CHAPTER 55

507 0 0
                                    

February 29th






Maaliwalas na panahon. Ang mga dahon sa mga puno ay nagsisipagsayawan sa saloy ng ihip ng hangin. May mga sumisibol ding bulaklak ang orchids na ang halimuyak ay umaabot sa kabilang kalsada. Malinis na muli ang kuwartong tulugan sa itaas pagkatapos itong pagtulungang ayusin ng mga estudyanteng nagsipagpuntahan sa kanilang bahay. Nang bumangon mula sa pagkakahimbing, inunat-unat muna ni Janice ang kamay at ilang buto bago bumaba sa kusina upang kumain. Sukbit sa bulsa ang cellphone, makikita ni Janice ang bagong baked na tinapay sa isang kawang may takip at ang corned beef at pritong itlog na nasa tabi lamang ng naiwan pang nakabukas na bote ng powdered milk. Pagkatapos isara ni Janice ang bote ay pupuntahan naman niya ang kuwarto ng matandang babae. Tulog at pawang nananaginip pa ito dahil sa pagitling na hilik na nadidinig. Napangiti na lamang si Janice at iniwan ang matanda sa sariling higaan. Sa pagpunta sa mesang kainan ay biglang magriring ang kanyang cellphone at makakatanggap ng isang nakakatakam na MMS:

Para sa pinakamagandang ate ngayong araw na ito...

Enjoyin mo yang niluto namin sa kitchen ni Virgo bago sabay na pumuntang school,

Kita kits mamaya!!! Muwah muwah muwah! -Leo POgi <3

Makakakita si Janice ng mga pagkain na pictures sa cellphone at mapapangiti. Maya-maya ay dadakot na rin siya ng kaniyang magiging almusal bago pumasok sa trabaho.

Habang nakasakay sa dyip ay maghahanap ng pitaka si Janice sa loob ng kanyang hand bag.Sa paghahalungkat ay mapapansin niya ang isang kahong pahaba na ibinigay sa kanya ni Lawrence. Dahan-dahan niya itong binuksan at itinago ang laman sa kanyang bulsa. Nang makapagbayad sa tsuper ay ilang minuto pa'y kaniya na ring pagbaba upang tunguhin ang Broadcasting Company. Dito ay bubungad sa kanya ang mga nakangiting mukha ng staff sa lobby na ang isa ay biglang may tatawagan sa cellphone habang nakatitig sa kanya at dahil may kaunting oras pa ay dumiretso siya sa malapit na Comfort Room upang makapag-ayos-ayos. Paglabas ng Comfort Room ay suot na ni Janice ang kaniyang ID at isa pang bagay na nakasabit sa kaniyang leeg. Pumunta na siyang Elevator na sa loob ay may bagong babaeng Elevator usher na nakikipag-interact sa mga pasahero.

Good day! Ma'am, Sir! Have a safe trip po!

First floor...Second floor... Third floor... and so on floors

Huwag lang magkaroon ng body odor

At baka si jowa sa relationship ay no more!

Mapapangiti ang lahat sa elevator kasama si Janice hanggang sa makarating sa pinaka-opisina at magugulat sa loob... madilim... tahimik... tila walang katauhan. Agad niyang chineck ang oras at araw sa cellphone kung dapat ay walang pasok ngunit ordinaryo naman ito. Pagkapa ng switch ng ilaw at buksan ay tatambad sa kanya ang napakalaking WOW!!!

"Happy Birthday!!!", bungad nina Rubie at Rhyna mula sa gilid at iba pa

"Ha??? Bi...birthday ko na nga pala! Pasensiya na at hindi ko alintana kasi...",aniya

"Well... as usual,daming trabaho, daming problema, it's complicated ika nga!",banggit ni Rubie na ibibigay ang isang maliit na cake with candle,"Go! Wish and blow..."

Pagkatapos hipan ni Janice ang kandila ay palakpakan ang lahat ng staff na may mga lobo pa sa paligid at tugtugang pam-party. May lalapit na lalaki sa dalaga upang may ibigay.

"Happy Fortieth Ma'am!", banggit ni Rhino sabay kiss sa pisngi sa celebrant at ibibigay ang bouquet of flowers

"Huy! Rhino...ginulat mo ako! Forty ka diyan... pinatanda mo naman ako ng isang dekada!", tapik ni Janice

If we fall in-luvDonde viven las historias. Descúbrelo ahora