5 - The Misunderstanding

942 23 3
                                    

Primo

Nanigas ako nang may yumakap mula sa likod ko. Halos mangatog pa mga tuhod ko dahil sa pagsubsob niya ng mukha niya sa likod ko. Tumigil ako sa pag-aayos ng mga baso at binitawan ang hawak ko.

"Ba't ka nandito?" Tanong ko sa kanya at ramdam kong umiling siya.

"Ayaw ko roon. Gusto ko rito. Dito sa'yo." Sagot niya.

"Doon ka na. Baka magtaka pa sila kung bakit ka umalis bigla at makita ka na nakayakap sa'kin.. Baka kung ano pa ang isipin nila."

"Why so mean, Primo?"

Hindi ako sumagot at hinintay ko lang siya na bumitaw sa'kin. Pero hindi niya ginawa kaya kinuha ko 'yong mga braso niyang nakapulipot sa'kin para tanggalin at harapin siya. At ngayon, tanaw ko na ulit 'yong mukha niya. Hindi siya nakangiti tulad ng ginagawa niya kanina, at wala kang makikitang kahit anong pagkapilya niya.

"Ano naman kung makita nila akong nakayakap sa'yo? Ano naman? Ikaw ang boyfriend ko, ikaw ang mahal ko kaya sa'yo ako lalapit at sa'yo ako yayakap." Sabi niya.

Boyfriend niya? Ako? Mukha ba niya akong boyfriend pagkatapos ipagkalat ng tanginang lalaking 'yon na siya ang boyfriend?

"Kung iniisip mo na ginusto ko 'yong nangyari ngayon lang, pwes, hindi. At kung galit ka man ngayon sa'kin, just let it be. May karapatan kang magalit sa'kin ngayon. And I'm sorry.."

Hinawakan ko na 'yong magkabilang braso niya. "George, hindi. Hindi ako galit at mas lalong hindi ako galit sa'yo.."

Alam ko naman na hindi niya ginusto 'yon.. Alam ko.. Alam niyo, hindi ko lang talaga maintindihan sa sarili ko. Alam niyo 'yong gusto ko na dapat nasa akin 'yong atensyon niya, dapat ipinaglalaban niya ako. Wala siyang kasalanan, at kasalanan ko dahil ako 'tong gumagawa ng dahilan para maramdaman ko 'yong kakulangan na nararamdaman ko. Gaya nga ng sabi ko, uhaw ako sa atensyon.

At napahiya lang ulit ako dahil.. dahil parang hindi aware ang lahat na may boyfriend siya, pati 'yong tatay niya na kita ko pa kanina ang saya niya habang pumapalakpak. Nakaka-tangina lang, alam niyo 'yon? Ikaw ang boyfriend pero hindi ikaw 'yong gusto para sa anak ng tatay ng pinakikitaan mo ng buong effort para lang mapansin at matanggap ka.

Ba't ba hindi na lang ako masanay? Bakit ba hindi pa ako nasanay?

"Hindi ko 'yon ginusto. Hindi ko 'yon alam.. Nagulat lang din ako. Kung alam ko lang na may mangyayaring ganito, hindi na lang ako pumunta. At ngayon, naiinis ako sa kanilang lahat dahil.. dahil nasaktan na naman kita."

Nalula ako nang makita ko na siyang lumuluha ngayon sa harapan ko. Kita ko rin sa pagpahid niya ng luha at sa panginginig ng boses niya 'yong inis na sinasabi niyang nararamdaman niya ngayon.

"Noong nakita kitang umalis, tumakbo ako para sundan ka kahit nagtataka sila kung bakit.. Tinatawag nila ako pero hindi ko sila pinansin dahil ikaw ang gusto kong puntahan ngayon. Primo, I'm sorry.. Sorry.." Sabi niya at nagsimula na siyang humikbi.

Umiling-iling ako at pinunasan 'yong pisngi niya. Wala na akong masabi kaya niyakap ko na lang siya at hinayaan na yumakap sa'kin.

"Sorry, OA lang ulit ako.." Bulong ko sa kanya at hinalikan siya sa tuktok ng ulo niya. "Wala ka namang kasalanan.. Alam ko naman na 'di mo 'yon ginusto.. Wala, pakiramdam ko kasi, napahiya na naman ako."

"Kakausapin ko sila.. Kakausapin ko si Daddy."

"Huwag. Please. Huwag na, George." Pagpigil ko at hinarap na ulit siya. "Huwag na."

MagbalikTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon