44 - Thinking of You

678 28 13
                                    

Primo

Halos hindi na ako makapagtrabaho nang maayos, aminado ako. Kahit isipin kong kailangan kong mag-focus sa ginagawa ko, wala, walang nangyayari. Dahil 'yong atensyon ko, nasa pagbabalik ni Sir Miguel. Na kay George..

Nagbalik na si Sir Miguel, nakakatawang tanungin pero bakit parang ang bilis naman ng pagbabalik niya? Ba't parang ang bilis naman? Dahil nagrereklamo ako, dapat hindi pa siya nagbalik eh. Kasi paano na kami ni George?

"Pre, back to normal na tayo. RYP." Sabi sa akin ni Jude.

"RYP?"

"RYP. Remember your place."

Gustuhin ko mang matawa o sitahin 'yong trip ngayon ni Jude na pa-acronyms niya pero nawalan ako ng gana para tumawa para matuwa. Tangina, sino ang matutuwa sa kabila ng pagiging inggit ko?

Pero tama si Jude, remember your place. Tandaan mo 'yong lugar na para sa'yo, Primo. 'Yung lugar na dapat nandoon ka. At naiinggit ako dahil parang ngayon 'yong unang araw na ipinamukha sa akin 'yong lugar na kinalalagyan ko ngayon.

Nagbalik na 'yong asawa ng mahal ko, nagbalik na 'yong asawa ng babaeng parang kanina lang ay nakasama ko pa, napatawa, nahawakan.. At nahalikan. Wala na, nagbalik na 'yong tunay na nagmamay-ari sa kanya at hindi ako 'yon.

Parang kahapon lang, ang saya-saya naming dalawa, pero ngayon, bigla na lang nawala. Panandalian lang, nakakatawa dahil umasa ba akong magtatagal pa itong pagsasama namin ni George na simula't sapul pa lang, ako lang naman ang nagmamahal? Ako lang naman ang may gusto dahil wala siyang sinabi sa akin, hinayaan lang niya ako?

Tangina, tangina mo talaga, Primo! Wala kang karapatang magreklamo dahil alam mong kasal na siya, alam mong pamilyado na 'yong tao pero ano ang ginawa mo? Ayun, pinatulan mo pa rin. Tama nga si Cassie, nakakaawa ka. Nakakaawa ka dahil ngayon, para kang inagawan at sinasampal ng reyalidad dahil hindi mo inalam ang limitasyon na dapat ay hanggang doon ka lang.

Pero wala akong pakialam sa sarili kong nilalait ako. Simula nang sabihin ko sa kanyang mahal ko pa rin siya, nawalan na ako ng pakialam sa sarili ko. Kaya magpapatuloy ako, itutuloy ko ito.

"Na-miss ata ni Sir Miguel si George kaya umuwi agad. Ang slow mo kasi, 'tol." Sabi pa sa akin ni Jude at napangisi lang ako.

Kung alam lang sana ni Sir Miguel ang nangyari bago siya dumating, baka duguan na ako ngayon sa kasusuntok niya sa akin. Pero nawala ang ngisi ko nang mula rito sa kusina ay natatanaw ko si George na malaki ang ngiti sa labi habang kinakausap siya ni Sir Miguel.

Kailangan din namin mag-usap ni George. Kailangan naming mag-usap tungkol sa namamagitan sa amin dahil alam kong wala lang ito..

"Tuloy pa rin."

"Tuloy pa rin ang ano?" Tanong sa akin ni Jude at napatingin ulit ako sa kanya.

"Tuloy pa rin ang pagluluto. Maghiwa ka na nga riyan."

"Yes, Chef!"

Sumapit ang gabi, tulad ng dati, parang gusto ko na lang matapos ang araw na ito. Kung noon na lagi akong nae-excite at ganado akong nagtatrabaho, ngayon, nagtatrabaho na lang ako ngayon para mapagod at makatulog agad pag-uwi ko sa apartment.

"'Tol, okay lang 'yan. Siguro may part 2 na business trip 'yang si Sir Miguel. Ipagdarasal ko 'yan." Bulong sa akin ni Jude at kahit papaano ay natawa ako.

MagbalikTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon