1 - Magbalik

4.3K 51 9
                                    

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

---

Primo

"Hay, nako! Sa wakas, nandito na rin! Napaka-Filipino time talaga!"

Hindi pa nga ako tuluyang nakakapasok, rinding-rindi na agad ako sa boses ng ugok na 'to. Pakaingay eh. Kung pwede lang itulak sa building na 'to. Loko lang.

Hindi na ako sumagot dahil kahit naman sumagot ako at magrason, eh hindi ako titigilan ng tatlong itlog na 'to. Kesyo ang bagal kong gumising. Kesyo ang bagal kong gumalaw. Kaya laging late na lang, as usual. At madalas na idinadahilan nila, nakikipaglandian pa..

Which is totoo naman. Tsk, ako pa? Okay lang makipaglandian, basta sa isang babae lang. Ganoon.

Pero actually, wala naman sa mga sinabi ko 'yong rason kung bakit late na naman ako. Birthday kasi ng Lolo ko, kaya dumaan muna ako. 'Yung usapan na alas 10 na practice namin ng mga tropa ko, eh paano kung alas 12 na ngayon?

At syempre, kahit na sermunan nila ako, 'di ako magsisisi na nagpunta ako sa Lolo ko roon sa Tagaytay. Nag-commute na nga ako dahil hindi ko kaya magmotorsiklo papunta roon. Hindi pwedeng palampasin ang araw ng pinakamamahal kong Lolo, gusto ko pa nga sanang mag-stay kaso.. Kaso sus, OP lang ako roon.

Kaya rito na lang ako, kahit mga bwisit 'tong tatlong kuto na kasama ko. De, biro lang.

Sus, maiintindihan naman nila ako kahit ano ang irason ko dahil ako ang pinakagwapo sa'min.

Tinanguan ko sila isa-isa at para kaming mga timang na nagtatanguan. Nandito kami ngayon sa condo ni Bruce, 'yong pinakamayaman sa aming apat. Paka-ritskid ng lalaking 'to pero ang inilamang ko sa lalaking 'to, wala siyang sapatos na mayroon ako.

Wala siyang.. SHOEta. Oh, edi waley.

"Ba't ngayon ka lang, pre? Na naman!" Sabi ni Eugene, Gin for short, habang nakahiga at kumakain ng chichirya at nakaupo roon sa malapit sa drum set ni Bruce.

"May birthday sa'min.." Sagot ko nangailapag ko na ang gitara ko sa sofa kung saan nakaupo naman si Judas.. Ay, Jude pala. Ayaw niyang magpatawag sa totoong pangalan eh. Haha!

"May birthday sa inyo? Sa tintirahan mo? Sa pagkakaalam ko, wala ka namang kasama sa apartment na tinutuluyan mo maliban sa mga pusa." Sabi naman ni Bruce at napairap na lang ako.

"Oo nga." At nag-second demotion naman ang Hudas--este Jude na nga lang. Upakan pa ako nito eh.

Napairap na lang ulit ako at umupo na sa sofa para magpahinga. Medyo pagod na nag-motor papunta rito mula sa tinutuluyan ko. Mga limang kilometro lang naman, pero idagdag mo 'yong traffic kaya dahilan kung bakit mas na-late.

"Sa Tagaytay ako nanggaling, sa Lolo ko, at siya ang may birthday. Okay?" Sabi ko na at napatango sila. "Actually, sa pagkakatanda ko, sinabi ko 'to kagabi sa GC natin eh."

Oo nga, ba't ko pa ba sinasagot 'tong mga 'to?

"Sus! Alam naman namin eh.. Baka lang kasi may isa pang rason. Alam mo na, baka dumaan pa sa girlfriend at alam niyo na."

Agad kong kinuha 'yong unan na nandito sa tabi ko at tinapon sa mukha ni Gin na mukhang kamanyakan naman ang iniisip. Kung pwede lang, ginawa ko na. Eh, hindi naman pwede na pupunta ako roon nang biglaan nang hindi niya alam. At tsaka, oo nga. Badtrip ako! Badtrip dapat ako dahil hindi niya ako ni-reply-an 'yong good morning ko. Hanggang ngayon!

MagbalikWhere stories live. Discover now