Prologue

5.8K 84 12
                                    

Tiningnan ko ang litrato niya. Mukha siyang masaya. Mukha siyang walang problema. Napangiti ako, hanggang sa balikan ko kung ano ang tinahak ko.. Kung ano ang tinahak nating dalawa noong ako pa ang kasama mo.

Masaya, makulay, pero sa kabila ng sayang iyon, mas nangingibabaw ang pait at sakit. Siguro nga ay hindi para sa atin, hindi atin ang mundong binuo natin. Natawa ako, bahagya ko pang nilait ang sarili ko. Dahil hindi naman talaga. Masyado akong nangarap nang mataas, masyado akong naging mayabang sa akala kong tayo'y magiging patas. Naging mayabang ako sa pag-aakala kong sapat na ang pag-ibig ko upang ipaglaban ka, pero mali. Dahil pag-ibig ko rin ang siyang dahilan kung bakit ay binitiwan at iniwan kita. Sana ay maintindihan mo. Sana ay patawarin mo 'ko.


Tumingala ako at muling napangiti, at napatanong, patuloy ko pa bang panghahawakan ang pag-ibig na ito dahil sa pag-asang babalikan mo ako?

MagbalikWhere stories live. Discover now