SC 2

767 20 2
                                    

"Feeling ko, sisipa na si Baby eh." Sabi ko at itinapat ang tainga ko sa puson ni George.

Narinig ko ang pagtawa ni George at inilayo ang kanyang tiyan niya sa akin. Para naman akong nagtampo kaya hinapit ko ang beywang niya para yakapin muli.

"Wala pa.. Eh, 4 months pa lang."

Four months pa lang ang anak namin sa sinapupunan niya at limang buwan na lang, legit na tatay na naman ako. Madadagdagan na naman 'yong mamahalin ko sa buhay ko. At dahilan para laging maging masaya, sa araw-araw.

Excited na ako, paanong hindi ako magiging excited? Ito 'yong unang pagkakataon na magkakaroon na kami ng anak ni George. 'Yung bata na galing sa kanya at sa akin, may dugo kong nananalaytay sa bata. Kung kay Aurora at Georgia na hindi galing sa akin pero halos sumabog na ako sa sobrang saya, ito pa kayang pangatlo namin ni George? At ngayon pa lang, halos lumutang na ako sa sobrang saya maisip ko pa lang na mabuhat ko na ang anak ko.

Pero 'yong totoo, sinorpresa pa lang niya ako na buntis siya, araw pagkatapos ng birthday ko, para akong nasiraan ng bait. Hindi ko alam ang gagawin ko nun. Nagtatatalon ako, nagsisisigaw, at parang baliw na nagwawala. Pero ang pinagkaiba nga lang, nababaliw ako sa sobrang saya.

Ganito pala 'yong feeling na tatay ka na? Noon ko pa ito pinapangarap, at ito, nangyayari na. Lahat ng pinangarap ko, ito ang pinakamasarap.

Ito 'yong unang beses na makikita ko si George na lalaki ang tiyan niya, na sa paglaki nun, ako ang kasama niya. Unang beses na makikita ko kung paano maglihi ang buntis, at ako ang magbibigay sa kanya ng kahit ano'ng gusto niya. Unang beses din na makikita ko siyang nakasuot ng maternity dress, parang mas maganda pa siya sa suot na ito kaysa sa wedding dress niya noong kasal namin.. At una at hindi huling beses na sasamahan ko siya sa bawat check up niya hanggang sa mag-labor siya.

Kaya ito, todo ang ingat ko sa kanya. At kapag wala naman ako sa bahay, oras-oras ko siyang tinatawagan. Nagtatrabaho pa rin ako kahit buntis siya, pero napag-usapan naming dalawa na kapag 8 months na siya ay magle-leave muna ako para matuunan ang pag-aalaga sa kanya.

Pero ngayon, binawasan ko ang araw ng pagtatrabaho ko. 4 times a week na lang.

Ate na ulit si Aurora, at si Gia, Ate na rin. Tuwang-tuwa rin si Aurora ngayon na buntis na naman ang Mommy niya. Sinasabi pa niyang sana boy para may little brother na sila ni Gia. Para sa akin naman, kahit ano pang gender ng magiging anak namin ni George, sobrang ayos para sa akin.

Alam na rin ng mga kaibigan ko sa buntis na si George, sila pa ba? Paano nila nalaman? Syempre, ipinagkalat ko eh.

Medyo halata na ang laki ng tiyan ni George, pero sobrang ganda pa rin niya. Sobra. Sobrang sexy din.

Hinalikan ko si George sa kanyang pisngi kaya napatingin siya sa akin. Lumingon eh, edi hinalikan ko ulit. Pero sa lips na.

"Primo, ano'ng oras ka uuwi mamaya?" Tanong niya nang maghiwalay ang mga labi namin.

"Hmm, siguro 8 PM na." Sagot ko at mula sa labi niya ay bumalik ang tingin ko sa mga mata niya. "Bakit?"

"Wala lang, para alam ko kung ipagluluto kita.." Sabi niya habang pinaglalaruan ang butones ng suot kong polo ngayon.

Medyo natawa ako. "Huwag na.. At huwag ka nang magluto, mapapagod ka lang.. Sabihan ko na lang si Manang na lutuan ka. Ano ba ang gusto mo?"

Alas 9 na ng umaga. Nandito kami ngayon sa sala, nilulubos ang ilang oras bago umalis at magtrabaho sa restaurant. Kinagawian ko. Gigising nang maaga para pagsilbihan ang mga prinsesa at reyna ko, pagkatapos, ihahanda ang sarili dahil may trabaho.

MagbalikTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon