CHAPTER 1

759 8 0
                                    

Small Silence


Madilim...


wala kang ibang masusulyapan bukod sa isang maliit na spotlight mula sa pinakalikod na sulok ng kuwarto.


Nakatapat ang ilaw sa isang bilog na lamesita na nakaupo sa paligid ang tatlong hindi maaaninag na babae. Sa pinaka harap naman nakaupo ang manghuhulang bakla na may bandanang itim na puno ng glitters at nakapulang lipstick na inutang pa sa Avon.



Nagbabalasa ng baraha ang manghuhula. Maya-maya'y itatapat ang mukha sa liwanag at ipe-presenta ng kanang kamay ang mga nakataob na barahang ginagamit ng mga fortune teller.


"Kumuha ka ng tatlo!", sambit ng manghuhula sabay ng pagdukot ng kamay ng babaeng hinuhulaan sa tatlong magkakaibang baraha mula sa pagkakapatung-patong nito.



Itinabi ng manghuhula sa isang gilid ng lamesita ang mga barahang hindi napili at hinawakan ang tatlo. Pagka-reveal ng unang barahang napili ay agad binanggit ang kanyang intergalactic vibrations.



"Maganda ang sinasabi ng barahang ito ukol sa iyong money matters... Isa kang matipid na tao at mukhang lapitin ng pera. Malinaw na malinaw, mabilis kang yayaman!"


May ngiti mula sa hinuhulaang babae habang seryosong nakikinig ang dalawa pa. Binuksan naman ang pangalawang napili.


"Ang family... Ah! may maayos na kalusugan sa i-sa't isa, pagkakaisa't pagmamahalan. Mas yayabong pa ang samahan ninyong mag-anak lalo pa't may darating sa inyong bagong kapuso't kapamilya.", may sasabat na isang babae at tatanungin ang tungkol sa career.


"Success!", pagkatapos makita ang ikatlong napili, "Marami kang success sa career kaso lang mag-iingat ka't may kapalit itong mga pagsubok sa buhay lalo na ang ukol sa pamilya mo..."


"Eh, sa lovelife po???", sabat ng isa pang babae


"Pumili ka pa iha...", dagdag ng manghuhula at ibinigay ang ibang barahang hindi napili sa kanyang hinuhulaan. Nang kunin nito at ipakita ang bagong pili ay siya muna ang tumingin at biglang bulalas ng... "Isang putik!"


"Ano daw?!?", tanong ni Janice -ang hinuhulaan


















If we fall in-luvWhere stories live. Discover now