CHAPTER 19

296 1 0
                                    

Ang pagibig... dumarating sa isang tao na parang kidlat. Tatamaan ka... Oo! Pero kapag inilagan mo, hahanap-hanapin ka pa rin basta't gusto mo. Isang kidlat na sabi nila, hindi na tatama sa iyo ng pangalawang beses kapag natamaan ka na sa pagsulpot nito. Isang kidlat na masakit kapag pinabayaan mong maramdaman ng buong katawan mo dahil ang pagtama nito sa'yo ay pagtama na tagos sa puso. Ang kidlat na maihahambing din sa kuryente na nararamdaman ng isang taong umiibig... nagmamahal... at nagbibigay kulay sa malungkot na pagkakataon.


Ganito ang biglang nadama ni Janice nang bumuhos ang ulan sa kalaliman ng gabi. Dahil sa punuan na mga pampublikong sasakyan, sumakay na lamang ito ng Taxi pagkatapos ayusan ng kaunti nina Rubie at Rhyna. Nang mapahinto ang taxi dahil sa trapik, nagkaroon siya ng pagkakataong makapag-isip habang nakatingin sa pagkidlat ng kalawakan mula sa bintana ng sasakyan.



Janice's POV

"Ano ba... kidlat? Lalo mo na namang palalakasin ang ulan eh, dadami na naman ang mabasa at maputik na daan. Well, kung sa bagay go lang! Kung hindi dahil sa putik na iyon hindi ko makikilala ang mokong na ito... Hay, ito na ba talaga ang pagkakataon ko para ma-in love? Ha? Ha? Sumagot ka!!!"



Biglang lalakas ang kidlat na tatama sa katabing kotse na sinasakyan ni Janice. Tumunog ang alarm nito at gumewang-gewang. Ibabaling naman ng dalagang nasa backseat ang tingin sa drayber ng taxi na naka-jacket at naka-seatbelt.



Janice's POV

"Manong... wala na bang iaabante itong sasakyan mo? Tumataas na ang metro ko ah! Lalo mo pa tuloy pinapakaba itong puso kong nalilito. In fairness manong, mukha kang action star sa suot mo ah! Pa-autograph naman!"



Biglang lilingon ang drayber kay Janice at makikita na ka-look-alike ito ni Philip Salvador.



"Actually ma'am...Umeekstra po ako minsan sa mga pelikula, ka-double ni Kuya Philip"


sambit ng drayber na magpapakunot ng noo ni Janice.

"Ah...", may ngiting banggit ni Janice


Pagka-abante ng taxi ay dire-diretso na itong nakarating sa tagpuan nila ng nakilalang binata. Alas siyete. Sabay ng pagtila ng malakas na ulan ay nagbayad si Janice sa driver at pumasok sa loob ng ShangRi-La Mall. Natandaan niya na napag-usapan nila ng lalaking ito na may dinadayong Chinese Fastfood siya rito na ang manager ay business partner ng kanilang family.


'AT SEVEN THIS NIGHT IN EDSA- SHANG

LET US SHARE A PLATE OF CHAO FAN

- JULIUS YAP

Hinintay niya sa entrance ng fastfood ang lalaki. Tinanong niya ang guwardiya kung may dumating na "Julius" na nagpareserve ng dinner pero walang naisagot ito kaya't hinintay niya na lamang sa may entrance door. Unti-unting nawalan na ng pag-asa si Janice nang nagsisipag-alisan na ang mga customer ng fastfood pero wala ni anino ng nakilala niyang lalaki ang dumating. Bigla siyang nanamlay at nalungkot hanggang sa dahan-dahan niyang lisanin ang fastfood stall na may luha sa kabilang mata at yuyuko. Ilang sandali pa'y may makakabangga siyang lalaki at kanyang makakausap.

If we fall in-luvWhere stories live. Discover now