CHAPTER 12

996 2 0
                                    

Ang sirang CCTV Camera ng main entrance ng gusali ay inaayos ng taga-Engineering Department. Ilang hakbang mula rito ang bagong ayos lang din na elevator na pinalitan ng bagong belt dahil sa naputol na linya ng kuryente.

Mabuti na lamang at walang masyadong nasaktan o napahamak na pasahero noong maganap ang malfunction. Sa pagdalaw ng fiancee ng Manager nina Janice sa Department nila ay madadaanan niya ang maingay na silid dahil sa mga abalang empleyado. Mapapansin niya sa gilid ang tatlong magkakaibigan at babati rito. Ang naka-high heels at fit na Lacoste dress na dalaga ay kakatok sa opisina ng Manager at papasok. Nag-uusap naman habang nagmemeryenda ang tatlong babae sa cubicle ng haggard na haggard na si Janice.

"Hoy... Sis! Nagi-guilty naman ako sa biro ko sa'yo", banggit ni Rhyna na nanunuod sa sobrang nagugutom at kumakain ng large size popcorn na si Janice

"Okay lang ano ka ba! Tsaka para namang iba na sa atin ang kaibigan nating si Jaynel noh! May nagawa na rin namang outline ang lukaret na 'yun kaya sinunod ko na lang", sabi ni Janice at itataas ang nakakartong popcorn, "Salamat nga pala rito ah!"

"Actually Sis, ako talaga ang bumili niyan sa labas kanina. Ipinabigay ko lang dito kay Rhyna nung nag-jingle ako", wika ni Rubie na iniabot pa ang isang basong softdrink sa kawawang kaibigan. Biglang tutunog ang cellphone ni Rhyna na ang message tone ay kantang 'Lady Marmalade' mula sa paborito niyang pelikula na 'Moulin Rouge'.

"Oops! nag-text si Vince!", banggit ni Rhyna sa pagtingin ng cellphone

"Oh anong sabi?", tanong ni Rubie na kumukuha ng isang popcorn mula sa hawak ni Janice upang kutkutin. Babasahin ni Rhyna ang message.

"Hello Hon! I've already completed the Registration Form for the Second Sem and I will ask if i can have *some text missing*", basa ni Rhyna, "Hala! may nawawala ata sa Baby ko! missing?"

Kukuha ng isang maliit na popcorn si Rubie sa hawak ni Janice at ihahagis sa mukha ni Rhyna. "Baliw! patingin nga!", babasahin ulit ang text sa phone ni Rhyna, "Eh, hindi lang nakumpleto yung mensahe ng boyfriend mo sa'yo eh! Nagka-problema ata sa signal... If I know, hinihingi lang niyan ang bayad sa tuition niya! Hala!"

Magtatawanan sina Rubie at Janice.

"Helerr... Wala na rin naman akong paaaralin sa pamilya namin tsaka nag-aaral naman 'yun mabuti noh para raw sa future namin! Kahit naman gastusan ko 'yun at iwan din ako kalaunan... wala na rin naman akong pakialam kasi ang importante, minahal ko siya at minahal niya rin ako", Sagot ni Rhyna na lilingon kay Janice, "Hindi ba ganun ma-in love, Sis? Parang "

"A... ako?", tanong ni Janice na patuloy sa paglamon

"Hinde Hinde...Ako Sis! Miss pastilyas lang ang peg?", banggit ni Rhyna

"Teka nga!", pipigilan ni Rubie ang dalawang magsasabunutan na sana, "Speaking of In Love...", mag-iisip at titingin sa sobrang losyang na si Janice

"Alam mo Sis... ang suwerte suwerte mo na! Na sa'yo na ang lahat!", wika ni Rubie na magbibilang sa daliri, "Mapag-arugang pamilya... Palakaibigan na ka-live in ng pinsan mo... Maraming Achievements in fact 28 medals nakuha mo noong gumradweyt tayo sa college including your Summa Cum Laude award 'di ba?... and of course ang 'National Journalist of the Year' recognition mo!... alam mo Sis, isa na lang... Jackpot ka na!"

"Ano???", tanong ng kausap na si Janice habang puno ng popcorn ang bibig. Magtitinginan sa isa't isa sina Rubie at Rhyna at sabay na magsasalita paglingon sa kaibigan, "Asawa!!!". Agad masusuka si Janice at kakalat sa sahig ang popcorn na may laway. Mandidiri ang dalawa niya pang kaibigan at magsasalita si Rubie... "Ewwe!"

Linggo. Tiyempong walang pasok at ang buong lungsod ay nagkasiksikan na naman sa daan. Mauulinigan sa labasan ang mga naglalakad na estudyante na magwewelga sa Mendiola laban sa sobrang pagtaas ng matrikula sa maraming paaralan. Ang kabilang kanto naman ay mga grupo ng magsasaka at ang KILUSANG MAYO UNO na papuntang palasyo ng pangulo para sa kanilang iginigiit na umento sa sahod. Hindi sagabal sa tanghaling tapat ang pagsikip ng daan sa tatlong magkakaibigang broadcasters na bumaba galing sa sinakyang kalesa at pumasok sa isang bagong tayong Beauty Parlor. Binayaran naman ni Rhyna ang kutsero at nagpasalamat.

If we fall in-luvWhere stories live. Discover now