CHAPTER 16

288 1 0
                                    

Ang bodega ay napuno ng mga kahun-kahong ipinuslit na produkto galing China. Nakahati ang isang kuwarto sa mga 'For Delivery' at 'For Repacking' na tags. Ang mga 'For Delivery' ay ang mga nakabalot na sa plastik na tingi-tinging ibebenta sa mga malalayong nayon at probinsiya upang pakinabangan ng mahihirap na pamilya. Ito rin ay itatago sa pinakailalim ng mga basket ng hilaw na mangga upang hindi mahalata kung sakaling mapapadaan sa checkpoint. Ang mga bagong import lamang ay isasalansan sa 'For Repacking' upang sirain ang mga tali at buksan ang mga karton na siyang ipupuno sa mga malilit na plastik at titimbangin. Ilang hakbang mula rito ay ang imbakan ng basura na nilulumot na at dinadaga pa. Ang masangsang na amoy nito ay tumatakip sa nakalalasong amoy na mayroon ang mga pulbos na gatas na binabalot. Nasa kanyang maliit na opisina naman ang may-ari ng bodega na tila may kinakausap sa cellphone. Habang abala sa pagrerepak ang dalawang alalay na nakaupo sa walang lamang lata ng Lactum 3+, may nagngangalit na ipis ang lumipad mula sa imbakan at lumapag sa noo ng isang panot na alalay. Agad matatakot ito at sisigaw.

"Ahhhh! Ipiiiiiis!", hiyaw ng alalay na itinaas ang tingin sa sariling noo

"Nasaaan? nasaan!", banggit ng isa pa na naghahanap sa maruming sahig

"Na... nasa akin!", dagdag ng panot na takot na takot

"Ah???!", bulalas ng isa pa na nakitang nakahinto sa namamawis na noo ng kasama ang ipis. "Huwag kang gagalaw...", banggit niya na pagkatapos tumayo'y dahan-dahang lumapit sa kasama at dinakot ang kaliwang tsinelas.

"Bilisan mo!!! kinakagat na niya ako!", umiiyak na sabi ng panot. Maya-maya ay papaluin ang noo nito ng tsinelas ng isa pa niyang kasama. Tatalsik sa noo ang mga dagta ng ipis at pa-slide sa mukha na babagsak.

"Oh! Dali ka ngay-on!", sabi ng pumalo na tumingin sa namatay na ipis. Mandidiri ang panot sa kanyang pagmumukha na nasaktan din dahil sa tsinelas na ginamit ng kanyang kasama. Mapapahiyaw ulit ito ng malakas na makakaistorbo sa kanilang lider.

"Ano ba 'yan!", banggit ng Leader na natatakpan pa rin ng anino ang kabuuang mukha "Pwede ba, tahimik kayo diyan! May kausap ako rito, hindi tuloy ako makapag-concentrate eh!"

"Okay po Leader! Sorry!", banggit ng alalay na pumalo sa noo at bumulong sa kasama, "Ikaw kasi eh... tara na"

Habang nagpatuloy sa pagrerepak ang dalawang alalay ay patuloy rin sa pakikipag-usap sa kanyang cellphone ang lider. Naka-de kuwatro sa upuan at nanatiling misteryoso ito.

"Magaling! Naku... dapat celebrate natin 'yan pagdating mo rito. At mag-ayos ayos ka na rin kasi may special assignment ako ipagagawa sa'yo", banggit ng leader habang hawak ang cellphone

Voiceover: (lalake) "No... problem leader! Anything! Excited na rin nga ako sa bakasyon diyan! At makapiling ko muli ang aking magiging asawa", may background sounds ng pagtawag ng flight attendants sa speaker

"Eeeeeh! kinikilig naman ako diyan! Basta, kapag nabenta na mga produktong dumating... may paniguradong pitong milyon na naman sa mga palad atin. At may pitong milyong bata na naman na magkakakumplikasyon sa loob ng isang taon! Hahahahah!"

Voiceover: (lalake) "Very good! Hahaha!", may background para sa departure time announcement, "Oh! malapit na akong pumasok sa eroplano. Sige Leader at kita-kita na lamang diyan!"

"Okay! Ingat at Bon Voyage!", banggit ng Leader, "Bye!", at isinara na ang cellphone. Tatayo siya mula sa kanyang kinauupuan at pupuntahan ang dalawang alalay. Sisigaw ito nang hindi nakikita ang mukha.

"Makinig!!!", tawag ng lider, "May punta dito bisita kaya linis na muna kayong dalawa riyan! Ang mga agiw at nakakakalat na basura sa loob ay pakitanggal! Saka yung mga karton na hindi na natin nagagamit, paki-benta na sa junk shop ah... Iwan niyo muna 'yang ginagawa ninyo!"

If we fall in-luvWhere stories live. Discover now