", ituturo ng nguso si Virgo

"Ate...", sasabihin ni Leo na aakbay at magsasalita sa tainga ng pinsang babae, "Hayaan mo! We're planning na early next month naman, we will explain all to Mr. and Mrs. Sy!"

Sasang-ayon si Janice, "Eh, paano si Tita? Baka magalit yun sa'yo ah! Ipinagbilin ka sa amin ni lola na intindihin mo ang pag-aaral at hindi pagkuha ng babae"

Ngingisi si Leo, "Si mama?, ayos lang 'yun! Tsaka hindi naman ito permanenteng pagtatago... at alam namin ni Virgo kung ano ang priorities namin"

"Oh sige!", banggit ni Janice na binitbit sa balikat ang bag at iiwanan si Leo. Pupuntahan niya ang nakatalikod na pinagpapawisang si Virgo at iistobohin ito. Kakamayan din ni Janice ang babae.

If we fall in-luvWhere stories live. Discover now