CHAPTER 33

353 0 0
                                    

Balik Trabaho. Mababakas sa mga staff ang mga bagong itsura. 



Yung dating negrong lalaki ay bagong kinis na sa paggamit ng Gluta-Soap, yung dating demure na girl... medyo flirt na! Ang lalaking tinubuan ng malaking pigsa sa tabi ng kanyang Adam's apple ay tuluyan na ring gumaling. Nakapagpagawa na rin ng bagong pustiso ang isang matandang editor na pinalagyan din ng silver designs para magmukhang sosyalin. Ang kapartner ni Rubie sa kanyang Feature Report na babae ay nakapagpatangos na rin ng ilong upang hindi masagwa kapag nahahagip ng camera sa field. Mukhang pang-mayaman naman ang ikinabit na contact lens ng artistahing binata sa gitnang cubicle na binili pa sa bansang Morocco. Nilagyan na ng permanent lipstick ang isang nanay na staff sa labi ng kakilalang Dermatologist na ang gastos ay mula sa 13th Month Pay na nakuha sa kumpanya. May ilang bumili lamang ng mga bagong damit... may bagong gadget... bagong hairstyle... bagong pag-ibig. Habang ang babaeng kaa-announce lang ng nagdadalangtao ng isang lalaki, ngayon ay kambal pala nung huling nagpatingin ito sa duktor ngunit medyo mahina ang pulso ng isang bata kaya maselan ang pagbubuntis niya. Wala namang pinagbago kay Mya, pero kay Janice... bahala na ang nais humusga.

"I miss yah Sis!!!", sigaw ni Rhyna sa mahigpit na pagkakayakap sa dalawa pang kaibigang nasa kanyang cubicle

"I miss you two!", banggit ng stressed na si Janice, pagkatanggal ng akap ay mapapansin pa rin ni Rubie ang kalungkutan ng isang kaibigan

"Uh... eto na naman tayo! Ayoko nang magtanong sa'yo kung bakit hindi ka pa rin maka-recover sa problema mong iyan! alam na namin ang dahilan...", sambit ni Rubie

"Sis... kailangan ba naming i-research sa google ang Julius na 'yan, i-message sa Facebook o i-tweet sa Twitter para lang makausap mo ng masinsinan at finally tuldukan na ang mga agam-agam natin dito?", ani Rhyna

"Oo nga Sis... gusto mo pumunta tayo sa Hong Kong at ipahanap natin sa Chinese Bureau Reporter ng company natin dun ang lalaking iyan para mabigyang linaw ang lahat? Ano? Is it a deal...", tanong ni Rubie sa malungkot pa rin na kaibigan, "Or no deal!"

"No Deal...", mabilis na sagot ni Janice na kukuha ng ilang hindi gamit na bond papers sa desk ni Rhyna, "Lalo lang akong masasaktan... baka may malaman pa ako sa kaniyang mas ikasasakit ng damdamin ko..."

"Kung sa bagay may point ka diyan!", sambit ni Rubie

"At saka hindi ko kayang mas lalong maging kumplikado ang lahat... Naniniwala naman akong babalikan niya rin ako, na mamahalin niya muli ako dahil nababasa ko yung walang pag-aalinlangang damdamin niya para sa akin sa tuwing magkikita at magkakasama kami sa labas...", dagdag ni Janice habang may paparating na lalaki sa kanilang lugar

"Wow... ngayon lang namin ni Rubie narinig 'yan sayo ah! Siguro, ito talaga ang tinatawag na 'True love'. Pasensiya na Sis at kailangan ko munang lumayo sa'yo kasi hindi ako ganyan pagdating sa mga ex ko! Alam mo naman ang mga nature ng lalaki ngayon...", wika ni Rhyna

"Oo nga naman...", dugtong ni Rubie na kukunin sa printer ni Rhyna ang pina-print na article, "Yan nga rin ang mga dream husband ko eh... yung maginoo, yung ramdam mo sa kanilang totoo ang damdamin nila sa iyo kasi nandun yung spark! yung hmmmf! yung magic!", titingin siya kay Rhyna, "Salamat dito, Sis!"

"Ahhhy! hangga't maaari ay ayaw ko munang gunitain ang aming mga pinagsamahan kasi... sobra na akong napapraning... at...", banggit ni Janice na may pagluha, "Mahal ko talaga yung tao eh! Mahal... na ma...hal"

Biglang sisingit mula sa kanilang likuran ang isang lalaki. "Ehem...Can I talk to you Janice for a minute?", wika ng Manager at lalabas si Janice sa naturang cubicle

If we fall in-luvTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang