49 - The Announcement

824 26 16
                                    

Nagising si George. Hindi, kanina pa pala. Nakatulala siya, nakatingin sa liwanag na nagmumula sa labas ng bintana. Umaga na, halos magtatanghali na. Mag-isa na siya, nagising siya nang hindi niya na katabi si Miguel, at mas nakampante siya.

Pero wala pa rin siyang balak bumangon, wala siyang balak dahil paano kung masakit ang buong katawan niya? Na bawat galaw niya ay pagkirot ang hatid sa kanya?

Hindi lang siya pinaglaruan. Para siyang laruan, ginawa siyang literal na laruan ng kanyang asawa. Hindi niya alam kung ganoon ba talaga katindi ang kasalanan niya para gawin ito sa kanya ng kanyang asawa. Ganoon nga ba talaga? Kasi sa nararamdaman niya, bakit parang sobra na yata..

Parang hindi niya na kaya.. Hindi niya na kayang magtuloy-tuloy pa rin.

Napasinok siya nang magsimula na naman siyang humagulgol. Niyakap niya ang kanyang sarili rito sa silid na lamig ang pumapaligid sa kanya. Lamig at kadena na kahit wala ay nararamdaman niya sa kanyang leeg.

Nasasaktan na siya. Nasasakal na siya. Hindi niya aakalain na magiging ganito ang kanyang asawa sa kanya mismo. Gusto man niyang isipin na dahil lang sa galit pero malabo, hindi lang ito basta galit nang dahil sa isang bagay na hindi nila pagkakaintindihan.

Mahal niya ang asawa niya. Minahal niya naman si Miguel pero sa bawat paglipas ng mga araw ay parang unti-unti nang nawawala ang pagmamahal niya para sa lalaking ito.

Tumayo na siya kahit hirap na hirap siya sa paggalaw. Una niyang ginawa ay kumuha ng mga bagong damit upang isuot. Aalis na siya, ayan ang gagawin niya ngayon din. Nakita niya ang mga pasa sa kanyang balikat at braso, mga pasang hindi maitatanggi na gawa ng isang tao. Napapikit siya nang kumirot ito.

Nang matapos niyang isuot ang kanyang mga damit ay nagtungo na siya sa pinto. Binuksan niya ito subalit gulat siya nang hindi niya ito mabuksan. Pinili pa rin niyang buksan pero wala, walang nangyayari. Nakasarado ang pinto, mukhang naka-kandado sa labas.

Kumatok siya nang kumatok, malalakas na katok, hanggang sa tumawag siya. Bigla niyang naalala ang kanyang telepono, pero hindi niya mahagilap. At siguradong kinuha ito ng kanyang asawa.

"Manang? Manang?" Mga tawag niya pero walang nagbubukas ng pinto para sa kanya.

Nagsimula na naman siyang umiyak pero hindi siya tumigil sa pagkakatok at pagpilit sa pagbukas ng pinto kahit malabong mabuksan niya ito. Naupo siya sa sahig at muling napahagulgol hanggang sa mapagod siya, nakatulog siya rito sa sahig na nakasandal sa dingding.

Nagising siya, ramdam niya ang lambot ng kinahihigahan niya. Nagtataka siya ngayon, paanong nandito na naman siya sa kama? Na kanina lamang ay nandoon siya sa tabi ng pinto.

Hindi niya na inisip pa kung paano. Bumangon na siya, ala 12 na ng tanghali. Nagpunta siya sa pinto, at bago pa man niya hawakan ang pihitan ng pinto, nagdasal siya na sana ay bukas na upang makaalis na siya, at nangyari nga.

Kinakabahan man siya ngayon ngunit minadali niya na ang kanyang paglalakad hanggang sa makaalis siya sa bahay na ito na para sa kanya ay impyerno.

Wala siyang nadatnan na kahit sino, at nang marating niya ang pinto palabas ng bahay, napatigil siya nang may dalawang lalaking nakabantay dito. Mga tauhan ng kanyang asawa, ngunit hindi niya inalintana.

Nilampasan niya ang mga ito subalit hinarangan siya ng mga ito bago pa man siya tuluyang makabalas ng bahay. Tumigil siya at tinignan ang mga ito.

"Ano?" Mataray na tanong niya sa mga ito.

"Ma'am, bilin po sa amin ni Sir Miguel, hindi po kayo hahayaan na umalis dito sa bahay." Sagot ng isa.

"Wala akong pakialam. Aalis ako sa ayaw at sa gusto ko." Sagot ni George at lalampasan na muli sana ang mga ito nang harangan siyang muli.

MagbalikWhere stories live. Discover now