16 - The Surprise

689 21 4
                                    

Primo

"Oy, may magbi-birthday na bukas. Hulaan niyo kung sino." Narinig kong sabi ni Jude, nagpaparinig pa ang tukmol na 'to.

Natawa na lang ako hanggang sa mapangiti, at saka nila ako tinukso nang makita nila 'yon.

"Ay! Pa-fall naman niyan, Fafa Primo!" Sabi naman ni Bruce at pinagmumura ko na lang sila.

Putek na 'to, kanina pa ako tinutukso. Ewan ko kung ano'ng mayroon eh. Dahil ba sa mangyayari bukas? Oo na, birthday ko na nga!

Birthday ko na bukas. Oh, ano naman ngayon, 'di ba? Taon-taon naman akong nagse-celebrate. Wala namang something na espesyal na mangyayari. Ewan ko lang sa mga 'to, mula kaninang hapon pa ako pinaparinggan na kesyo birthday ko na raw bukas. Sus, gusto lang ng mga 'to na magpainom ako sa kanila eh. At tsaka magpakain. Walang budget, sorry na lang. Haha!

Pero naisip ko rin, ano naman kaya ang ireregalo sa akin ni George this time? 'Di ba, pinangungunahan ko na? Haha! De, kahit wala naman eh.

Speaking of George, wala namang bago, ganoon pa rin kami. Magsyota pa rin, mahal ko pa rin, mahal pa rin niya ako. Mahal namin ang isa't isa. Magbabago na lang siguro ang lahat pero hindi lang ang pagmamahalan naming dalawa eh.

Ito, lagi ko pa rin siyang nami-miss. Mga dalawang linggo na rin noong matapos nang nangyari. Naging back to normal na. Ang tinutukoy ko ay 'yong pagbabantay sa kanya ng mga gwardya ng tatay niya na ngayon ay wala na.

Actually, mayroon pa rin, pero pa-minsan-minsan na lang. Huling pagkakaalam ko na nakabantay pa rin 'yong dalawang lalaki sa kanya, noong isang linggo. Nagpunta ako sa school niya nun, pero syempre, 'di ako nagpakita sa dalawang gunggong. 'Yung akala ng dalawang 'yon na may inaasikaso pa si George sa library, walang kaalam-alam na ako 'yong inaasikaso niya roon. In short, naglalandian kami sa library nun. Sorry na lang sila.

Pero so far, mukhang wala na. Sinabi rin niya sa akin noong isang linggo rin na wala nang nakabuntot sa kanya. Naisip ko, siguro ay nagsawa rin si Senator. Talagang magsasawa siya dahil kahit ano pa ang gawin niya, 'di niya naman mapipigilan nararamdaman ng anak niya.

Ngayon nga, parang gusto ko na nga siyang puntahan sa bahay nila. Alam niyo na, doon mag-i-stay, matutulog, pero pinigilan ko munang hindi. Dahil bukod sa naging busy ulit ako sa mga trabaho ko, kailangan kong palamigin ang sitwasyon.

Hindi namin kasi porke't tanggap ko nang hindi ako matatanggap ni Senator Elizalde para kay George, eh gagawin ko na kung ano ang gusto ko. Nandito pa rin 'yong respeto, 'yong pagsunod.. Pero may limitasyon kapag sumobra ang pagbabawal.

"Oo nga pala, Primo, birthday mo na bukas.."

Napatingin na lang ulit ako sa nagsalita, si Cassie. Tsaka ko namalayan na kami na lang ang natira rito sa table set kung saan ay kasama ko lang 'yong tatlo. Saan na ba ang mga 'yon?

Alas 9 ng gabi, gig pa rin ang pinagkakaabalahan. Hanggang alas 10 lang naman 'to, ito, nagpapahinga lang kami nang kaunti bago ulit kumanta nang isa pa at umuwi na. Naisip ko, tulog na kaya si George?

Akmang kakalikutin ko na ang phone ko nang mapansin ko ulit si Cassie na nakaupo sa tabi ko hanggang sa magulat ako nang kuhanan niya ako ng litrato.

"Hoy!" Saway ko pero agad siyang tumayo at lumayo sa akin. "Cassie, burahin mo 'yan!"

"Bakit? 'Di ba pwede?"

"Oo."

"Bakit? May mga kumukuha naman sa'yo habang nagpe-perform ah. 'Di naman bago para sa'yo."

MagbalikWhere stories live. Discover now