CHAPTER 52

336 0 0
                                    

Marami ang natatanggap na tawag ng mga staff sa Broadsheet Area. Assign dito... Assign doon! Laman din ng International News ang pagkakadakip ng ilang mga salarin sa POISONOUS MILK sa iba't ibang panig ng mundo. 


May isang journalist nga rin na nadamay pa sa Syria dahil sa barilan at batuhan ng granada. Mabuti at naisugod sa malapit at ligtas na pagamutan ito at naka-survive. Si Rubie rin ay may special project na tinatapos ukol sa article ng muling pagbisita sa bansa ng Santo Papa kaya't nagsadya itong mag-overtime na muna habang si Rhyna naman ay tinatapos ang pagkuha ng mga litrato at panayam sa Sitio Bartolome kung saan marami ang nagpupumilit na hindi umalis at malamang ay magkaroon pa ng tensiyon sa gaganaping demolisyon. Isang palaisipan naman kay Janice ang pagkakapaslang sa isang pulis na nagbabantay lamang sa Ilog Pasig kung saan paminsan-minsang daanan din ng mga taong nagbebenta ng gatas na pambata.

"Tsk... Tsk... Tsk... Haay...", bulong ni Janice sa sarili hanggang puntahan siya ng isang staff sa cubicle

"Hey Janice! Kumusta po ang mga pinapa-edit?", tanong ng isang staff na naka-brace pa ang mga ngipin

"Ah... oh...", gulat na banggit ni Janice, "Oo nga pala! Naku! Pasensiya at ang dami ko kasing inisip these past few days... Urgent na ba?"

"Ah... hopefully but It's okay! Kunin ko na lang po bukas..."

"Ah... Sige! May time pa ba?", usisa ni Janice na titingin sa screensaver na oras sa kanyang monitor, "Well... sa bahay ko na lang gagawin!"

"O Sige Ma'am! Alis na rin po ako! Paki-check na rin po pala baka kasi may virus yung ilang files and links doon", may ngiting sambit ng staff

"Okay!!! Ingat...", banggit ni Janice na nag-flying kiss sa pauwing staff

"Haaay... Ano ba Janice!", bulong ni Janice sa sarili, "Come on..."

Hahanapin ni Janice ang USB Flash Drive na naibigay na sa kanya ng staff hanggang makita ito katabi ng kaparehong kaparehong USB sa loob ng drawer. Kukunin niya ang USB na walang tag at ibubulsa. Nang marinig ang buzzer na senyales na ng pag-uwi ay magugulat si Janice hanggang i-off ang CPU at monitor at kinuha ang bag upang lisaning mag-isa ang opisina. Makakalimutan niyang i-lock ang kanyang drawer.

Hala! Sa tingin niyo readers... anong susunod na mangyayari??? ANO DAW?!

Palabas na ng building sa may lobby si Janice nang biglang mag-ring ang cellphone at sagutin ito.

"Yes... My insan!", banggit ni Janice habang binubuksan ang exit door

"Ate!!!!!!!!! Hooooh!", malakas na tinig ni Leo sa kabilang linya na nagpagambala sa tainga ng kausap

"B... Bakit? Anong nangyayari diyan?! A... Anong..."

"Bilisan mo nang umuwi diyan! Mauubusan ka na ng pagkain dito sa bahay...", tinig ni Leo sa cellphone at makakarinig ng mga boteng nagkikiskisan at maiingay na estudyante

"Ha? Anong nangyayari sa inyo? Kumusta si Lola diyan?", banggit ni Janice na mapapatigil sa isang waiting shed at ito'y sosolohin

Magiging mahinahon ang boses ng kausap, "Ayos naman si Lola rito... Inaalagaan siya nina Virgo at Karen... ang ku-cute nga nila eh!"

"Wait... wait...hindi ko pa rin maintindihan eh! Ano bang special happenings diyan Bro?", banggit ni Janice na susubukang pumara ng dumaraang jeep sa daan

"Nag-Champion kami ni Trumpet sa SportsFest!!!! Hooooooooh!", malakas na tinig ni Leo at magcha-choppy ang signal

"Ta... talaga? Well... Co...", sasabihin na sana ni Janice nang biglang maubusan ng battery life ang cellphone, "Congrats... Ay! Ano ba yan...Lobat pa! Kainis!"

If we fall in-luvTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon