CHAPTER 2

413 3 0
                                    

"Anong Yes?!", tanong ng babaeng propesor na hindi naman katandaan habang nagsusulat ng lectures sa isang malaking whiteboard sa classroom.

Tatayo ng dahan-dahan ang isang lalaking estudyante sa dulo ng ikalawang row at magpapaliwanag.

"Ah, Ma'am.. Yes... Yesterday po yung adverb of time diyan!", sambit ni Leo habang may ibinubulsang cellphone sa likod ng pantalon niya

"Very Good! Now...", patuloy ng guro

Habang nagtuturo ng Verbal Languages na subject ang propesor ay sabay namang nakikipagdaldalan sa katabi niya si Leo.

"Pre! Ano ba naman kasi iyan? Sigaw ka kasi ng sigaw kanina eh!", banggit ni Alvin na kanina pa tumitingin sa pagtetext sa cellphone ni Leo

"May girlfriend na ako!", sambit ni Leo

"Ha? Anu?", pabulong na sabi ni Alvin ,"Sino naman?!"

"Si Virgo!", sasabihin ng may pagtawa, "Sinagot na niya ako sa text!"

"Ah? Sigurado ka bang si Virgo ang nagtext sa'yo?"

"Siyempre naman noh!",may kaunting lakas na tinig na nakatawag ng pansin sa abalang guro.

"Yes, Mr. Gabales?"

Civilian day.

Ang buong unibersidad ay puno ng iba't ibang kulay ng pananamit. Sa mga estudyanteng babae...

may naka-high heels, may astig na varsity shirts, ang mga punkista ay todo sa itim na disenyo sa kanilang katawan, ang mga brainy type ay simpleng dating lang na may mga hawak na libro at

pansulat, iba rin naman ang trip ng mga nakatambay muna sa canteen habang walang klase at ang mga pasosyal na puro selfie o groufie sa kanilang mga smartphones ang inatupag.

Ang grupo ng mga barako ay may style na maong at t-shirts naman, may mga nagsuot din ng org shirts na proud na proud sa kanilang samahan.

Ang mga nag-aaral sa engineering ay bitbit pa ang t-square at mga laptop sa eskuwela, may mga nag-polo rin na fit para mapinahan ng kaunti ang kanilang mga muscle sa katawan na kinahuhumalingan ng mga homosexual.

Ang mga weird na estudyante ay suot ang mga salamin na nililinisan ng panyo kapag nadudumihan ng alikabok at mayroon ding nakaupo sa mga nakatumbang puno para kumanta at laruin ang mga kuwerdas ng gitarang dala.

Hindi rin magpapahuli ang mga magkasintahang may love shirts na kapag pinagtabi ay gagawa ng iisang kahulugan habang sweet na sweet na naglalakad sa mga daan.

Sa kabilang banda, sa isang sementadong inuupuan ay may Chinitang babae na nagsusulat ng kanyang asayment sa notebook sa ilalim ng mayabong na punong akasya. Malapit ito sa isang classroom na nang matapos ang klase ay nagsipaglabasan ang mga estudyante kabilang si Leo na nakasuot ang bag sa balikat.

Pumunta ito sa babae.

"Huy!", binanggit ni Leo pagkatapos tapikin sa likod ang babae at tumingin sa sulat kamay nito ,"Alam mo ba na kapag maganda ang sulat ng isang tao ay maayos daw ito sa sarili? Ha?"

Magsasalita na sana ang kausap ngunit didiretso pa rin si Leo.

"At! kapag may gusto kang sabihing masama, sabihin mo na lang sa akin kaysa sa ibang tao ko pa marinig 'di ba?"

"Oo nga..." ,napaisip na sambit ni Virgo na kanina pang abala sa kanyang mga asayment, "Wow! Very well said, ang dami mo namang baong quotable quotes!"

"Nyeks! Turo lang iyan ng prof namin sa Verbal Languages and Philosophy! Musta ka na Love?!", wika ni Leo habang itinatapat ang mukha sa mukha ni Virgo

If we fall in-luvWhere stories live. Discover now