CHAPTER 56

343 0 0
                                    

Maagang umalis ng opisina sina Lawrence at Trumpet sa kanilang branch pagkatapos i-empake ang mga idedeliver na package sa van.

Dumaan sila sa may Taft Avenue pero traffic, ilang kalye sa Manila at España ay congested din, kahit sa may parteng Makati Av at McKinley Road ay pawang box-office ang pilahan kaya't sumadya na lamang sa EDSA ang dalawa papuntang Quezon City. May pagguho pa na nangyari sa Sitio Bartolome na ikinasara ng highway. Upang hindi mainip sa kakahintay ng pag-usad ng mga sasakyan ay pinili munang bumaba ng magkaibigan sa tabi ng mataong supermarket upang mamigay ng flyers.

"Haaay naku! Mabuti pa at ipamudmod na lang natin itong ibang papel nang may pakinabang din ang photoshoots na ginawa natin!", banggit ni Trumpet sa kaibigan at nagsimulang mamigay sa mga dumaraan, "LVC Padala Po!"

"Hi... Hindi ba tayo male-late nito sa package para kay Janice?", tanong ni Lawrence

"Ano pa nga ba! Wala pa namang tawag kay Madam na nagrereklamo na yung boyfriend ng journalist na yun! Malamang... naipit din sa trapik ang loko!"

"Huh! Nakakapanghina na nga Tol eh!", ani Lawrence na patuloy sa pamimigay sa tao

"Oh... bakit? Na kesyo dumating na pala sa bansa yung nang-iwan sa journalist na yun? Eh Tol... hindi hamak na mas mabait at matipuno ka naman dun noh! Kung magbigay nga ng tip eh napakatipid tapos yung ampaw na naku! Ewan... lakas trip din eh!"

"Ha ha! Kung sa bagay, wala namang masama kung susubukan ko! Malakas naman siguro ako sa itaas eh...", sabi ni Lawrence na pagkakuha ng isang babaeng estudyante sa papel ay titingin sa modelo at makikilala si Lawrence

"Excuse me... Kayo po ba yung nandito sa pictures?", tanong ng babae

"Yes ma'am! Kami nga po!", magiliw na sabi ni Lawrence

"Wow... para naman pala kayong artista! Sana kayo na lang naging boyfriend ko!",nakatawang sambit ng babae na may kasamang dalawa pang asungot

"Bakit ma'am?Pangit po ba yung boyfriend niyo?", singit ni Trumpet mula sa tabi



"Yun na nga eh,hindi na nga kagwapuhan, palakero pa! Ako naman itong tanga na nagtatiyaga pa rin sa kanya! Haaaay...", sambit ng babae at kukunin ang smartphone sa bag

"Hayaan niyo...mahahanap niyo rin ang magbibigay sa inyo ng tunay na pagmamahal sa sanlibutan!", nakatinging sabi ni Lawrence

"Alien????",sigaw ni Trumpet na ikatataas naman ng mga kamay ng dilag ALIEN!!!

"Uhm... Pa-picture naman po oh! Ipang-seselos ko lang sa boyfriend ko...''

"Oh... Ganun ba???", nakatawang sabi ni Lawrence at titingin katabi ng babae sa camera. Maya-maya ay mag-gu-group picture din sila kasama ng mga kasama pa, may wacky shots at makikisuyo kay Trumpet na kumuha kasama ang logo ng LVC PADALA.

"Yun oh! Thanks po!!!", masayang sambit ng babae na itatago ang cellphone at hahalik sa pisngi ng mga nakilala bago lumisan kasama ng iba.

"Grabe!!!",banggit ni Trumpet habang nakatitig sa mga babae, "Kung bakit kasi tinanggihan ko pa yung offer ng VIVA sa akin eh! Sana artista na rin ako..."

"Utong nito...nakipagpicture lang sa kanya, artista na agad?", sabi ni Lawrence na makikitang umuusad na ng mas mabilis ang mga sasakyan sa kalsada. Tatapikin niya sa tiyan ang kasama, "Oh! Tara na!!! Mahuhuli na tayo sa pagbibigay ng package!"

"Okay po Boss!",dagdag ni Trumpet na dahan-dahang pupunta sa sasakyan at itatago ang ibang natirang flying papers. Sasabayan siya ni Lawrence sa gilid at lilisanin ang pamilihan, "Sus... Nami-miss mo lang yung inspirasyon mo dun eh!"

If we fall in-luvWhere stories live. Discover now