17 - Then Again

630 17 2
                                    

Primo

"Wooh! Yeah! This is so fun!" Rinig kong sabi niya nang mahagilap na siya ng aking mga mata.

Ramdam ko ang pag-igting ng panga ko sa nakikita ko ngayon na ginagawa niya. May mga kasayawan siyang mga lalaki, marami! Mga apat! At halatang lasing na nga siya dahil mukhang hindi alam ang ginagawa. Ito, ito siya kapag lasing. Kaya mahirap kung hindi niya ako kasama.

Tinignan ko ang mga lalaki at tuwang-tuwa lang din na nakikipagsayawan sa kanya. Pero nang makalapit ako, agad ko siyang hinila. Parang 'di naman siya nagulat, ako nga 'tong nagulat dahil ipinulipot niya ang mga braso niya sa leeg ko habang sumasayaw pa rin.

"Let's have fun! Wooh!"

Amoy na amoy ko 'yong alak na ininom niya. At sa amoy pa lang, malalaman mong matapang. Bakit ba siya naglasing? At bakit siya nandito?! Bakit sila nandito ni Chloe?! Ba't hindi ko alam?

Gago ka ba, Primo? Eh, nag-away kayo kanina.

Pero ano?! At sumasayaw pa siya ngayon? Tangina, ilang oras na silang nandito? At sigurado ako, ganoon na rin katagal na may mga kasayawan siyang lalaki rito. Baka nga may naglakas-loob na lapitan at galawin siya.

Hinawakan ko lang siya sa beywang niya habang gumigiling pa rin siya. Nang mapansin niyang hindi ko sinasabayan ang pagsayaw niya ay napatigil siya. Patawa-tawa pa siya at tumingin sa akin. At nang malaman niya kung sino ako, agad niyang tinanggal ang mga braso niya sa akin.

"Tara na, uuwi na tayo." Sabi ko at hinawakan na ulit ang braso niya pero kumalas siya.

"No! I hate you!" Sigaw niya sa akin at nagpunta sa ibang parte para takasan ako.

At ngayon, parang may balak pang makipaglaro ng taguan sa akin ngayon. Tinatawag ko siya pero para lang akong tanga dahil bukod sa maingay, hindi naman 'yon magpapakita sa akin ngayon. Kaya hinanap ko siya nang hinanap.

Hanggang sa mapansin ko siyang nagtatatakbo na patungo sa gawing hindi ko alam kung saan papunta kaya agad ko siyang sinundan.

"Huwag mo 'kong hahabulin, you jerk!" Sigaw niya sa akin at nandito kami sa banda nitong bar na 'to na gawing patungong banyo kaya wala medyong tao.

Akmang pupunta na siya sa banyo ng mga babae nang hilain ko siya at isinandal sa pader para ikulong at hindi na niya ako matakasan. Hinawakan ko ang dalawang kamay niya at idiniin ang sarili ko para 'di na magpumilit na lumayo sa akin.

"Ba't ba ang tigas ng ulo mo?!" Sabi ko at naiinis na ulit ako sa kanya, sa kanya na naglalasing nang 'di ko alam!

"Mas matigas 'yang sa'yo!" Sigaw niya sa akin pabalik at nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Ano'ng.. Ano'ng sinasabi niya?

Ah, erase, erase! Sinasabi ng babaeng 'to?

Bumuntong-hininga ako at pilit na hinuhuli ang mga mata niya pero wala, nakaiwas siya at ayaw niya akong tignan. At nagpupumilit pa rin na kumalas sa hawak ko sa kanya.

"Naglalasing ka? Naglalasing ka na ulit nang hindi ko alam? Ha? Ito ba, George?" Pagsermon ko na sa kanya at sumagot pa siya.

"Bakit? Hindi pwede? Sino ka ba? Ano naman kung naglalasing ako? Kayo lang bang mga lalaki ang pwedeng maglasing? Palibhasa kasi, kayong mga lalaki, naidadahilan niyo ang alak kapag nasasaktan kayo. So kami, 'di pwede?"

Alam niyo, gusto ko mang sabihin ngayon na hindi niya alam ang sinasabi niya pero malabo. Dahil alam ko naman ang pinaparating niya.

"Ang saya pa rin pala maglasing!" Bumungisngis siya. "I met Kurt, Jonas, Theo, and many more.."

MagbalikTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon