CHAPTER 42

281 0 0
                                    

EVERYONE IS CORDIALLY INVITED





Ito ang malaking announcement na nakapaskil sa bulletin board ng mga staff. Nasa ilalim nito ang larawan ng isang napakagandang bride na buhat-buhat ng kanilang Manager na todo sa pagngiti. Maaliwalas din ang background nito na pinuno ng theme ng kasal na 'Amethyst'... ang birth stone ng dalawa. Bakas ang tuwa sa mga pagmumukha ng buong staff na sabik na sabik sa panibagong yugto ng buhay ng kanilang Manager. Katabi ng invitation na ito ay ang deadline naman ng pasahan ng mga bagong article para sa susunod na isyu. Isiningit din ng isang Circulations Editor ang bagong shifting schedule ng buong area alinsunod sa mahabang bakasyong inilaan para sa kanilang punong lupon.


"Uhhh... I feel so in love!!!", masayang banggit ni Rubie pagkatapos makita ang imbitasyon, 

"Sana soon... ako naman ang binubuhat ng dream guy ko para sa ganyang pictorial!"

"Sus... as if naman kaya kang buhatin ng magiging groom mo sa sobrang bigat mong 'yan", wika ni Rhyna habang nakatingin sa lumolobong hita ni Rubie

"Hoy... hiyang hiya naman ako sa'yo teh! Pasensiya na ah hindi kasi ako kagaya mong pinaglihi sa tangkay ng bougainvillea! Palibhasa kasi, wala nang maikakatas sa iyo sa sobrang tuyo na ng katawan mo...", banggit ng nagtataray na si Rubie kay Rhyna

"Aba... hinahamon mo ba ako Rubie Rose?!", wika ni Rhyna na nakaamba na ang pagsambunot sa kaibigan. Aawat sa alitan si Janice sa gitna nila.

"Hep... hep... bago pa dumanak ang dugo rito at magkaroon ng next Pamela Massacre show, pwede ba... bumalik na tayo sa ating mga trabaho!", sambit ni Janice na mauunang pumunta sa sariling cubicle at bubulong ng mahina, "Echosera... parehas naman kayong walang hitsura..."

Mauulinigan ito ni Rhyna sa likuran, "Ah... Ano yun Sis?!?"

"Ha?!", paglingon ni Janice at magpapalusot, "I mean... parehas kayo ni Rhyna na walang HATE SA AURA! you know naman that I love you both..."


"Weeeh... Hate sa aura? Ito kasing si Rhyna eh... lumapad lang naman ang aking balakang dahil sa maraming piyestahang napuntahan ko noong nakaraang linggo!" banggit ni Rubie na nasa dulo sunod sa mga kaibigan. Titingin ito kay Janice, "Pero Sis... makapag-Lala Ytera ka dun ah... Bakit? Maganda ka ba?!". Mabilis na sasagot si Janice.

OO!
"Haaaah!", pangangang banggit ni Rubie at hihinto sa isang cubicle, "Oh my... pakiulit nga Sis...". Mabilis na sasagot si Janice.
OO!

"Whaaaat!", mas nakangangang banggit ni Rubie, "Rhyna... this is the first in the history na ipagmamalaki ng ating Sister ang kanyang pagiging maganda! Sis..."

Habang pinipisil ni Rubie ang balat ni Janice ay aalma ang kaibigan, "Ah... Ano ba!"

"Rhyna... please take down this notes!", banggit ni Rubie

"Yes Ma'am! ano pong mga concern?", wika ni Rhyna na kukuha ng papel at ballpen sa bulsa

"Ahm... Rhyna, ilagay mo ang date ngayon... araw... place at oras! Yung name ni Janice at ang sinabi niyang sagot sa... Ehem...", banggit ni Rubie na tatapikin si Janice, "Maganda ka ba?!". Mabilis na sasagot si Janice.

If we fall in-luvWhere stories live. Discover now