2 - The Usual

1.7K 30 11
                                    

Primo

May araw talaga na magugulat ka sa saya, gugustuhin mo ba 'yon? Aba, syempre oo. Pero parang hindi rin, kasi nagulat ako ngayon oh, pero hindi naman ako masaya. Naiinis ako! Paano ba naman kung hindi ako handa at wala akong kaalam-alam na pupunta siya rito. Akala ko ba, busy siya?

"Akala ko ba, busy ka? Ba't ka nandito?" Tanong ko at kumunot ang noo niya.

"Bakit? Ayaw mo ba ako na nandito?" Pabalik niyang tanong at parang naiinis na rin ang tono niya.

"Hindi. Hindi mo ako sinabihan, alam mo naman na ayaw na ayaw kong hindi ko nalalaman ang plano mo, gagawin mo o kahit ano pa." Sabi ko.

Oh, edi sige.. Sabihin na nating ayaw ko talagang nasosorpresa ako. Lalo na kung ayaw ko 'yong gustong mangyari. Sorry na kung medyo bossy ah, ayaw ko talaga eh. Nakakairita lang.

Parang kanina lang kasi, ka-text ko siya at sabi niya, marami siyang ginagawa which is alam ko naman dahil araw ng Sabado ngayon. Alam niyo na, assignments, reporting, thesis, etcetera. Pero sa likod ng alam kong iyon, nasa mall pala siya para bumili ng pizza at pumunta rito sa condo ni Bruce para lang sorpresahin kami. At mag-isa niya lang bumyahe mula sa mall hanggang dito, wala siyang driver na kasama. Pre, hindi ako natutuwa!

OA naman, Primo.

Mukhang 'di na matutuloy 'yong plano naming doon ako matutulog sa bahay nila bukas dahil out of town tatay niya. PSH, kahit na, magagawan ko naman ng paraan 'yon.

2 PM na rin, kani-kanina lang siya dumating. Noong una, akala namin, 'yong pinsan ni Bruce ang nag-buzzer. Pero nagulat na lang ako ng ka-holding hands ni Bruce ang girlfriend ko na siyang bisita KO. Ako lang. Hayop 'yon ah.

"Kailangan ba, ipaalam ko lahat sa'yo, Primo? Nakakairita ka na, hindi ka ba masaya na nandito ako?"

Heto na naman po tayo, isang session na naman ng bangayan. Kailangan ko pa bang ulitin 'yong sinabi kong rason ko? Nag-aalala lang ako para sa kanya eh, alam ko, ang weird ng rason ko.

Kanina, ang saya-saya niyang nandito. Pero mukhang nasira ko dahil nakakunot na ang noo niya. Lumayo siya sa'kin dito sa sofa at hindi na ako hinarap.

"Kung ako, binisita ng girlfriend ko, matutuwa na lang ako. Wala nang keme-keme." Pagpaparinig ni Jude.

Ang tanong, may girlfriend ka ba, pre?

So ayun nga, nandito ako ngayon sa condo ni Bruce. Parang lagi-lagi naman, hindi man nagtatagal pero laging dumadaan dito. Kapag may pasok siya, syempre, hindi naman kami mga walang hiya na tatlo para pumunta rito sa lugar niya, kapag wala siyang pasok. Ganoon. Lalo na kapag may gig sa gabi, dito kami nagja-jamming. At nagiging usual spot kapag inuman.

Pero wala akong panahon mag-throwback dahil mukhang galit na sa'kin 'tong baby ko.

"George.. Sorry na.. Mahal.."

'Di ba? Sino bang may sabing ako ang boss dito kung ano ang sumusuko at nagiging alipin?! Okay lang, maganda naman bossing ko.

"Argh! Gin, papuntahin mo si Chloe rito at para may makausap naman akong matino rito." Utos niya sa kaibigan kong alipin din ng taong pinapapunta niya rito.

"Aguy! So ibig sabihin, hindi kami matino?" Tanong ni Bruce habang ngumunguya ng pizza. Saya nila eh.

"Mahina ang catch up, pre?" Jude.

"So hindi rin matino si Primo mo?" Tanong ni Gin at tinignan ako ni George pero para akong napahiyang pusa nang irapan niya ako.

"No, ang alien niya. Kainis, ang moody!" Sagot niya at natawa ang tatlong tukmol. Bwisit na mga 'to, except si George.

MagbalikTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon