32 - Reunited

734 31 7
                                    

Primo

Ramdam ko na ang sikat ng araw sa mukha ko, dahilan kung bakit ako nagising. Pinilit ko pang matulog pero wala na dahil gising na ang diwa ko. Bumangon na ako, wala na rin akong nagawa. Ano na bang oras?

Inabot ko ang phone ko para makita ang oras, alas 8 na rin pala. At dumako ang atensyon ko sa mga mensahe na natanggap ko. Galing kay Jude, Gin, sa mga Tita ko, at mayroon din kay Cassie.

Una kong binuksan 'yon galing sa mga tiyahin ko. Wala, ang sinasabi nila, masaya sila na nandito na ako. Ayun lang. Hindi, hindi lang pala lang lang iyon dahil nakakataba ng puso. Ewan, alam niyo 'yong kahit pag-aalala lang nila sa'yo, ang sarap maramdaman? Ganoon, ganoon ang nararamdaman ko.

Idagdag mo pa 'yong tuwang-tuwa ang dalawang Lolo at Lola ko na nandito na ulit ako sa Pinas. Sa totoo lang, naninibago ako. Ewan, hindi ko masabi 'yong eksaktong salita pero nakakapanibago talaga. 'Yung natutuwa sila na kasama ko na sila, 'yong para silang naging interesado bigla sa akin, nag-aalala at inaalala ako.

Siguro, bago nga dahil ito 'yong unang beses na nangibang bansa ako sa haba ng panahon. Five years, kita mo nga naman. Syempre, mami-miss talaga nila ako.

At natanto ko, maaari ngang pagbabago ito pero isa lang ang hindi nagbago. Na mahina pa rin ang puso ko pagdating sa pamilya ko.

Sunod kong binuksan ay ang mga mensahe na galing sa mga kaibigan ko. Puro lang mga paalala na pumunta ako mamaya sa reunion na magaganap. At 'yong huli, kay Cassie, good morning lang kaya sumagot ako pabalik sa kanya.

Pangatlong araw ng pagdating ko rito sa Pinas, pero parang ang tagal ko nang nandito sa dami nang gala na mayroon ako. Noong pagdating ko, una kong ginawa ay ang puntahan ang mga Lolo ko sa Tagaytay. Nandoon kasi sina Lolo Jasper sa bahay ni Lolo Lennon kaya roon ako nagpunta. Sakto, nag-stay ako nang ilang oras kasama sila, nakipagkwentuhan. Pagkatapos, nagpunta ako sa sementeryo para bisitahin 'yong mga mahal ko sa buhay.

Medyo 'di nga ako sanay dahil kung noon na puro ako babad sa trabaho, ngayon, pahinga lang at gala. Totoo nga 'yong sinasabi nila na hahanap-hanapin ng sarili mo 'yong bagay na matagal mo nang ginagawa sa ilang taon at gustong-gusto mong gawin.

Pero 'di ko namang hahayaan na maging na naman ako eh. Ayun nga, hindi agad-agad ang pagbabalik ko sa ibang bansa. Sabi ko nga kay Cassie, dito ko rin susubukin sa Pinas ipagpatuloy 'yong pagiging ano at sino ako. Bilang chef, dito na lang muna.

Ang dami namang pwedeng pasukan na restaurant at kung ano-ano pa, pero sa ngayon, 'di ko muna 'yon poproblemahin. Magbabakasyon muna ako.

Nag-stretching muna ako bago tuluyang tumayo. Pagkatapos, lumabas na ako muna para magluto at kumain.

As usual, mag-isa ako, ayun 'yong isa sa mga 'di nagbago.

Nagsalang na agad ako ng kawali sa stove para ipagluto ang sarili ko. Hindi pa talaga ako sanay. Kung nasanay ako na nagmamadali sa pagluluto para makakain na at makapasok na sa trabaho, ngayon, kahit ilang oras pa ang gugulin ko rito, ayos lang.

Sa susunod, kay Bruce na lang muna ako makikituloy. Para naman may kasama ako at may rason para magising ako nang maaga. Syempre, ipagluluto ko siya. Ganoon ko siya na-miss.

Tinawanan ko nang peke ang sarili ko sa kabaliwan na naiisip ko. Napailing-iling ako. Siguro kung naririnig lang niya itong pinagsasasabi ko, baka masapak ako nun. Pero teka lang, may girlfriend na pala siya. At si Gin, may asawa at anak na. Kita mo nga naman, si Jude na lang ang single sa aming magkakaibigan. Haha!

At ako pala.

Nang matapos akong kumain, niligpit ko na agad. Nilamon ako ng katahimikan habang kumakain nang mag-isa. Nasanay na rin kasi ako na kasabay ko sina Jude, si Cassie at 'yong iba pa naming nakasama roon sa Singapore hanggang sa Italy.

MagbalikWhere stories live. Discover now