CHAPTER 43

531 0 0
                                    

Madaling araw sa Sitio Bartolome at ang lahat ng mamamayan ay nakikiramdam sa parating na demolisyon.




Panandaliang naglaan ng pag-uusap ang magkabilang mga panig ngunit patuloy ang pagbabantay ng mga pulisya sa paligid ng lugar sa loob ng beynte-kuwatro oras. Galing sa nakatigil na trak ng mga epektus ang isang alalay na panot na nag-obserba sa kalagayan ng mga nirepack na gatas. Dahil sa hindi pa naman ito umaabot sa expiration date ay hinayaan na lamang muna niya roon malagi ito at nagpatuloy sa paglingun-lingon sa paligid. Nang mapansin ang isang patrol mobil na itinututok ang spotlight sa trak mula sa labas ng arko ay agad kinabahan ang alalay... mabilis siyang sumakay sa bisikleta at tinungo ang bodega.


"Biris! Biris! Kailangan na tayo lipat taguan! Hirap na sitwasyon dito... Kung bakit kasi apruba ba demolisyon ng alkalde... Lintek!", wika ng lider na nanatiling misteryoso ang pagmumukha at tumutulong sa pagkuha ng mga kahon ng gatas sa labas ng bodega

"Hayaan niyo Leader! Kami na bahala ng partner ko rito! Sana nga lang at makabalik na rin si Milky Man para madagdagan pa ang mga stock natin... Yung iba kasi eh natunaw na sa sobrang pagkakasiksik malapit sa paliguan tapos yung iba eh hindi pa natin nakukuha sa trak...", sambit ng payat na alalay

"Oo nga parra... Sayang din epektus doon! Pero kung masyado na delikado eh, iwan na atin! Yung flavored milk na lang repak atin pag dating na!", wika ng lider

"Oh... Siya nga! Para madagdagan na rin savings ko sa bangko, Ah!", sambit ng payat pagkatapos ilapag ang huling kahon upang ilipat na isa-isa sa bangka na naghihintay sa ilog

"Leader!", banggit ng biglang dating na panot

"Oh... Ano Probyema?", tanong ng lider

"Eh kasi po...", dagdag ng panot na ilalapag ang bisikleta sa gilid ng pintuan nila, "Mahigpit pa rin ang pagbabantay sa trak natin! Masyado tayong mahihirapang ilabas pa ang mga laman nito... Tsaka masyado rin kasing bungad ang sasakyan natin kaya kita tayo sa CCTV nila kapag inilipat pa ng lokasyon"

"Ayos lang! Hayaan na lang gatas dun! Importante lipat natin natitira pa tapos plano na tayo kung pano tayo alis dito kasama iba gamit!", wika ng lider na titingin sa mga mamahalin niyang mga gadget at isang nakakandadong kabinet

"Sige po! Sana lang wala tayong kalaban sa may ilog...", sambit ng payat na alalay na tinatali ang ibang mga kahon at plastik

"Tama! Pero alam niyo na gawin niyo ah! At aasikasuhin ko pa isa pa nating kalaban... Ang napakatalino atin kalaban... Grrrrrh!", nagngingitngit na wika ni lider na papasok sa loob ng bodega at hahayaan ang dalawang alalay sa labasan

"Partner!", tawag ng panot sa kasama

"Oh... bakit ako tawag iyo?!", tanong ng kausap

"Leader???", dagdag ng panot, "Eh kasi may sinasabing kalaban si Leader kanina... parang sobrang galit eh!"

"Sus!", sambit ng payat na inilalagay sa kariton ang ibang karton, "Hindi ka na nasanay kay Leader... edi siyempre mga pulis! Mga kontrabida sa negosyo niya... o pwede ring media! You know! mga nakakaalam ng sikreto niya..."

"Kung sa bagay... baka nga yun nuh!"

"Oh... Okay na ito! Tara na sa ilog at baka abutan pa tayo ng umaga rito..."

If we fall in-luvWhere stories live. Discover now