37 - Capture

662 29 14
                                    

Primo

Ilang linggo na ba? De, haha! Kung makapagtanong, parang ang tagal na ah. Mga dalawang linggo na rin pala, dalawang linggo nang nagtatrabaho sa Hotel McBride.

"Wow! Bango naman niyan, Chef Primo? Ano 'yan?" Tanong ni Jude nang makalapit sa akin.

"Ginigisang luya at bawang, gusto mo?" Biro ko pero totoo naman 'yong sagot ko.

"Gago, alam ko." Pagtawa niya. "Sabi ko, ano ba 'yang iluluto natin ngayon at parang ibang recipe ang pina-prepare mo sa'kin?"

Lumingon ako sa kanya. "Wala, pang-atin lang 'to, 'no. 'Di ba, naalala mo 'yong sabi ni Sir Miguel sa'tin, pwede akong magluto ng kakainin natin dito at gamitin ang mga ingredients dito sa kitchen, basta 'di masyadong busy?" Sabi ko sa kanya at napatango siya.

Pero ayun nga, totoo 'yong sinabi ko, sinabi ni Sir Miguel sa amin 'yon. At ito 'yong unang beses na susubukan ko 'yong pwedeng gawin na sinabi niya. Tutal, 'di naman masyadong busy. Alas 2 na ng hapon, tapos na namin 'yong tanghali phase kung saan maraming tao rito sa restaurant. 'Di pa kami nagtatanghalian kaya ito, nagluluto ako nang makakain namin.

Pero sa totoo lang, pwede kaming kumain na ang ulam ay ang mga sini-serve dito, pero parang ayaw ko eh.. Hindi sa ayaw ko ang mga pagkain dito. Wala lang, gusto ko lang ng pagkaing normal lang. Tulad nitong niluluto ko ngayon, pinakbet.

Actually, mayroon ang dish na 'to rito sa menu ng Hotel McBride kaso hindi ko bet 'yong recipe. At pansin ko nga, wala masyadong nag-o-order ng dish na 'yon. May minsan lang na natikman ko 'yon, 'di ko talaga bet.

Pinakbet, alam ninyo 'yon?

"Gutom na 'ko, eh." Sabi ni Jude at hinihimas pa ang tiyan niya.

"Oo na. Madali lang 'to." Sabi ko sa kanya at medyo natawa.

Napatingin ako sa napansin kong taong dumating at ayun, si George. Nasa labas, tanaw ko mula rito sa kitchen, kararating lang niya. Bahagyang humaba ang leeg ko para tignan kung sino ang kasama niya pero nagulat ako nang mauntog ako sa nakasabit na kawali rito.

"Ayan.. Ayan kasi, eh. Akala ko, secret lang natin? Ba't parang pinapahalata mo pa sa iba?" Sabi ni Jude at itinuon ko na lang ulit ang atensyon ko sa niluluto ko.

Pero ilang saglit ay tumingin ako sa kanya, ito, nakangiti na parang isang aso. Tinataas-taas pa ang mga kilay niya.

"Ayos ba? Makita mo lang si crush, buo na agad araw mo.. Parang kaya mo nang magtrabaho nang 24 oras." Sabi niya at tinutukso-tusko ako.

"Sinasabi mo?"

Ano na naman ang sinasabi ng unggoy na 'to? Alam ninyo, kung may isang bagay na sanay na rin ito, itong kadaldalan ni Jude ever since. Napaka-consistent, hindi nagbabago.

"Ang sabi ko.." Lumapit siya sa akin para bumulong. "Crush mo si Ma'am Ysabel." Sabi niya at umiling-iling ako.

"Sino 'yon?"

"Gago."

Napangiti na lang ako, hindi ko nakailangan pang ilihim at itago sa kanya. Bakit? Kasi alam niya na eh, at oo, napasuko niya na ako.. At natanto ko, kailangan ko rin sabihin sa kanya ito. Tama siya, hindi ko na kaya pang isarili ito.

Walang nagbago sa nararamdaman ko para kay George noon. Tangina, oo na, inaamin ko. Kailan ba nawala? Sinubukan ko lang pero hindi nangyari. Sinubukan ko lang at walang nangyari. Walang nagbago.

MagbalikWhere stories live. Discover now