CHAPTER 3

353 3 0
                                    

Ang lahat ng staffs ay pawang mga abala. Ang mga papel ay nagsipagkalat sa sahig pagkatapos gamiting scratch papers para sa mga related articles na pinapalawig mula sa mga internet sites na nakukuha nila sa pananaliksik.

Ang iba ay nagpapaayos o check-up ng computer sa mga Technician at IT Specialist. Ang manager ng Broadcasting Department ay may closed door meeting sa kabilang opisina kausap ang isang agent ng NBI para sa isang special concern.

Natabig ng janitor ang isang tasang kape sa gilid ng mesa sa labas ng opisina ng manager na agad namang nilinis at nilampaso upang hindi mapagalitan sa nagawa. Nagkasama-sama ulit ang tatlong magkakaibigan sa kanilang area pagkatapos ng engagement party sa Condo.

Mapapansin ang sobrang lungkot na itsura ni Rubie na maya-maya'y bumulalas ng iyak sa kanyang cubicle.

"Huwaaaaaaaah!", aniya habang umiiyak ng itim sa dalawang mata dahil sa nabubuhos na masskara

"Oh Sis! Ano ba naman kasi ang nangyari?", usisa ni Janice

"Buwisit na Cesar na iyan! Niloko ako!", naiinis na sabi ni Rubie

"Ah? ano bang ginawa sa'yo?", banggit ni Rhyna na nakatukod ang siko sa pader na kahoy ng cubicle, "Minolestiya ka ba niya??? sinaksak... binugbog... ninakawan..."

"Oo! kinuha niya lahat!"

"What??? as in lahat?", dagdag ni Janice

Hihinto saglit sa pagluha si Rubie at magkukuwento, "Pagka-alis niyo..."

Flashback
Humingi siya ng pandagdag raw sa mga beer na ininom nila, 100, 000! Tapos noong inaantok na ako, niyaya niya akong matulog sa kuwarto namin. Tuloy pa rin yung party party na ginagawa ng mga bisita niya sa sala. Binuhat pa nga niya ako eh at nilapag ako sa higaan namin. Tinanggal niya butones ng damit ko kasi baka naiinitan daw ako.

Pumayag naman ako kasi alam kong mahal na mahal niya naman ako. Noong hinalikan niya ako sa pisngi, bumulong siya sa akin na maliligo lang daw siya kaya hinayaan ko na munang iwanan niya akong nakaratay sa kama. Nakaidlip na ako't lahat lahat, kinaumagahan gumising ako at lumabas ng kuwarto. Wala na ang ref, oven toaster, aircon, monoblock na upuan, flower vase, picture frames, washing machine, kaldero, rice cooker, computer set, tv ,digicam, stove, dvd player, mesa, tapos pati wires ng telephone ko...

tangay!

"Oh my God!", nanlulumong banggit ni Rhyna

"Tapos 'yung binigay kong pera, hindi niya naman binili sa tindahan... pati 'yung mga beer na ginamit nila, puro utang! Charge sa name ko... Lahat pala ng mga katrabaho niya, kasabwat sa plano. At ang Anne na 'yun..."

"Girlfriend niya???", tanong ni Janice

"Ow! Ow! huuuuuuuuuh!", pilit na sinabi ni Rubie

"Hay naku! So, mabuti pa, ikain na lang natin iyan! Okay? marami pa namang boys diyan di ba?", dagdag ni Janice na makikitang ka-holding hands na ni Rhyna ang parang anak na rin na karelasyon

"Oo nga! Buti pa kami ni Rhyna", wika ng bente anyos na si Vince na kapapasok lamang para mag-OJT sa News Room.

"Ano daw?!? Eh, buti pa kayo! Huwag mong gagayahin Vince si Cesar ha!", sabi ni Janice

"Ako pa! Ipakulong ninyo ako agad kapag nangyari 'yun!", agad sabi ni Vince

Habang nakikipaglandian si Rhyna sa kasintahan na dalawang dekada ang agwat sa kanya, biglang iibahin niya ang usapan "Hoy! alam niyo ba? Ang kumakalat na Formalene Fever ngayon?"

"Ano iyon?", banggit ni Rubie na tumigil na sa pag-iyak

"Dumarami na raw ang nagkakasakit dahil sa pagbili ng mga mumurahing gatas ng sanggol dahil may mga halo itong nakalalasong kemikal gaya ng formalene! Yun bang para sa mga naaagnas na bangkay?...", paliwanag ni Rhyna

If we fall in-luvWhere stories live. Discover now