CHAPTER 58

532 1 0
                                    


Napaka-bonggang flower arrangements. Pinatingkad ang tanghali din lang ng mga nagkikislapang bagong punas na muwebles at disenyo. Ang mga mahahabang upuan ay bagong barnis at ang sahig ay bagong punas dahil sa mamahalin ang mga tiles. Nakahanda rin sa itaas na bahagi ang Philharmonic Orchestra ng unibersidad na pinapasukan ni Leo Gabales upang tumugtog habang naghihintay ng mga bisita.




Mula sa labas ng simbahan ay magiliw na nagsasaboy ng mga rose confetti ang piling mga bata kasama si Gilson at mga kalaro sa squatter's area. Walang motiff pero kailangang naka-Filipiniana ang mga kasuotan ng mga dumarating na saksi. Pinangunahan ni Dean Nicasio Montanilla Sr. ang pagpunta sa loob kasama ang kabiyak na principal ng isang mataas na paaralan sa Sampaloc na may baong saklay dulot ng pagiging polio survivor. Kasunod ang mga staff na sina Estong, Wendell at si Maita- ang HR na pinagtanungan ni Janice sa mga files ni Mya Lopez. Suot pa ang medal, ipinaalalay ni Rubie San Ildefonso ang kanyang pinsang 'Silver Medalist sa Asean Math Olympiad' sa mga Tita at ilan pang kapitbahay para pumasok sa naturang panulukan. Ang nakapag move-on na si Sydney ay naroroon din kasama ng mga anak at konsorte ang tatlong naglalakihang bouncer ng bar na pinupuntahan nina Lawrence sa Malate. Ibinaba naman ng tricycle ang babaeng umeksena noong may komprontasiyon sina Janice at Lawrence sa labas ng gusali. Naka-gown at nakaheadset na nakikinig ito sa sariling composed song ni Yeng Constantino na malakas na kumakanta kasabay sa tugtog ng "Ikaw".

Mayuyumi rin ang ilang tinedyer na nakadamit kasama ang isang babaeng estudyante na nakakilala kina Lawrence at Trumpet bilang modelo sa ipinamigay na flyers at nakipagpiktyuran pa rito. Naimbitahan din sa okasyon ang matanda na kumatok sa bintana ng sasakyan nina Janice noong libing ni Pamela at in-offer ang hawak na bagwa. Kasabay nito ang inulilang Brazilian model ni Pamela na ipinartner sa staff na si Mella. Nagtungo rin doon ang mama na nakilala nina Janice at Lawrence noong una nilang pagkikita na may hawak na pamaypay at ipinapaypay kay Janice sa kanilang gate... siya ang punong abala sa mga souvenir na abaniko sa mga taong nakisama sa entourage.

Ang isang Mitsubishi Van naman ay laman ng napakaraming bisita mula sa bar sa Timog na pinupuntahan ng mga staff kapag day off. Ang driver nito ay ang dating staff na nagtrabaho sa Entertainment Section at ngayon ay mahusay na bartender ng naturang bar. Dumalo rin ang matabang babae sa tapat nila Janice na ang libangan ay bingo lamang at dahil nakabalik na rin ang asawa nitong nasa abroad ay kaniya na ring isinama. Sinubukang kontakin ng mga kaibigan ni Janice ang nagpa-sex change na unang naging official boyfriend ni Janice ngunit lagi itong busy sa work nito sa Kosovo kaya pinapunta na lamang ang nakababatang kapatid nitong babae na nagpa-sex change din para sa babaeng gustong maging asawa. Dumating din ang mga ka-brad nina Trumpet sa basketball at gym, isang nagkamaling customer sa loob ng LVC Branch na nakikipagpalitan pa ng sigawan at mura sa sekretarya dahil sa mga package na pinaghihinalaang nabuksan na, at ilang kawani ng KAPISANAN NG MGA BROADKASTER NG PILIPINAS, National Union of the Journalists in the Philippines at National Press Club.

Masayang nag-pose sa ilang pictorial shots bago ang red carpet ang Chef galing sa International Culinary School na may-ari ng kainan sa Ground Floor malapit sa lobby ng kumpanya kasama ang kasintahang parehong abala sa susunod na reception. Ang ilang mga kaibigan at kapuso ay naroroon na ng biglang may lumanding na chopper mula Batangas.

"Woooooooow!", pagmamangha ng lahat sa labas at bababa ang isang lalaki

"Oh... Pogi nuh!", banggit at posing ni Lawrence sa mga nakakita at magpapasalamat sa piloto na pabalik na muli sa kabilang lalawigan. Nakasuot pang-prinsipe ang groom na ito.

"Mabuti at napaaga ka ng dating at marami na ring tao sa loob", sabi ni Rhyna

"Ah... Ganun ba? Okay... ayusin ko lang sintas ng shoes ko...", sagot ng napakakisig noon na si Lawrence at makikipagkamay sa mga madaraanan

If we fall in-luvWhere stories live. Discover now