20 - Rainbow

693 16 0
                                    

Primo

Kahit basang-basa siya, hindi ako bumitaw sa yakap namin sa isa't isa. Hanggang sa makarating kami sa kwarto ko at pinaupo siya sa kama. Hindi ako nagsalita, hindi pa ako nagsalita kasi sa totoo lang, para akong namamalik-mata na nakikita ko ngayon ang girlfriend ko na nandito ngayon sa tinutuluyan ko, ngayong oras mismo.

Lumayas ba siya? Halata naman dahil may mga dala siyang gamit niya.. Pero bakit? At naiisip ko pa lang 'yon, nasasaktan na ako. Lalo na't halata sa mga mata niya ang pag-iyak niya at nasasaktan ako. Ano ba ang nangyari?

Nakatingin lang ako sa kanya hanggang sa tumingin din siya sa akin, at dito na siya nagsalita.

"Pwede ba ako rito mag-stay, Mahal?" Tanong niya sa akin at gusto kong sabihin sa kanya kung anong klaseng tanong 'yan?

"Oo naman. Syempre, Mahal." Sagot ko at kinuha ang kamay niya. "Mamaya tayo mag-usap. Ngayon, ang kailangan mo munang gawin ay maligo at baka magkasakit ka niyan dahil mukhang naligo ka sa ulan."

Pero naisip ko, bakit 'di na siya pumasok sa loob, eh nasa kanya naman 'tong duplicate ng apartment ko eh. Naisip ko rin, baka naiwan niya 'yong susi.

Pero nagpaulan naman siya. Bumyahe ba siya nang ganitong oras? O nagpahatid siya?

Kumuha ako ng bagong tuwalya sa drawer ko para sa kanya, kinuha niya naman at iginaya ko na siya patungong banyo. Sinamahan ko pa siya sa loob ng banyo, ako ang nagbukas ng ilaw at kailangan kong i-check ang loob para 'di naman ako mahiya sa kanya. Pero nakakahiya nga dahil medyo makalat, at may mga nakasabit na underwear, sorry naman.

Hindi ako prepared!

"Kumpleto na riyan, may mga extra na sabon at toothbrush diyan pero shampoo, panlalaki, Mahal eh." Napakamot ako sa ulo ko. "Huwag kang mag-alala, bibilhan kita bukas ng mga kakailanganin mo pa." Sabi ko pa sa kanya at tumango lang siya.

Iniwan ko na siya at narinig ko naman ang pagbukas niya ng gripo, napansin ko rin na 'di niya sinarado ang pinto. Una kong ginawa pagkalabas na pagkalabas ko ay ayusin 'tong mga gamit kong makalat dito sa kwarto ko. Nagkalat na mga damit, mga papel, at kung ano-ano pa. Wala kasi masyadong oras para makapaglinis, pero simula bukas, baka magagawa ko na.

Inayos ko lahat-lahat ng makalat dito sa kwarto ko, hindi naman ako pwedeng magwalis dahil gabi na. Itinabi ko lang 'yong mga kalat ko, at ilang saglit, natapos na rin siya. Napalingon ako sa kanya at tanging tuwalya na lang ang nakabalot sa katawan niya. Nagpunta naman ako sa maleta niya para ako na ang kumuha ng maisusuot niya.

"Sige na, bihis ka na. Dito lang ako, aayusin ko 'tong mga gamit mo." Wika ko sa kanya at ngumiti naman siya nang tipid sa akin.

Tumalikod na ulit ako at nagpunta rito sa parte kung saan ang cabinet na 'di ko masyadong ginagamit para ilagay 'tong mga gamit ng nobya ko. Mga kasuotan, mga ilang gamit, may nakita rin akong mga ilang school uniforms at mga libro niya, naisip ko, mukhang seryoso nga 'yong pag-alis niya sa bahay nila.

Gustuhin ko ngayon matuwa dahil mukhang makakasama ko na siya rito sa apartment ko nang matagal pero nawala rin.

Napalingon na ulit ako sa kanya at 'yong inaakala kong nakabihis na siya, hindi nangyari dahil nakaupo lang siya sa kama habang nakabalot pa rin sa kanya 'yong tuwalya. Nakatulala siya, ang lalim ng iniisip niya..

Itinigil ko muna 'tong pag-aayos ko ng mga gamit niya para lumapit sa kanya. Tumabi  ako at agad niyang ipinatong ang ulo niya sa balikat ko, kaya inakbayan ko naman siya.

MagbalikWhere stories live. Discover now